BTS 44- Your baby left for a purpose

238K 641 71
                                    

Kath’s P.O.V

Home Sweet Home! Namiss ko itong bahay! Namiss ko yung bed ko, yung mirror ko sa room, yung cr ko… Sina Nacho at Colaaaaa! Namiss ko lahaat lahat!

Diretsyo pasok agad. Pagkapasok ko sa living room namin tahol agad ni Cola yung narinig ko.

Kath: Waaaaaaaaaah! Colaaaa! I miss you baby!

Niyakap ko si Cola. Ang cute cute niya winiwiggle niya yung tail niya hahahaha! Namiss ako ni Colaaaa.. Kinukulit ko si Cola, teka? San si Nacho??

Kath: Nacho? Nacho baby?

Pumunta ako sa labas ng bahay kasi baka lumabas nanaman siya eh ang kulit kulit nun eh gustong gusto sa labas.

 

Kath: Deej nakita mo si Nacho?

Hinatid ako ni DJ, tinutulungan niya ngayon si kuya Ben para ipasok sa bahay yung mga traveling bags namin ni mama.

DJ: Nacho? Wala naman dito.

Kath: Hindi ba lumabas?

DJ: Hindi naman.

Pumasok ulit ako sa loob. Si Cola tinatahulan ako lumapit ako sa kanya. Andun si Nacho. Nakahiga lang siya yung ulo niya nakapatong sa floor. Gising naman siya pero parang wala lang siyang gana. Lumapit ako sa kanya.

Kath: Hi Nacho! *kiss kay Nacho*

Bago to ah? Hindi siya makulit. Hindi na ba niya ako kilala kaya hindi niya ako namimiss? Hinahaplos haplos ko siya..

Kath: Ate Jane?

Jane: Bakit Kathryn?

Kath: Ate bakit ganito si Nacho? Kumain na ba siya?

Jane: Matagal na siyang ganyan. Mga 4 or 5 days nung umalis na kayo.

Kath: Talaga? Sige po salamat.

Hala ano kayang nangyari kay Nacho?

Kath: Hi Nacho! Baby nandito na ako. Nandito rin si DJ. Diba daddy mo siya? Diba gustong gusto mo siyang makita lagi? Baby kadarating lang namin from airport. May dala kaming pasalubong para sa inyo ni Cola.

Wala lang parin yung reaction niya. Siguro nagtatampo siya sa akin kasi umalis ako? :(

Kath: Baby, sorry kung umalis ako ha? Kailangan kasi naming magtrabaho ni daddy mo. Kung pwede lang namin kayong isama ni Cola isasama namin kayo pero baby, hindi pwede eh. Dibale nandito naman na kami eh. Tska nandito pa si DJ oh diba? Ang ganda ng surprise ko sayo? *smile*

Hindi talaga ako pinapansin ni Nacho eh :( Pinahiga ko muna siya sa bed nila ni Nacho. Tapos lumapit ako kay DJ.

Behind the ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon