09

1.8K 51 2
                                    

Kabanata 09

"Gising na!"

Hinampas ko siya ng tuwalya na hawak ko. Imbes na bumangon nagtaklob pa ito ng manipis na kumot. Inulit ko ang paghampas ng tuwalya sa kaniya.

"5 minutes more." Tumagilid ito ng higa, tumaas ang kilay ko.

"Tanghali na po, Señorito JunJun Cruz! Bumangon ka na diyan!"

Marahas nitong inalis ang kumot at tiningnan ako. "I can't wake up without my good morning kiss,"

"K-Kiss?!" nauutal kong saad.

Pakiramdam ko na pumula ang buong mukha ko. Naalala ko na naman ang muntikan na paglapat ng aming mga labi. Kung hindi lang dumating si Louise tiyak na siya na ang first kiss ko.

"Yeah. So..." inginuso nito ang labi. "Give me my morning kiss, baby..." pinikit nito ang mata at hinihintay na halikan ko siya.

Nakatiganggang ako dito na nakatayo sa gilid ng kama niya.

Ngumisi ako at hinampas ang mukha niya. "Akala ko ba magda-date tayo?!" Pagkatapos ay tinalikuran ko na siya at lumabas ng kwarto niya. Maliligo na dapat ako kaso inutusan ako ni Nanay na gisingin siya. Akala ko nung una ay maaga siya nagigising pero umiba 'yun nang ginising ko siya isang beses, nagtuloy-tuloy na 'yon.

Pumunta na ako sa likod ng bahay habang may ngiti sa labi. Hays, baliw na 'ata ako. Pumayag ako na makipag-date sa kaniya dahil alam ko na hindi na namin 'to magagawa sa mga susunod. Abala na ako sa pag-aaral, maging siya din. Hindi ko naman kailangan na araw-araw kaming lumabas o pumunta sa magandang lugar para sa date namin, ang makasama ko lang siya araw-araw ay galak na ang aking tuwa...lalo na ang puso ko.

Sinimulan ko na ang pagligo. Mahina pa akong kumakanta. Sa amin 'tong lupa na nasa likod ng aming bahay na kung saan nandito nga ang aming palikuran at ang iilang gulay. May mga manok kami kaso binenta na noon pa dahil sa pangaingailangan.

Ibubuhos ko sana ang isang tabo ng tubig nang may maramdaman na nakatitig sa likuran ko. Humarap ako at nanlaki ang aking mata dahil nakita ko si JunJun na malaki ang ngisi.

"AH!!!" natapon ko ang tabo sa kaniya at umupo para hindi niya ako makita. Mabilis kong kinuha ang tuwalya na nakasabit sa gilid ng sementong pader. Sobrang bilis ng kamay ko, sakto na dumungaw si JunJun ay tapos na ako sa paglagay ng tuwalya.

"Hoy! Manyak ka ba?! Umalis ka dito!" sigaw ko. Sinabuyan ko pa siya ng tubig na ikinatawa niya lang. "Akin na nga 'yang tabo! Bilis!"

"Ayoko nga, ikaw nagtapon niyan e...Ikaw dapat ang kumuha," saad niya. Hindi matanggal-tanggal ang ngisi nito sa gilid ng kaniyang labi, dinilaan niya pa ang ibabang labi nito habang tumaas-baba ang mata niya sa katawan ko.

"Fucking sexy..." bulong niya at kinindatan pa ako.

N-Nakita niya kaya ang katawan ko?

"Don't worry wala akong nakita. Sakto na pagharap mo lang ang nakita ko saka ang buhok mo na basa." Aniya.

"Maniwala? Naninilip ka eh, magkakakuliti ka tingnan mo..."

Nagsalubong ang kilay niya. "Anong kuliti?"

"Hindi mo alam 'yon?" gulat kong tanong. Umiling ang ulo nito. Dahil do'n ay malakas akong natawa na umalingawngaw sa paligid. "Kapag nagsasabi ka ng totoo na hindi ka nanilip sa akin habang naliligo ako, hindi ka magkakaroon ng kuliti pero kung lahat ng sinabi mo sa akin ay sinungaling lang...hintayin mong kumati ang mata mo." sabi ko.

"I swear! Hindi kita sinilipan!" tanggi niya.

"Kausapin mo pwit ng manok." Tumawa ako. "Akin na nga kasi ang tabo! Bukas may pasok na, kailangan nating umuwi ng maaga. Saka aasikasuhin ko rin ang pagpasok mo sa unibersidad!"

"Oo na, heto na po. Huwag ka na galit, baby ko," asar niyang sabi. Inabot niya sa akin ang tabo at walang sabi na umalis siya. Sinarado pa ang pintuan na lagusan papunta sa loob ng bahay.

