BTS 38- It's what we call LOVE :))

234K 664 37
                                    

Kath’s P.O.V

Magkatabi kami ni DJ, nakatulog siya tapos nakabalot parin yung kamay niya sa bewang ko. Ewan ko ba sanay na sanay na talaga akong ganito kami sa isa’t-isa, yung bang may something talaga sa amin na kaming dalawa lang ang nakakaintindi. Hindi pa kami as in seryoso ako hindi pa talaga kami pero hindi rin kami best friends, special friends or magka-mutual understanding LANG. Hindi talaga namin malagyan ng label ang status naming dalawa para maintindihan ng mga tao kung ano talaga ang meron kami basta sa aming dalawa malinaw na malinaw sa amin kung ano kami, kahit hindi namin pinaguusapan alam namin. Alam naming dalawa na nalalabuan lahat ng tao sa paligid namin, sina mama at papa, sina tito Rommel at tita Karla, mga kapatid namin, mga kaibigan lalong lalo na ang mga fans. Ang masasabi lang talaga namin masaya kami, sabi nga ni DJ chill lang kami.

Tinititigan ko si DJ, wala talagang katulad itong lalaking to hindi parin nagbabago yung pagtulog, nakakagigil parin :) Gustong gusto kong kurutin yung cheeks niya kasi nakakagigil talaga siya pag tulog tapos nakikita ko pa yung  mole niya na pinagigigilan ko talaga XD Tska gusto ko siyang gisingin kasi hindi pa kami masyadong nakakapagusap tinulugan niya na ako :(

Kath: *lean kay DJ at siksik ng katawaan kay DJ*

Sumiksik ako sa kanya tapos galaw ako ng galaw..

DJ: Mmmmm.. *nakapikit parin*

Ginugulo ko talga siya XD

 

DJ: Wag makulit babe,,

Pero makulit ako eh :DDD Mas lalo akong gumalaw ng gumalaw tapos yinuyugyog ko na siya hahahaha..

DJ: *exhale* Kathryn wag ka ngang malikot.

Nakakainis naman tong taong to! Edi sana tumabi nalang ako sa iba at least for sure kakausapin nila ako. :(

Inalis ko yung pagkalean ko kay DJ tapos humarap sa opposite direction. Nakatulala nalang ako dito -______-‘

Bigla kong naramdaman na inayos niya yung kamay niyang nakabalot sa akin tapos hinihila niya ako palapit sa kanya, pero lumalayo ako sa kanya.

Nagtatampo ka Kath.

Wag kang magpadala sa gwapong yan.

Siya nalang ang lumapit tapos bumulong sa akin…

DJ: Nagtatampo nanaman ang baby ko..

Inayos niya yung sarili niya tapos hinila ako palapit sa kanya. Nagpahila nalang ako sa kanya. Inayos niya yung ulo ko para nakalean ako sa kanya. Tumingin ako sa kanya tapos tumingin din siya sa akin..

Kath: *pout*

DJ: *yakap kay kath ng mas mahigpit*

Kath: DJ bitawan mo ako *kunyari galit*

DJ: Ayoko nga.

Kath: Deeeejay isa.

Behind the ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon