"I really like your sweet-natural scent, doll"

Umirap siya sa hangin. "I was sweating after the performance. Huwag mo akong bolahin"

Parang hindi 'to galit kanina lang,ha.

Zarrick groaned. "Lagi mo nalang sinasabi na binobola kita. I'm always honest when it comes to you"

Zarrick is not like this before, he couldn't say it when he feels something. He couldn't express what was he feeling kaya nahihirapan siya noon na basahin ang lalaki. Yeah, kung minsan ay bumabanat ito suot parin ang seryoso nitong mukha kaya naman ang hirap i-distinguish kung ano ang gusto nitong iparating o kung nagsasabi ba ito ng totoo.

"Honest ka talaga? So tell me the truth, were you there at my first concert?" She just tried it, hindi naman niya inaasahan na sasabihin talaga nito ang totoo, na sasagot din ito.

"Yes"

'Yon lang? Wala na ba itong sasabihin? That he was there too in her every concert, commercial shoots, drama shoots, photoshoot and guesting? Paano nalang niya malalaman kung nakita siya nito na magwala sa stage? Sa club na dinaluhan niya at kung paano siya lantarang nakikipaglandian sa mga iba't-ibang lalaki?!

She wanted to know, pero hindi na lamang siya nagtanong dahil baka mag-away nanaman sila nito. They are still starting for a new beginning. Ayaw niyang masira nanaman 'yon at baka sumuko na lang siya at huwag nang bigyan pa ito ng isa pang shot.

"Did you eat before you drink?"

Tumango siya. May bigat parin sa dibdib na dala-dala.

"Matulog na tayo kung ganoon" she nodded again to him. "But I want to sleep beside you, hugging you" dagdag pa nito.

Doon siya napaangat ng tingin dito saka nagtaray nanaman. "No, no, no" sunod-sunod na iling niya. Mahina siya sa temptasyon, hindi siya pwedeng bumigay ng maaga. Masyadong halata na baliw na baliw parin ang katawan niya dito.

Kumunot ang noo nito.

"Hindi pwede, Zarrick. Baka gusto mo nanamang magalit ako sa'yo?"

He tsked. Natawa siya nang bagsak ang balikat na nagbuntong hininga ito. "Then, we will not sleep yet. Let's drink"

"Uminom na ako sa party"

He sighed again. Natawa nanaman tuloy siya kaya sumama na ang tingin nito sa kaniya.

"Let's just watch something on the TV, saka na tayo matulog bukas" siya na mismo ang naghila sa lalaki patungo sa living room nito.





NANGINGITI NANAMAN SI Zarrick habang hawak ang kamay ni Erriah, nasa iisang couch sila. Nakatalikod ito sa kaniya habang siya ay nakahiga sa likuran nito. Nakatungkod ang isa niyang siko sa couch at hawak naman ng isang kamay niya ang kamay nito. Yakap yakap ito.

Panay ang halik niya sa buhok ng dalaga. He couldn't stop himself, masyado niyang namiss ang ganitong distansya sa dalaga. Na kahit anong gawin niyang pagdikit dito ay wala siyang matatanggap na pagtanggi sa dalaga. He misses her scent too, lahat ng pabango nito noon ay binili niya. Yeah, he seems so obsessed with her but he couldn't care. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao basta kasama niya si Erriah, basta sa kaniya si Erriah.

Erriah reached the pizza but she couldn't, kaya naman siya na mismo ang umabot noon at nagsubo mismo sa dalaga. He bit the pizza too after her. Hinampas tuloy siya ni Erriah.

He heard her sweet giggles again. "Naku, todo kilig na,ha! To the highest level!" She mimic Ruffa Mae Quinto's voice while telling the last sentence.

Natawa siya, hinalikan nanaman ang tuktok ng ulo nito. He could live just by only doing that.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now