Napagdesisyunan namin na simple lang ang date. Kain lang ng streetfoods, mamasyal sa park at ang huli na pinuntahan namin ay ang simbahan. Hawak ko ang kamay niya nang sabay na maupo kami. Madaming tao ngayong sabado, kaya sakto lang ang pagdating namin dito. Pauwi na kami pero gusto ko na magsimba muna bago umuwi.

May ipagdadasal lang ako...

Pinagsiklop ko ang dalawang kamay, pinikit ang aking mata at tahimik na nagdasal. Gano'n din ang ginawa ni JunJun.

Panginoon, alam ko na malaking kasalanan ang ginawa ko ngayon. Unang beses lang po ako nagkasala pero ang laki na ng kasalanan ko. Patawarin niyo sana ako. Handa po ako sa kahit ano mang kabayaran na igagawad niyo sa akin. Hinihiling ko lang po na huwag muna ngayon...Gusto ko pa po siya makasama ng matagal at gumawa ng maraming magagandang alaala na kasama siya. Siya lang ang lalaking nagpabaliw sa akin ng ganito at alam kong kapag tumagal ang nararamdaman ko na 'to...mamahalin ko siya ng buong-buo. Tatanggapin ko kung sino ang totoong pagkatao niya. Gabayan niyo din po siya sa mga laban niya. Huwag niyo po siyang pahirapan...

Idinilat ko ang aking mata, nilingon ko si JunJun.

Nagsalubong ang aming tingin. Marahan na hinaplos nito ang pisngi ko at may pinunasan do'n. Napagtanto ko na lang na umiiyak na pala ako habang nagdadasal.

"I love you..."

Nahigit ko ang hininga ko sa narinig. Ang sarap pakinggan ng salitang 'yon. Ano bang sasabihin ko? Na 'I love you too' rin? Hindi pa naman gano'n kalalim ang nararamdaman ko sa kaniya. Paano ba 'to?

Pilit akong ngumiti. "T-Thank you." sabi ko.

Natigilan ako nang mapagtanto ang nasabi ko. Ang tanga ko! Bakit thank you ang isasagot ko sa taong nagsabi ng 'I love you' sa akin?!

"What?" nagsalubong ang kilay niya pero may munting ngiti sa labi nito para bang 'di siya makapaniwala sa sinagot ko.

"S-Sabi ko thank you..." ngumiti akong pilit pero may naisip ako na idudugtong sa sinabi ko.

"I said I love you, you should reply I love you too..." reklamo niya.

Ngumiti ako at tinitigan ang mata nito. "Thank you kasi dumating ka sa buhay ko."

Oo, alam kong panandalian lamang ang lahat ng ito pero kahit papaano ay sumaya ako sa piling mo...nakilala ko ang lalaki na pinapangako ko na siya lang hanggang dulo.

Masaya kaming lumabas sa simbahan. Sumakay kami ng tricycle papuntang Baybay Barangay Hall, hanggang do'n lang kasi ang ruta ng sasakyan dito. Hindi na umaabot sa aming bario. Pagbaba namin ay mariin na pinisil ni JunJun ang kamay ko.
Bumaba ang tingin ko ro'n.

"Did you enjoy our date?" tanong niya.

"Sobra," sagot ko at isinandal ang mukha ko sa braso niya. Parehas kaming mahinang tumawa. Iilang tao na lang ang naglalakad dahil pasapit na rin ang gabi.

"This is not our first, right?"

Natigilan ako. "O-Oo." Sa totoo ay una palang natin 'to. Unang beses ako naka-experience ng date sa lalaking gusto ko. Kahit hindi naman na kami lumabas para sa date, magkasama na kami sa iisang bahay ay para na ring date sa akin.

Hindi pa kami nakakapasok sa bahay ay bigla na lang siya napaigik sa sakit. Napahawak siya sa kaniyang ulo at napaluhod sa buhangin.

Lumaki ang mata ko, hinawakan ang braso niya. Napaluhod na din ako. "JunJun! Anong nangyayari sa'yo?!" malakas na sigaw ko.

"Argh!!!" sigaw niya. Kita ko ang pagpula ng kaniyang mukha. Napuno na ng takot at kaba ang isip ko. Puro sumisigaw lang siya na para bang nararamdaman ko din ang sakit.

Pilit ko siyang pinatayo pero bumagsak ang katawan niya sa akin na wala ng malay. Nagsimula na akong humikbi at sumigaw.

"JunJun! Nanay! Tulong!"

Beautiful Lie with Scars ✔Where stories live. Discover now