05

2K 57 4
                                    

Kabanata 05

"You heard me, baby?"

Marahan nitong inalis ang kamay niya sa aking pisngi. Hanggang ngayon ay tulala pa din ako sa sinabi niya. Ano ba kasi ang kailangan kong sabihin? Oo, natuwa ako pero may parte sa akin na natatakot.

Paano kung bumalik bigla ang mga alaala niya sa panahon na minahal ko siya ng buong-buo tapos ay iiwan niya ako dahil dito sa kasinungalingan na ginawa ko?

Paano kung naguguluhan lang pala ako?

Siya? Hindi ba niya tinatanong ang sarili niya sa nararamdaman niya para sa akin? Kaagad-agad na lang kasi siya nagsasabi ng mga ganito pero sa loob ba niya, sa puso niya ramdam niya ba talaga ako?

Kung dumating man ang araw na mamahalin kita. Sana ay huwag mo akong iwan. Dahil ikaw ang pangalawang lalaki na mamahalin ko. Ang una kasi ay si Tatay. At sa tamang panahon na 'yon, sigurado na tayong dalawa sa relasyon natin. Wala ng takot, pagda-dalawang isip...kasinungalingan.

Bumalik ang huwisyo ko nang hinawakan muli niya ang aking kamay at iginiya ako pauwi sa aming bahay.

"T-Teka lang. Pupunta muna ako sa palikuran," sabi ko.

"Samahan na kita. Madilim na ro'n, eh baka mapano ka pa." aniya.

Lumihis kami ng direksyon, pakanan. Pagdating namin sa likod ng aming bahay ay umigib ako ng isang baldeng tubig, bubuhatin ko na sana 'yon pero naunahan niya ako.

"Kaya k—" Hindi ko na natuloy dahil diretso na siyang pumasok sa maliit na palikuran, nilagay ang balde sa loob.

"Here. Dito lang ako para bantayan ka."

Tumango ako. "Salamat." Pumasok na ako sa loob at dumekwatro ng upo. Bigla kasing sumakit ang tiyan ko saka kanina pa talaga ako naiihi nung nasa kubo tambayan pa. Tahimik ang paligid tanging ang huni ng kuliglig ang naririnig lamang at ang alon, sumasayaw na mga dahon ng puno ng palma.

Nandiyan pa kaya siya?

"J-JunJun?" tawag ko.

"Yes? Ubos na tubig mo? Akin na, iig—"

"H-Hindi na. Meron pa naman. Akala ko kasi umalis ka na."

Napabuga ako ng hininga.

"Bakit naman kita iiwan na mag-isa dito? Tanga lang ang gagawa no'n," saad niya.

Kinagat ko ang ibabang labi at ngumiti. Hindi naman niya nakikita eh. Bente minutos ang ginugol ko, naghugas muna ako ng kamay saka naghilamos. Naligo naman ako kanina pagkauwi kaya wisik-wisik na lang sa ibang parte ng katawan.

Paglabas ko ay do'n humarap si JunJun na naka-krus ang braso sa dibdib nito. Bumaba lang ang tingin niya sa hawak kong balde at bumalik sa akin. "Ano? Okay ka na?"

"Oo." sinauli ko ang balde sa gilid. "Naligo ka na ba?"

"Yes," Rinig ko ang hakbang nito palapit sa akin kaya nilingon ko siya. Nahigit ko ang aking hininga ng hapitin niya ang aking beywang. "You're wet. Kailangan mong magpalit ng damit." bulong niya.

"M-M-Mamaya pagdating na sa bahay. Tara n-na..." mahinang boses na sabi ko. Inalalayan muli niya ako. Mabuti na lang ay wala akong kiliti sa beywang, huwag lang niyang hahawakan ang batok ko saka ang mga hita ko.

Magiging nakuryente akong bulate.

Tahimik na sa loob. Tulog na siguro sila Nanay at Louise. Ako na ang nagsarado sa pintuan saka kinandado ito. Isang maliit na bombilya lamang ang nakalagay sa itaas ng kusina na nagbibigay ng kaunting liwanag.

Beautiful Lie with Scars ✔जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें