"Thank you" Harrietta has an awkward smile. Gusto niyang matawa sa kaniyang ate.

They introduced themselves one by one to Harrietta while she was still busy trying to find Zarrick, baka bigla bigla na lamang sumusulpot.

She just tried to divert her attention and talked. "Guys, I'm still here. I know my sister is pretty too. Huwag gan'yan" she joked.

"You lose,Sissy" Varra said, twirling her pink hair with her index finger.

Napalabi siya, inirapan ang babae. "Hoy, I am not a loser,ah! Nauna lang siyang ipanganak kaya mas maganda siya sa akin.

"So, inaamin mo na mas maganda ako?" Nagtawanan ang mga ito sa sinabi ng kaniyang ate. Salamat naman at nawala kahit kaunti ang nararamdaman nitong awkwardness sa mga kasama niya.

Pero,hindi nagtagal ay iniba naman ni Tyron ang masaya nilang usapan. "But seriously,guys, where is Diego and Zarrick?"

She saw how her sister got shocked, maging siya naman ay ganoon din ang naramdaman, hindi niya lang masyadong pinahalata dahil baka magduda ang mga kasama. She silently looked at Brinn who saw her last time staying at Zarrick's place. Hindi naman ito nakatingin sa kaniya.

Nagsalubong ang mga mata nila ni Harrietta but she quickly averted her gaze and looked at Varra instead, pero hindi parin siya nakatakas sa kaniyang kapatid. Lumapit ito sa kaniya at bumulong.

"Erriah?" She was obviously waiting for her answer but she couldn't answer her too! She was also shocked, though she already expected this.

"Maybe they are late lang. You know Diego, baka hindi nanaman kayang iwan ang baliw na girlfriend" Darria said, rolling her eyes.

Binara naman ito ni Varra. "Sabihin mo, selos ka lang. 'di ka pa kasi umamin, 'yan tuloy sa baliw napunta" well, she doesn't know what were they talking about, nasa isang tao nanaman natuon ang isip niya. Bwisit.

Inasahan niya na ito, mayroon siyang circle of friends na kaibigan din si Zarrick. Talaga nga naman nakadikit na sa kaniya ang lalaki. Walang takas. Nakakulong na siya dito. Ang akala niya ba ay okay na siya dito, she promised to herself that she will get her revenge, 'yong hihintayin niya ang pagkakataon na ito naman ang makaramdam ng sakit. Pinanghihinaan nanaman siya ng loob.

She is not his doll anymore. That old Erriah who Zarrick ruined was long gone. Hindi niya na hahayaang bumalik nanaman ito. Siya nanaman ang kawawa.

Hindi nagtagal ay sumuko na siya at nagsalita, bumulong. "Zarrick is their friend too" but she couldn't look at her.

"Does he know that you're here"

Erriah shook her head. "I don't know" she lied, of course Zarrick knows! Kasama niya ito ng ilang araw and he knows about this event. "But Zarrick has his ways to know my whereabouts"

Ayaw niya lang mas lalo siyang usigin ng kaniyang ate. Sunod na sunod na tanong nanaman ang ibabato nito sa kaniya.

Harrietta was hesitant at first, but still she asked. "Ahm.." she started, contemplating herself if she wants to continue her words. Nagtanong parin naman ito. "Is he..is he.."

Alam naman niya ang gusto nitong malaman. Gusto niyang i-save ang kaniyang kapatid sa sitwasyong masasaktan nanaman ito but it was still up to her sister.

"Is he going here too? I mean, Leandro" siya na ang nagtuloy sa hindi nito maisatinig na tanong. "Well, I also don't know, sister. Leandro and Zarrick are brothers, but I don't think Zarrick will tell Leandro about you, kahit sabihin ko pa kung nasaan ka noon, hindi niya sasabihin kay Leandro, so...chill, okay?"

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now