CVII: The Loveteam .2

7 1 0
                                    

"Parang ang cute mo dito, try mo dali!"

"Aish, ayoko nga sabi!"

"Sige na!"

"Ayoko!"

"I deserve to die for you,Zia"

"Nicole naman, hold on!"

"It's not your fault na nangyari 'yun, Zia"

"Nicole ano ba?!"

"Thank you"

"Nicole!!"

Napabalikwas ng bangon si Zia mula sa pagkakahiga.

Napasabunot siya sa sarili habang tuloy-tuloy ang mga luhang bumubuhos sa mga mata niya.

Napaginipan niya nanaman ang nangyari nung nakaraang taon, sa totoo lang ay ilang beses siyang binabangungot tungkol dun sa isang linggo. Sa tuwing nagigising siya ay palagi na lang siyang umiiyak at inaabot ng isang oras bago muling makatulog.

Bumukas ang pinto ng kwarto niya at binuksan ng ate niya ang ilaw sa buong kwarto.

Nag-aalalang nilapitan nito ang nakababatang kapatid at niyakap ng mahigpit. Kahit hindi niya sabihin ay halatang hirap na si Zia sa sitwasyon niya.

"Tahan na, nandito na si ate" Pagpapatahan niya habang hinahagod ang likod ni Zia na hindi pa din tumitigil sa pag-iyak.

Mabigat sa loob ni Zyrene na nakikitang ganito ang kapatid kaya ginagawa niya ang lahat para makalimot at bumalik sa dati si Zia kahit pa hirap na hirap na ito.

Hindi siya nagsalita at patuloy na pinatahan ang kapatid hanggang sa makatulog ito muli.

Dahan-dahan niya itong inihiga saka kinumutan bago patayin ang ilaw sa buong silid at lumabas ng kwarto niya.

Nagtungo siya sa sariling kwarto at kinuha ang cellphone.

1:39 am

Ang oras na nakalagay sa lockscreen ng phone niya. Madaling araw na din pala at ilang oras na lang ang natitira bago siya gumising at asikasuhin ang kapatid.

Idinial niya ang numero ng kaniyang manager.

Matapos ang ilang minuto ay sinagot na rin ito.

"Why so sudden?" Halata sa boses nito na kakagising lang.

"I would like you to cancel all my appoinments and flight tomorrow" Diretsong saad nito sa manager.

"What? Why?" Sa sinabi niya ay parang medyo nawala ang antok nito.

"My sister needs me here, babalik na lang ako sa States kapag bumalik na ang parents namin. Zia needs a companion here, lalo na't binabangungot nanaman siya"

Natahimik ang nasa kabilang linya. Pero rinig niya ang pagbuntong hininga nito.

"Okay then. For Zia's sake"

Awtomatiko itong napangiti.

"Salamat at pasensiya na talaga"

"It's okay, when it comes to Zia, naiintindihan kita"

"Thank you at sorry sa istorbo"

"Haha, okay bye"

"Bye"

She hanged up the phone at nahiga sa kama niya.

A single tear fell from her eye nang maalala ang nangyari.

Unnatural BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon