19

2.1K 59 6
                                    

Kabanata 19

"Belle! Ilang araw ka ng nagsusuka ah?"

Patuloy na hinahagod ni Nanay ang likuran ko. Bumaliktad ulit ang aking sikmura at nagsuka sa batalan. Halos mawalan na ako ng lakas kakasuka. Ito na ang pitong araw na ako nagsusuka na ako at nag-aalala na ako baka may nasagap akong sakit kakabenta saka kakapuyat.

Nagmumog ako ng tubig saka uminom ng maligamgam. Inalalayan ako ni Nanay makaupo. Kumuha muna ito ng unan saka pinasandal ako.

Mariin kong pinikit ang mata ko upang pakalmahin ang sarili. 

Nahihilo rin ako.

"Louise! Pumunta ka sa Barangay Afga. Magpahatid ka kay Kuya Barnakol mo. Puntahan niyo si Aling Dalala tapos sabihin mo na kailangan ko siya rito at ipapatingin ko ang ate mo." sabi ni Nanay na hindi mapakali habang pinupunasan nito ang pawis ko sa likod.

"Sige po," sagot ni Louise at umalis na.

"Si JunJun, Nay?" tanong ko habang hinihilot ang sariling sentido.

"Aba'y nasa palengke na naman 'yon, nagbubuhat. Diyos ko anak! Baka nabarang ka ah o 'di kaya may nasagi kang engkanto kaya ka nagsusuka ng ganito."

"Nay, huwag po kayong mag-alala. Ayos lang po ako saka kaya ko..."

"Anong ayos?! Tingnan mo nga hitsura mo! Ayos ba 'yan ah?! Sandali at kukuha lang ako ng damit pamalit mo." 

Tiningala ko ang aking ulo at hinilot-hilot ang gilid ng mga noo ko. Baka sa ganitong paraan ay maibsan ang pagkahilo ko. Ilang sandali lamang ay nilingon ko ang pintuan dahil sa ingay na pagpasok ng dalawang mabantot kong kaibigan.

"Hala! Anong nangyari sa'yo?!" sabay pa nilang tanong.

"Okay lang ako..." mahinang sabi ko.

Lumuhod ang tatlo sa harapan at sinakop ang mukha ko. "Wala ka namang lagnat pero ang putla mo." ani Bakokang. "Pacheck-up ka kaya?"

"Hindi na kailangan. Tinawagan naman na si Aling Dalala nina Louise at Barnakol. Saka kung pupunta pa kami sa ospital dagdag gastos pa ang pagpapa-check-up."

"Ako na bahala sa bayad basta magpa-check up ka lang," sabi ni Bakokang. Kinamot nito ang ulo. Ang mukha niya ay nalukot sa pag-aalala. "Paano kung may cancer ka na pala? Malulunasan ba 'yan ni Aling Dalala na mangtatawas lang?" sarkastikong saad niya.

Hindi ko na siya sinagot. Si Nanay ay dumating na at pinalitan na ang damit ko. Hindi naman ako nahihiya na makita ng dalawa ang katawan ko. Sanay na sila at nakita ko naman na ang katawan nila saka noon pa mana ay sabay-sabay kaming maligo maliban lang kay Barnakol. Syempre lalaki 'yon eh.

Pati ang braso at mga binti ay minasahe nila. Nahihilo lang talaga ako pero walang masakit sa ano mang parte ng katawan ko. Ayos lang talaga ako.

"Nay, nandito si Aling Dalala!" biglang sigaw ni Louise pagpasok sa bahay. Sinundan namin ng tingin ang matanda na inalalayan ni Barnakol. Ipinwesto ang isang upuan sa harapan ko para makaupo ang ginang.

Nagmano ako sa kaniya.

Si Aling Dalala ay kilala sa iba't-ibang bario dahil sa taglay nitong galing sa pagmasahe, sa tawas, paghula sa kinabukasan at lunusan ang ilang sakit na impossibleng magawa ng mga doktor. Kaya kung ano ang sasabihin niya sa kalagayan ko ay totoo 'yon dahil wala pa siyang sinasabi na kamalian o opinyon lang.

"Unang tingin ko pa lang sa'yo hija, alam ko na ang dinadala mo..." Aniya.

Ngumiti siya na dahilan ng pagkita ng bungi nitong ngipin at dalawang ginto sa sungki niya.

Beautiful Lie with Scars ✔Where stories live. Discover now