V. Nickolas

119 20 0
                                    

"What have you done, Victoria!?" napapikit nalang ako dahil sa sigaw ni Vincent.

"Calm down, Vince. She might have an reason about why she did that." Nakaalis na ang lalaki at mga opisyal ng paaralan ngunit nagpaiwan ang isang lalaki na may badge din ng royalty.

"Sige nga, ano namang rason 'yon. I was embarrassed in front of the headmaster because of what you did, for Pete's sake!" sigaw niya kaya naman napapikit uli ako.

"Y-You lie. Isn't that an enough reason?" utal kong saad. Tumawa naman ng malakas si Vincent. Lalapitan niya sana ako pero hinarangan na siya ng isa pa naming kasama.

"Enough, Vince. Umuwi ka na." madiin nitong sabi kaya wala namang nagawa si Vince kundi umalis. But before he walked out, he said something

"Pagsabihan mo ang babaeng 'yan, William. Hindi pa kami tapos."

William. He's in the book. Prince William of Siren. He likes Victoria very much that he would do everything she orders-- even taking someone's life.

"Alam kong hindi mo pinagtanggol Nickolas nang walang mabigat na rason. Siguro ay may kailangan ka pa sa kanya." napangiwi naman ako sa tinuran ni William. Ganyan ba talaga kasama si Victoria?

Nickolas? Napaisip ako. Walang kahit anong pangalang ganoon sa libro. Siguro ay isa siya sa mga hindi naisulat.

"Pero sana naman ay hindi mo pinahiya si Vince. Malaking gulo kapag may hindi nagkasundo sa atin." yumuko nalang ako. I don't even know what he's talking about.

"Kailangan mo pa siya but don't forget our royalty rule." paalala niya at itinuro pa ang badge na suot ko.

"Royals over anyone. No matter what it cost."

~~~~~

Tulala lang akong naglalakad sa hallway na wala nang katao tao. Another day passed while I'm inside the book. Hinahanap na siguro ako ni lola Esme.

Binabagabag pa rin ako ng sinabi ni William kahapon. Royals over anyone? Kahit na ang royals pa ang mali, dapat ay sila pa rin ang kakampihan. What a toxic mindset.

I remember, I've read something like that in the Ever After. Nagkasundo ang mga Royals na gawin ang rule na'yon. But not everyone agreed. Princess Ashley of Wilhem, Prince Ethan of Serim and others didn't agreed about it that's why they are not included. Prince William of Siren also didn't agreed but when Victoria asked him, he have no choice.

Victoria is indeed an epitome of evilness. And I hate portrayong her character. Nakakainis!

Napahinto ako sa paglalakad nang makitang nakaharang ang isang lalaki sa harapan ko. The guy at the clinic, Nickolas.

"Princess Victoria Velloire of Winzellia." madiin niyang sambit buti nalang at hindi na ganoon katalim ang tingin niya sa'kin.

Napapikit naman ako sa inis. Kailangan ba talagang ipamukha sa akin na ako si Victoria?

"Alis dyaan. Dadaan ako." sabi ko at hinawi siya. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay hinitak niya na ako pabalik.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Tanong niya nang nakatitig sa mata ko. Tinitigan ko rin siya pero halos mangawit ako kakatingala dahil hanggang leeg niya lang ako kaya tumingkayad ako.

"Ang alin? Yung paghawi?" nangawit na ako sa pagtingkayad kaya umayos na ako ng tayo. Napa-tsk naman siya at sinamaan ako ng tingin.

"'E ano ba kasi?" tanong ko at nagkibit balikat.

"Why did you tell the truth in front of the headmaster?" sa tono ng pananalita niya ay para bang masama pa ang ginawa ko.

Pero hindi ko siya masisisi. It's unusual for Victoria to waste time telling the truth just to save an ordinary guy from the wrath of a prince. But I'm not Victoria, after all.

"Because I want to." taas noo kong sagot tsaka siya hinawi ulit at naglakad. Pero kagaya kanina ay hinitak niya ulit ako.

Hinawakan niya ang braso ko. Ramdam ko ang galit niya kay Victoria dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

"Kung ginawa mo 'yon dahil may kailangan ka sa akin, huwag ka nang umasa pa dahil kahit kailan ay hindi mo ako magagamit." binitawan niya ako at naglakad na.

Pero bago iyon ay may nasilayan ako sa mga mata niya. Nag-lalagablab na galit at isang alaala.

Nagniningas na apoy ang bumabalot sa paligid. Tila isa itong gutom na halimaw na nilalamon ang mga kabahayan at iba pang makapitan nito.

Hiyaw ng pagluluksa ang naghahari sa buong paligid. Pagluluksa sa mga taong naiwang nasusunog kasama ng kanilang mga ari-arian.

Nakatayo ako sa gitna ng mga taong nagkumpulan upang makita ang nagaganap. Nakataklob ng itim na tela upang hindi mamukhaan ng kahit sino. Kulay itim na tila ba pinangunahan ko na ang pagluluksa nila.

Natupok na ang lahat. Wala nang natira ni gatiting na pag-asa. May isang ngiti ang sumilay sa aling labi. Isang hindi maintindihang pagkagalak ang aking nararamdaman.

Umalis na ako sa kumpulang tao ngunit bago ako makaakyat sa karwahe ay may sumigaw sa likod ko.

"Ikaw!" napalingon naman ako sa nagsalita. Pinagmasdan ko siya nang mabuti. Puro uling ang kanyang mukha ngunit nakikilala ko pa rin siya.

Si Nickolas. Isa sa mga residente ng natupok na baryo. Pero ano naman pakialam ko sa isang hamak na mamamayan?

"Ikaw ang may pakana ng sunog, hindi ba!?" sigaw niya pa na punong puno ng galit.

"Bakit ko naman gagawin iyon? Ako pa nga ang nagpadala ng mga bumbero rito." sambit ko ngunit mukhang hindi siya naniniwala.

"Mapagpanggap ka." madiin niyang saad. Napangisi naman ako. Matalino nga ang nilalang na ito. Hindi ko siya malilinlang.

Humakbang ako papalapit sa kanya at bumulong. "Kung aaminin ko man, may maniniwala ba sa'yo?"

Napayuko ako nang makaramdam ng matinding pananakit ng ulo. Isang mapait na alaala ng kasamaan ni Victoria.

Lalo pang sumakit ang ulo ko kaya tuluyan na akong nawalan ng lakas tumayo at nawalan ng malay. Ngunit bago ko pa man ipikit ang mga mata ko ay nakita ko si Nickolas na niyuyugyog ang balikat ko.

Pilit kong nilalabanan ang pagbigat ng aking mga talukap ngunit natalo ako. Nais ko sanang sabihin sa kanya ang salitang hindi man lang nagawang sabihin ni Victoria.

'Patawad'

**********

Storyline entry:

The princess is evil. And the girl hates to potray her. But she have no choice.

All she can do is to utter a silent apology to everyone that the princess have hurt.

Ever AfterWhere stories live. Discover now