BTS 134- Putting things back to where it used to be

92.2K 1K 255
                                    

Kath’s P.O.V 

Madaling araw na nung umalis ng bahay si DJ. Actually ayaw niyang umalis pero pinilit ko siya. Hindi rin naman ako naka tulog agad eh. Nakatulala lang ako. Hindi ko alam kung masaya ba ako sa ginawa ko o hindi. Kalahati ng sarili ko sinasabing masaya ako pero kalahati rin ng sarili ko sinasabing hindi. Pinatawad ko ba siya dahil mahal ko talaga siya o naawa nalang ako sa kanya? Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. Basta ang alam ko lang ngayon meron pa rin. Meron pa rin siyang space dito sa puso ko. Yun nga lang hindi ko alam kung anong ibig-sabihin ng space na yun. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang takbo ng isip ko. Dahil ba nasaktan ako? O talagang ito na ang nararamdaman ko para sa kanya?

Ang iniisip ko nalang ngayon, at least okay na kami. Pero hindi pa ako tapos. Susubukin ko siya. Itetest ko siya. Dito ko naman mapprove kung seryoso siya sa akin eh. Dito ko rin mapprove kung ano talaga itong nararamdaman ko. Para malinawan ako.

Tiniginan ko yung oras, 7:00 AM. Mamayang 3 PM dapat nasa MOA na kami para sa Naked Truth. Naiinis na rin ako sa sarili ko lagi nalang akong maagang nakakagising ngayon kahit hapon pa yung schedule ko. Inayos ko yung sarili ko sa bed. Nagkumot ako at nagpatagilid. Sakto naman tumunog yung phone ko. Automatic ko namang kinuha yun nung nakita kong pangalan ni DJ ang lumabas. Speaking about phone, umiiyak siya sa harapan ko kahapon. Bakit ko raw siya blinock sa lahat ng pwede niyang gamiting pang communicate sa akin. Gusto ko siyang sumbatan nun, gusto kong sabihin sa kanya, ‘sa tingin mo gusto pa kitang maging katext eh may katext ka nang iba?’ Pero pinigilan ko yung sarili ko. Natawa nalang ako sa itsura niya. Never kong inexpect na iiyakan niya ako ng ganun. To think na ang binibuild niyang impression sa kanya ng public is malakas na matibay. Yung walang pakialam sa iba basta hindi mo siya matitibag. So yun nga inunblock ko siya pero pinalitan ko rin yung name niya sa contacts ko na I halatang kinagulat niya.

From ‘babe :*’ ginawa kong ‘DJFP’ Tinititigan niya lang ako nun. Tapos nginitian ko siya. Ilang beses niyang tinanong sa akin kagabi kung mahal ko pa raw ba siya pero nginingitian ko lang talaga siya. Ilang beses din niyang inassure sa akin kung kami pa raw ba kasi bakit ko raw binalik yung necklace, bakit walang ‘babe’ at bakit ko pinalitan yung name niya sa phone ko. Sinabi ko naman sa kanya kung gusto niyang magbreak na kami sige lang pero siyempre jinojoke ko lang siya. Dahil sa kakulitan niya, kinuha ko nalang ulit yung necklace sa kanya pero decided na ako, never kong isusuot yung necklace na yung hanggang hindi pa malinaw sa akin yung nararamdaman ko. Isusuot ko lang yung kapag sa tingin ko okay na lahat. Kapag naintindihan ko na yung sarili ko. Kapag naintindihan ko na kung ano ba talaga kami para sa akin. Tumunog ulit yung phone ko. Two messages ulit.

Chineck ko yung phone ko..

From: DJFP

Good morning baby <3 How’s your sleep? Sana nakatulog ka nang mahimbing :) Gusto ko ulit magsorry sa mga nangyari. I promise I won’t ever hurt you again. I love you so much. Ikaw lang ang mundo ko. You mean the world to me and you always will. Walang kahit sinong babae ang magiging kasing perfect mo. At walang kahit sinong lalaki ang magiging kasing blessed ko dahil girlfriend kita. :) Thank you sa lahat baby! I’ll do my best to be with you forever, to be your forever rather. Salamat sa isa pang chance :’) Sana wag kang magsasawa sa akin kahit na sira-ulo ako tska most of the time alam mo na hindi masyadong gumagana itong utak ko. (Uyy tumatawa siya -___- hahaha) See you later pinaka magandang babae sa earth <3 I love you KCMB my Queen! :* <3

Behind the ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon