XXXVII. The Battle

Start from the beginning
                                    

Patas ang laban ngayon. And I'm not a hundred percent sure that we will win. Especially now that I failed to make an alliance with the Kizeans.

Six versus six.

Itinaas na ang pulang bandila at pinatunog ang trumpeta senyales na nag-uumpisa na ang digmaan.

"Eerah, huwag kang lalayo sa tabi ko."

Nginitian ko lang si Nickolas bago ko ilagay ang invisibility potion sa katawan at tuluyang maglaho. Sorry, Nick. I can't be the damsel in distress tonight.

Naglakad ako sa gitna ng mga naglalaban nang hindi nila nakikita. Tinutulungan ko ang mga kakamping nadaraanan at nilalagyan ng healing potion ang mga sugatan.

Ngunit hindi pa rin iyon sapat. Masyadong marami ang hukbo ng mga kalaban kaya napilitan ang iba sa amin na umatras.

"Anong nangyayari?" I asked when I came back to our base. Nagkakagulo ang lahat at hindi malaman ang gagawin.

"Masyadong malalakas ang mga kalaban. Marami ang maaaring mamatay kapag tumuloy pa tayo."

"Then, what should we do?"

"We need back up. We need more warriors," saad ni Ethan na kakabalik lang.

"Lahat na ng mga kawal ay nandito. There's no one who could be our back up," turan naman ni Ashley.

"You might need our help."

Hundreds of armored warriors are coming in our way. And in front of them is the crimson-haired girl in the prison, Lorraine.

"Let the freedom be ours tonight," wika niya at ngumiti sa akin bago nakihalo sa mga kawal sa sumusugod.

Now, I think I understand everything. Kung bakit kumampi ang Kizea sa dark organization gayong sa amin ito kumampi noon.

The leader of the Kizea from the past is Lorraine. Napagtagumpayan nilang matalo ang hari noon. Ngunit dahil alam ni Vincent ang nangyari sa nakaraan, pinigilan niya ang mga dapat mangyari. Tinulungan niya ang hari upang hindi magtagumpay sina Lorraine. At kapalit nito ay ang pakikipagsanib-pwersa ng Kizea sa dark kingdom.

"Eerah!" tawag ni Nickolas sa akin. Naglakad siya patungo sa akin nang may masamang tingin.

Napapapikit nalang ako at tumalikod mula sa kanya. Tinakasan ko nga pala siya kanina. Nagbuhos ulit ako ng invisibility potion at akmang tatakbo nang hitakin niya ako papalapit sa kanya.

His left hand is holding my right pulse while his other hand holds his wand. Geez, he just countered my imvisibility potion!

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Eerah!? I told you to just stay by my side," asik niya sa akin.

Napakamot nalang ako ng ulo. Ano ba ang gagawin ko sa isang ito? I know he would probably interfere with my plan once he knew it.

"I... I just want to prove myself that I can fight on my own."

Napabuntong hininga siya bago bitawan ang pulsu-pulsuan ko. "I know you can fight on your own but this is not the right time to prove yourself. Paano kung masaktan ka?"

Hinitak niya ako patungo sa kanila at ipinuwesto ang espada upang makipaglaban.

"You can fight but you need to fight by my side."

Nasa likod niya ako habang abala siyang makipaglaban. I throw poisons toward the enemies amd minutes later, they'll eventually fall to the ground. Easy peasy.

May dumating na tatlong kalaban sa direksyon ni Nickolas dahilan upang matuon dito amg kanyang pansin. Agad ko itong kinuhang panahon upang gamitin ang invinsibility potion at umalis.

Tinahak ko ang daan patungo sa base ng mga kalaban. Inilibot ko ng tingin ang paligid hanggang sa wakas ay makita ko ang hinahanap.

Ngunit bago pa man ako makalapit sa kanya ay natangay ako ng agos ng mga kawal na tumatakbo palayo. Geez, that's the disadvantage of invisibility. Hindi nila ako nakikita ngunit kaya nila akong mahawakan.

Nagtataka ko silang pinagmasdan habang umiiwas ako sa kanilang dinaraanan. Teka, umaatras ba sila?

"Patay na ang hari ng Aurel! Kailangan na nating umatras," sigaw ng isa sa kanila.

King Haran, the father of Vincent and the leader of the dark organization is now dead.

Hinanap ko ulit siya sa gitna ng mga tao. Agad ko naman siyang nakitang patungo sa madilim na gubat kaya agad ko siyang sinundan.

"William!"

Gulat siyang lumingon sa akin nang hawakan ko ang braso niya. Agad niya akong itinago sa isang puno at tiningnan ang paligid kung may iba bang tao.

"Victoria, anong ginagawa mo rito? You're in the enemy's base. Gusto mo na bang mamatay!?"

"William, I need to talk to you--"

"William!"

The face of a man appeared behind the silhouettes of the trees under the moonlight. His eyes are raging with anger. Maybe, because of the death of his beloved father. Ngunit napalitan ito ng ngisi nang makita niya ako.

Itinago ako ni William sa likod niya habang si Vincent naman ay patuloy ang hakbang patungo sa akin.

Bigla niyang hinawi si William upang magkaharap kami. "Ilang beses na kitang pinagtangkaan pero palagi ka nalang nakakaligtas."

Nais kong umatras ngunit nakasandal na ako sa puno. Ngunit sa isang iglap lang ay nasa likuran na ako ni Vincent.

Humarap ulit siya sa akin ngunit hindi ko na siya naaninag dahil humarang sa harap ko si Nickolas.

"Oh, the knight in shining armor."

"Vincent, tumakas na tayo."

Lumingon naman si Vincent kay William bago bumaling ulit sa amin. "Magkikita pa tayo."

Tumalikod na sila at akmang aalis nang pigilan ko sila.

"Teka, sandali. William!"

They stopped and looked at me. Maging si Nickolas ay nagtatakang tiningnan ako.

"I know you don't really wanna be in the dark organization, William. Si Victo-- ako. Ako ang pumilit sa'yong sumali. I'm sorry. Please, come back to Everland."

"Victoria,"

Humakbang ako papalapit sa kaniya at inilahad ang kamay. Tatanggapin niya sana ito nang humalkhak si Vincent.

"Come on, Victoria. Bakit naman sasama si William sa taksil na tulad mo? You brought him in the dark, then, you left. Kung ayaw niya talaga sa amin, dapat ay noong umalis ka ay umalis na rin siya. Hindi ba, William?"

I looked at William with my eyes begging. Please, William. Come back with us. But he just looked at me with an unknown expression.

Liningon niya si Vincent at tumango rito. "Umalis na tayo, Vincent." Ngumisi sa akin si Vincent bago sila tuluyang maglaho sa dilim.

Napaupo nalang ako sa ibaba ng puno at napasandal dito. Yumuko ako at pumikit upang pakalmahin ang sarili. I once again failed.

Umupo si Nickolas sa harap ko at niyakap ako nang mahigpit. He caressed my hair.

"Hindi sa lahat ng oras ay kaya mong maibalik sa dati ang mga bagay. Learn to accept that there are things that can never go back to whay they've used to be, Eerah."

Inakay niya ako patayo at bumalik na kami sa mga kasamahan namin. They are cheering while raising the white flag which means we won.

Napangiti ako. Kahit papaano ay nanalo kami. Kahit hindi man ako nagtagumpay na ibalik si William, nagtagumpay naman ang samahan namin.

But I know that everything won't end here.

Ever AfterWhere stories live. Discover now