36

2.2K 50 10
                                    

Warning: R-18

Kabanata 36

"Family Lunch?!"

Binalot ako ng kaba dahil sa sinabi nito. Tumigil kasi kami sa isang magarang restaurant na hindi ko pa napupuntahan at malalaman mong mga mayayaman lang ang kumakain dito dahil ang mga tao ay may kanya-kanyang kotse, ang mga damit ay sobrang mamahalin at hindi mawawala ang mga private bodyguards sa likuran nila, mayroon ding nakabantay sa labas ng restaurant.

Akala ko pa naman date.

Ngumuso ako saka nilingon siya. Nakatingin na pala ito gamit ang ngisi niya. Urgh, bakit ba sobrang napaka-pogi nito!? Naiinis na ako huh! Tinaasan ko siya ng kilay para maitago ang biglaang pagkahumaling sa kanya.

"Gusto mo 'ata ng away noh?" I sarcastically asked.

He chuckled. Kinuha nito ang magkabilang kamay ko at hinalikan.

"Hindi sa ganoon...Kaya nga kita dinala dito para magka-ayos kayo ni Mama, at para makilala ka ng iba ko pang relatives. Lalo na ang pamilya ng fiance ko." He rolled his eyes.

Ano!?

Nandito din ang fiance niya?

"Yes, we're having a family lunch with my relatives and the family of Galvez, Rosalia's family." Aniya.

"Tara, pumasok na tayo." matapang kong sambit at hinila ang braso nito. Hindi kami pinatigil ng bodyguards, yumuko pa nga sila bilang pagbati na nakikita ko sa mga K-Drama. Hindi ko sila nabigyan ng pansin dahil nakapasok naman na kami.

Hinarap ko si Lucas. "Nasaan ang table nila?" tanong ko.

"Nasa fourth floor pa, baby..." He chuckled. Inalis niya ang kamay ko sa braso niya at hinawakan 'yon, pinisil pa. "Calm down. Okay?" bulong niya.

"I am calm." utas ko.

Sumakay na kami sa elevator, hinintay na makarating sa fourth floor. Habang naghihintay ay hinahalik-halikan ni Lucas ang gilid ng ulo ko.

Pinabayaan ko 'yon dahil masarap sa pakiramdam ang mumunting halik nito. Nasa pinakalikod kami naka-pwesto kaya hindi nakikita ng mga tao ang ginagawa ni Lucas.

At saka this is not sexual!

Kiss lang naman sa ulo binibigyang-pansin pa ng iba!

At nang bumukas na ang elevator, naglakad kami ng kaunti. Lucas pointed his forefinger nowhere, sinundan ko 'yon at nakita ang nag-uusap na mga tao sa 'di kalayuan ng aming pwesto. Nakita ko si Mrs. Fernandez na tumatawa habang pinaypayan ang sarili.

I turned my head to Lucas. I'm still nervous knowing that I will encounter his big family.

The Fernandez...

"I love you," Lucas said. "Huwag kang matakot. Ako ang makakalaban nila kapag nagbalak sila ng masamang gawin sa'yo."

Tumango ako. Huminga ng malalim bago tinaas ang kamao.

"Tara!" gayak kong usal.

Kumakabog-kabog ang puso ko pero pinigilan ko ang sarili na ipahalata 'yon dahil nasa harapan na kami ng pamilya niya.

"Lucas! I'm glad you came, hijo! Akala ko ay hindi ka pupunta." tumayo ang ina ni Lucas at niyakap ang kanyang anak. Pinisil ni Lucas ang kamay ko kaya ngumiti ako ng pilit.

Bumaling ang tingin ni Mrs. Fernandez sa akin kaagad na tumaas ang kilay nito. "And why are you here, woman?"

"Nice to meet you po, Madam." magalang kong saad at yumuko pa ng kaunti. Pag-angat ng aking ulo ay nakita ko ang pagsimpleng pag-ikot ng mata niya saka inirapan ako.

Beautiful Lie with Scars ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon