VII. First

111 21 3
                                    

"Ako ang hinaharap, kamahalan." sambit niya at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa maglaho ito sa aking paningin.

"Huy, sinong tinitingnan mo dyaan?" tanong no Ariel nang makalapit sa akin. Umiling lang ako at sumunod sa kanya.

Nakikipaglaro sina Ariel at Victor sa mga bata. Nakita ko naman si Ethan na namimigay ng pagkain. Sa kabilang gilid naman naroon si Ashley at nagbibigay ng mga mansanas.

Pumunta ako sa pwesto niya at sinabing ako nalang ang mamimigay. Nag-aalangan pa siya nung una pero kalaunan ay pumayag din.

Lumapit sa akin ang mga bata at nag-uunahan sa hawak kong mga mansanas. Napapansin kong sumusulyap sa amin si Ethan pero iniirapan ko lang siya. Tsk, para namang manggugulo talaga ako.

"Huwag kayong mag-agawan. Marami pa ito." sabi ko at ngumiti. Lumapit sa akin ang isang batang babae at nakangiti ko naman siyang binigyan ng mansanas.

"Ngayon ko lang po kayo nakita dito. Ano po ang iyong ngalan?" inosente niyang tanong.

"Ee-- Victoria. Iyon ang aking ngalan." bigla namang nagbago ang ekspresyon niya sa sinabi ko pero lumiwanag din ito muli.

"Bakit? May problema ba?" tanong ko at namigay pa ng mga mansanas sa ibang mga bata.

"Wala po. Kapangalan niyo lang po kasi yung masamang prinsesa na ikinuwento sa akin ng kapatid ko." napahinto naman ako sa sinabi niya. Si Victoria nga ang masamang prinsesa na tinutukoy niya.

"Hindi po kayo iyon, hindi ba?" tanong niya pa. Ngumiti ako sa kanya at umiling. Hindi naman talaga ako si Victoria.

"Ikaw, ano ang pangalan mo?" pag-iiba ko ng topic.

"Dianne po." saad niya at kumagat sa mansanas na ibinigay ko.

Matapos kong mamigay ng mansanas ay sumali ako kina Ashley, Victor, at Ariel sa pakikipaglaro sa mga bata.

Naghahabulan ang mga bata kaya hindi sinasadyang natalsikan ng putik ng isang batang lalaki ang halos kalahati ng gown ko. Pinagpag ko iyon ngunit napatigil ako nang makitang nakatingin silang lahat sa akin na parang nakakita ng multo.

"Gosh! Favorite gown ni Victoria yan. Patay na tayo." saad ni Ariel at napahilamos ng mukha. Lumapit siya at hinawakan ang bata na nakatalsik ng putik sa akin.

"Ipapagawa nalang kita ng ganyang ganyang design ng gown wag ka lang--"

"Ayos lang. Malalabhan pa ito." putol ko sa sinasabi niya. Napatitig naman siya sa akin nang matagal.

"Ate, sorry po." sambit ng bata kaya lumuhod ako para makapantay siya.

"Ayos lang." ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.

Bumalik na ang lahat sa paglalaro. Ako naman ay naupo nalang sa isang gilid at pinagmamasdan ang mga batang masayang naglalaro.

"Ate, pwede mo ba muna pong hawakan ito?" tanong ni Dianne nang mataya siya ng isang bata sa habul-habulan.

Tumango naman ako at inabot ang purselas na hawak niya. Ngunit napatigil ako nang may biglang pumasok sa isipan ko.

Masayang naglaro ang mga bata sa gitna ng gabi. Sa isang gilid naman ay nakaupo ang mainit ang ulo na si Victoria. Kahit na pumunta siya sa palaging pinupuntahan ni Ethan ay hindi pa rin siya pinapansin nito.

Ngunit biglang nagkagulo ang lahat nang may pumutok na baril. Nagtakbuhan ang mga bata sa gilid. Pumunta naman sa unahan sina Ashley at Ethan upang protektahan ang mga bata sa ano mang panganib.

Si Victoria naman ay nagtago sa isang puno. May isang nilalang na nakatalukbong ng itim ang lumabas sa dilim.

Hindi nito ibig manakit ng kahit sino. Ang pakay niya lamang ay patayin ang masamamg prinsesang pangalan ay Victoria. Siniyasat niya ang paligid hanggang sa mahagip ng tingin ang dalaga na nagtatago sa isang puno.

Ngumisi ito at pinaputukan ang direksyon ni Victoria ngunit laking gulat niya nang hitakin ng dalaga ang isang batang babae dahilan upang ito ang matamaan ng bala.

Bumagsak sa lupa ang batang babae ngunit naiwan sa kamay ni Victoria ang purselas na suot suot nito kanina.

"Dianne..." bulong ko at napahawak sa ulo dahil sa sakit.

Hindi iyon isang alaala ni Victoria dahil nakita ko siya mismo. Para itong isang pangitain na naganap na sa nakaraan at kailangang baguhin sa kasalukuyan.

Napatayo ako nang may narinig na putok ng baril. Nagkagulo na ang lahat at nagtakbuhan sa gilid. Ngunit hindi ako nagtago sa isang puno katulad ng ginawa ni Victoria. Hindi ako gumalaw kung saan man ako nakatayo.

Lumabas na ang nilalang na nakatalukbong ng itim at inilibot ang tingin hanggang sa magtama ang mga mata namin.

Napangisi siya tsaka itinutok sa akin ang hawak na baril. Napapikit nalang ako sa takot dahil hindi ko alam ang gagawin.

"Umalis ka nga, bata!" walang kahit anong bala ang tumama sa akin dahil may isang bata na nanggulo sa lalaking nakaitim. Abala sa paglalalayo ng mga bata sa paligid sina Ashley at Ethan kaya hindi nila kami napapansin.

Natigilan naman ako nang makitang si Dianne ang batang iyon. Itinulak siya ng lalaki pero agad din siyang tumayo. Itinutok niya ang baril sa bata pero tumakbo na ako para ilayo si Dianne bago pa niya iputok.

Nang hitakin ko si Dianne ay napadapa kami sa lupa. Nakita kong wala nang ibang mga bata sa paligid at kinakalaban na ni Ethan ang nilalang na nakaitim.

Liningon ko si Dianne. Umiiyak siya habang nakatagilid sa harap ko. "Shh, ayos na ang lahat." sabi ko at hinimas himas ang buhok niya.

Napansin kong nagbago ang numero na nakaguhit sa pulso ko. Napangiti ako nang makita ang guhit na '9' Nagtagumpay ako sa unang misyon.

Napahawak ako sa aking tagiliran nang maramdaman ko ang kirot nito. Hindi ko nalang namalayan na may tumulo nang luha sa mga mata ko nang mahawakan ang dugo sa aking tagiliran.

Nagtagumpay nga akong iligtas si Dianne ngunit ako pala ang natamaan. Napangiti nalang ako nang mapait bago tuluyang pumikit.

Bakit ba kailangang ako ang maghirap at magdusa upang ituwid ang mga kamaliang nagawa ni Victoria?

**********

Storyline entry:

The girl thought that the fantasy world where she's in is just like a mere fairytale that always have a happy ending.

But she's wrong. Because everything has a dark side. Behind the magical fairytale she have read is a painful suffering.

Ever AfterWhere stories live. Discover now