10

2.1K 56 2
                                    

Kabanata 10

"Normal lamang 'yan sa mga taong may amnesia. Sundin niyo lang ang oras na iinom siya ng gamot huwag niyo siyang paisipin ng malulungkot o dahilang ng ikagagalit niya. Ingatan niyo din na ang ulo ng pasyente dahil 'yan ang nagkaroon ng malalang kondisyon. Kapag nangyari ulit 'to sa kaniya, huwag kayong magpapanic kailangan niya lang ng tamang pahinga, tanungin niyo na lang siya bukas sa pakiramdam niya."

Tiningnan ko si JunJun. Kahit na natutulog ito ay may bakas ng sakit sa kaniyang mukha. Ang tanging maitutulong ko lamang sa kaniya ay gabay at suporta sa kondisyon na mayroon siya. Alam kong mahirap para sa kaniya, kung pwede lang hatiin ang sakit na nararamdaman niya at ibigay sa akin baka magvolunteer pa ako.

Marahan kong sinuklay ang buhok nito gamit ang aking mga daliri. Labis talaga ang takot ko kanina akala ko ay may masamang mangyayari sa kaniya, nakalimutan ko na nabasa ko din 'to sa mga libro. 

Kaagad naming tinawagan ang Tita ni Bakokang. Pasalamat na lang kami at off duty niya sa ospital. Sinama niya ang Doctor na tumingin kay JunJun.

"Mauulit po kaya ang ganito, Dok?" tanong ni Nanay.

"Opo. May mga pagkakataon na mahihimatay talaga siya, meron naman na sasakit lang ang ulo niya tapos ilang minuto lang ay mawawala." ani Doktora.

"Possible po kaya na may makita siya iilang alaala sa pagkasakit ng ulo niya?" ako naman ang nagtanong.

"Malaki ang posibilidad, hija. It disrupted processing of pain signals to the brain. Usually, 'yan ang isa sa rason kung bakit sumasakit ang ulo niya na dahilan ng pagkawalang malay niya. Baka pinipilit niya ang sarili "

Tila nanlamig ang aking katawan sa narinig. Paano kung may maalala na nga siya? Heto na ba ang katapusan? Iiwan na niya ako? Maaga pa ah...

Sa gabing 'yon ay hindi ako umalis sa kwarto niya. Binantayan ko siya buong magdamag kahit na kinabukasan ay may unang araw ng pasukan. Nagagambala talaga ako na sa ipikit ko ang aking mata ay bigla na lang siya gumising at iwanan ako.

Ayoko pa munang mangyari 'yon.

"Nay, pasok na ho ako." walang gana kong sabi. Tamad kong binitbit ang bag ko. Nagmano ako kay Nanay, si Louise ay humawak na sa kamay ko. Ihahatid ko pa siya school niya bago ako sumakay papuntang unibersidad.

"Pag-igihan ah. Kapag may mga bayarin ay sabihin niyo sa akin at baka magawan ko pa ng paraan. Oh, siya, humayo na kayo para hindi kayo ma-late sa klase niyo." ani Nanay. Binalingan ko muna ang saradong kwarto ni JunJun. Hanggang ngayon ay wala pa siyang malay, hindi naman pwede na bantayan ko siya buong magdamag. Eh may pasok ako.

"Ako na ang bahala sa kaniya, anak." tinapik ni Nanay ang dalawang balikat ko. Tumango ako at nginitian siya. Tuluyan na kaming umalis sa bahay. Nilalakad lang namin ang paaralan ni Louise dahil sa malapit lang naman ito. Pagdating namin do'n ay marami na ang mga bata kasama ang kani-kanilang mga magulang.

Nilingon ko si Louise, "Oh, narinig mo sabi ni Nanay diba?" Tumango siya. "Pag-igihan mo pero huwag yung magiging bida-bida ka sa klase ah, dapat sakto lang. Susunduin ulit kita pagkauwi ko. Hintayin mo na lang ako sa gate, tabi ni Manong Raulo."

"Opo, ate." sagot niya.

"Huwag kang sasama sa kahit na sino..."

Kumamot siya ng ulo. "Ate, hindi na ako bata. Alam ko na ang gagaw—" kinurot ko ang dalawang pisngi nito. "Ate! Aray! Masakit!" hiyaw niya.

"Anong hindi na bata? Bakit nalalamangan mo na ba ako ha?! Nagka-regla ka na ba ha?! Kurutin ko singit mo diyan eh. Pinagsasabihan lang kita para din sa'yo 'yan. Sige na, pumasok ka na." Hinalikan ko ang pisngi niya saka inalalayan na makapasok siya hanggang gate.

Beautiful Lie with Scars ✔Where stories live. Discover now