CIII: They Like Who?

6 1 0
                                    

Buong klase ay hindi nilingon ni Zia ang katabi kahit pa napapansin niya na gumagawa ito ng paraan para tumingin siya sa kaniya.

Pero talagang ayaw niya makasilip pa ito ulit sa mata niya ay tiniis niya ang nag-uudyok sa kaniya na lingunin ang lalake.

Sumuko na din si Dino at nakangusong tumingin sa harap. Habang ang ibang babae na pasulyap-sulyap sa kaniya ay napapngiti at kinikilig dahil sa dalang karisma niya.

Nang matapos ang klase ay agad na tumayo si Zia at ipinasok ang ginamit sa kaniyang bag saka isinukbit ito sa likod niya.

Tinignan rin niya kung saan ang sunod na classroom na papasukan niya at kung anong oras.

Nakayuko niyang nilagpasan si Dino pero napatigil ito ng hawakan siya nito sa kamay.

"Yung ballpen mo, nahulog mo"

Saglit siyang lumingon dito at kinuha ang galaxy colored blue na sign pen sa kamay ni Dino.

"Thank you" Binigyan niya ito ng isang maliit na ngiti bago tumalikod at nagsimulang maglakad palabas ng classroom.

Meanwhile, Dino stood there, slowly processing what he just saw in the girl's eyes.

'So totoo pala ang nakita ko kanina' saad nito sa isip habang diretsong nakatingin sa harap.

Eksaktong humarap sa kaniya ang isang babae at kinindatan ito.

Awkward siyang ngumiti at nag-iwas ng tingin saka napalunok na lamang.

Kinuha na niya ang bag at lumabas na ng classroom para magpunta sa susunod niyang klase.

He somehow got interested in the girl, dahil bukod sa maganda na ito ay napadagdag pa ang magkaibang kulay ng mata niya para maging isa siyang taong-dyosa, idagdag mo pa ang pagkamahinhin at pagkamahiyain niya. It's totally his type.


"So the gossips are true?"

"Yes!"

"Oh my gosh, come back na ba nila 'to? Hindi ko kaya!"

"Me too, pero isipin mo, Alexis is beautiful, kind and talented, hindi imposibleng wala ng feelings si Cypher para sa kaniya"

"You're right, but still, I want to date Cypher!"

Iilan lamang 'yan sa mga naririnig ni Zia habang naglalakad sa hallway papunta sa susunod niyang klase, which is much farther away sa Junior's building.

Tinignan niya ang orasan, to make sure na hindi siya mahuhuli sa klase. And thank god na may 10 minutes interval bawat klase.

Nakalabas na siya ng building, and now, she's crossing the bridge. Well, it's not the bridge that you know, it's made with cement at ang railings na ginamit ay salamin, at mula dito ay matatanaw mo ang kalahati ng eskwelahan.

Matapos tumingin-tingin ay ibinalik na niya ang tingin sa dinadaanan, but she immediately stopped herself in order to not to bump in a body approaching her.

Huminto din ito, nakaharap siya sa dibdib nito at amoy na amoy niya ang pabango nito.

Bahagya siyang humakbang patalikod at inangat ang tingin.

Kita niya ang blankong tingin ng lalake sa kaniya, nakapatong lamang ang coat nito sa balikat at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya, and the white polo with matching black necktie.

Gorgeous.

One word to describe the man.

Matangos ang ilong nito at napaka-ganda ng labi na sapat lang para sa isang lalakeng katulad niya, hindi ito masyadong maputi, hindi rin naman kayumanggi, kumbaga sa 100% na puti ay nasa 80% ang kulay nito. Ang nunal din nito sa kaliwang mata sa may bandang baba ang nakakadagdag ng charisma niya.

Unnatural BeautyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt