XVII. A princess to be saved

101 16 0
                                    

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na dumarampi sa mukha ko. Inilibot ko mg tingin ang paligid. Madilim at tanging ang sinag lang ng araw na tumatagos sa isang maliit na bintana ang nagsisilbing liwanag.

May rehas sa harap ko. Tila ba nakakulong. Sinubukan kong tumayo at lumapit doon ngunit pinigilan ako ng mga kadenang nakagapos sa mga kamay at paa ko.

Pilit akong magpumiglas sa pag-asang kakalas ito pero ilang beses ko nang ginawa ngunit walang nangyari.

"Pinapagod mo lang ang sarili mo. Mamamatay ka rin naman." saad ng isang lalaking nakaputing maskara. Hindi ko makilala ang boses niya dahil nakakulob ito ngunit alam kong siya ang kumuha sa akin sa gubat.

The same aura, the same intimidating feeling.

"S-Sino ka?" napansin kong namamaos ang boses ko. Nanginginig rin ang mga tuhod ko sa pagtayo kaya pinili ko nalang na umupo.

"Hindi mo na kailangang malaman," saad nito. Maya-maya pa ay may dumating na lalaking nakasuot din ng putong maskara.

"Gising na ba siya, Uno?" tanong nito at lumingon sa akin. Nang makita niyang gising na ako ay dali dali siyang umalis. Bumalik ito maya-maya na may dalang pagkain at gamot.

"Gawin mo ang gusto mong gawin sa kanya ngayon, Dos. Pero bukas, sa pagsapit ng gabi, ako ang papatay sa kanya." saad ng lalaking nagngangalang Uno. Napangiwi naman ako nang banggitin na naman niya ang pagpatay sa akin. Ganoon ba talaga ang galit niya kay Victoria?

Dali daling lumapit sa akin ang lalaking tinawag na Dos. Nakamaskara siya ngunit nakikita ko pa rin ang pamilyar niyang mata. Hindi ko lang alam kung saan kami nagkita.

"P-Pamilyar ang mga mata mo. Kilala ba kita?" nanghihina kong tanong. Siguro ay dahil sa gutom at pagod.

"Hindi na mahalaga iyon. Kumain ka na nang mabawi mo na ang lakas mo." saad niya at sinubuan ako ng kaning may sabaw at inihaw na isda.

Ilang minuto lang ay natapos na siyang pakainin ako. Sunod naman niyang nilagyan ng gamot ang mga gasgas ko sa tuhod at siko na siguro ay natamo ko dahil sa magaspang na sahig at pader.

"Bakit mo pa ako gagamutin gayong papatayin niyo rin naman ako?" asik ko sa kanya at inilayo ang siko ko. Hindi na ako gaanong nanghihina dahil nakakain na ako.

Napabuntong hininga naman siya at tinitigan ako. "Kahit kailan talaga ay napakatigas ng ulo mo, Victoria." saad niya na para bang kilalang kilala niya si Victoria.

Matapos niyang gamutin ang mga sugat ko ay agad rin siyang umalis. Naiwan lang ako sa kulungan na mag-isa ulit.

Pinikit ko ang mga mata ko at nag-isip. There's no scene like this in Victoria's book. Hindi siya nakidnap. Pero bakit ako nakidnap? Geez,

Inisip ko kung sino ang mga may galit kay Victoria na posibleng kumuha sa akin pero sumakit lang ang ulo ko dahil halos lahat ay may galit sa kanya. Ang kakampi niya lang naman ay sina Prince Vincent at Prince William eh.

Hindi napaalis ng palasyo si Victoria noon at ako naman ngayon ay napaalis. Siguro ay iyon ang dahilan. Naging vulnerable ako sa mga panganib dahil wala na ako sa palasyo.

May tatlong lalaking nakakulay itim na maskara ang nagbabantay sa harap ng kulungan ko. Geez, mukhang sila rin ang sumugod sa akin sa school at nakipagsword duel sa akin.

Uno and Dos might be their leader. Lahat ng mga lalaki dito ay nakaitim na maskara bukod sa kanila na kulay puti.

Pero ano namang motibo sa pagkidnap kay Victoria? Yes, of course, there are so many motives. Victoria is evil.

Ever AfterWhere stories live. Discover now