BTS 140- Nothing's Gonna Stop Us Now (reposted)

33.2K 282 1
                                    

DJ's P.O.V

Kakababa ko lang ng phone dahil sa tawag ni Patrick. Nag-aaya siyang magbasketball mamayang hapon. Wala namang problema sa akin basta dito kami sa bahay maglaro. Tinatamad kasi akong umalis. Nag-aya yung mga yun kasi yung mga babae nag-overnight kina Kath. Sabi ko nga sa kanila mag-overnight din sila dito sa amin kaso tinatamad silang lahat na magpunta kagabi. Nakahiga ako ngayon sa couch ng theater habang nanonood. Nagpunta muna ako sa cr para jumingle. Pagkabalik ko tumunog yung phone ko. Nakita ko yung missed calls ni Arisse sa akin. Ano nanaman kayang problema ng mga babaeng to? Wag niyang sabihing hindi pwedeng makibasketball si Patrick eh sila hinayaan naming mag-overnight. Tinignan ko yung text ni Arisse.

From: Arisse de Santos

DJ we need you.

Naks! May pa 'we need you' pa tong mga to ah. Ano nanaman hihilingin nila.

To: Arisse de Santos

Why?

From: Arisse de Santos

Punta ka dito.

Magrereply palang ako nung nakareceive nanaman ako ng text galing sa kanya.

From: Arisse de Santos

ASAP.

To: Arisse de Santos

Bakit? Hindi pwede Arisse. May basketball kami.

From: Arisse de Santos

DJ YOU NEED TO COME.

Bakit ba naka all caps to. Uso ba to? Masabayan nga.

To: Arisse de Santos

ARISSE MAY BASKETBALL NGA KAMI

From: Arisse de Santos

DJ PLEASE SUMUNOD KA NALANG

To: Arisse de Santos

ARISSE BAKIT BA?

From: Arisse de Santos

DJ! ANO BA! KATH NEEDS YOU!

To: Arisse de Santos

Papunta na nga!

Bigla akong kinabahan hindi ko alam kung bakit. Ano nanamang nangyari. Nakapambahay pa akong umalis. Mabilis kong pinatakbo si Gino papunta kina Kath.

Pagpasok ko ng bahay nila si Jane ang sumalubong sa akin.

Jane: Hi DJ!

DJ: Si Kath?

Jane: Sa room niya.

DJ: Sino kasama?

Jane: Si Arisse nalang. Nagsiuwian na yung ibang mga kasama niya.

DJ: Si tita?

Jane: Nasa room nila. Bakit ba?

DJ: Sige salamat.

Umiiyak na Kathryn at alalang Arisse ang sumalubong sa akin nung umakyat ako sa room ni Kath. Napakunot noo ako.

DJ: Anong nangyayari dito?

Behind the ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon