CV: She's Ugly

6 1 0
                                    

SA mga sumunod na araw ay naging tahimik na lamang si Zia at idinistansiya ang sarili sa iba, maliban kina Sofia at ang mga kaibigan nila. Although, Steve, Mingyu, Vernon and Jun are doing their best para mapabalik sa dati si Zia bawat araw.

Katulad lang ng nangyari sa kaniya sa dating eskwelahan ay ganun pa rin ang trato ng tao sa kaniya dito. They adore her, although may mga ibang naiinis sa kaniya dahil sa pagiging snob, feeling maganda daw dahil kasama niya sina Vernon.

Ngayon nga ay free time niya at may klase naman si Sofia kaya hindi sila magkakasama.

Napagdesisyunan niyang tumambay na lamang muna sa garden para naman matahimik ang buhay niya kahit papaano dahil sa mga bulungan ng ibang tao at pilit na nakikipag-close sa kaniya.

She totally changed a lot since the incident happened at kahit siya sa sarili niya ay alam niya rin ito. She's just scared to admit it loud to herself.

Umupo siya sa may bench sa pinakagilid saka sumandal at ipinikit ang mga mata.

"I'm so sorry, Zia!"

"No, Nicole wala kang kasalanan!"

"I deserve to die!"

"Nicole---NO!!"

*BANG*

Iminulat niya ang mga mata ng maramdaman ang luha na umaagos sa mata niya.

She was traumatized at hanggang ngayon ay sarili niya pa din ang sinisisi niya. Masyadong masakit ang nangyari at hindi niya ito basta-bastang makakalimutan.

"Nicole, I'm sorry" Siya at umiyak ng tahimik sa kinauupuan.

"Stop crying, you look stupid"

Napatigil siya sa pag-iyak at pinunasan ang luha bago tumingin sa nagsalita. Tumingin siya sa lalakeng nakaupo sa kabilang side ng bench, hindi kalayuan sa kaniya.

Tumayo ito at lumapit sa kaniya.

"Cypher" banggit niya sa pangalan nito ng lumuhod ito sa harapan niya.

Kinuha ni Cypher ang panyo sa bulsa at walang paalam na inalis ang malaking salamin sa mukha niya.

Napatigil si Cypher ng akmang pupunasan na nito ang luha ng dalaga ng makita ang kaniyang mga mata.

He remembered something but he just shrugged it off at inilagay ang panyo sa gilid ni Zia saka tumayo.

"Stop crying, you look stupid" malamig na ani nito sa kaniya bago maglakad palayo.

T

inignan ni Zia ang panyo at kinuha ito saka tumingin sa direksyon ni Cypher pero wala na ito. Balak niya pa sana itong isauli at sabihin na okay na pero ang bilis naman maglakad nito.

Bumuntong hininga na lamang siya at sumandal sa inuupuan.

Meanwhile, tahimik na naglalakad si Cypher ng tumunog ang cellphone nito mula sa bulsa, but he didn't bother to check it. Kung ang mom niya ay tatawag ito sa kaniya.

Nasundan ito ng mga estudyanteng nakatingin sa kaniya kanina na ngayon ay nakatingin na sa kanilang mga cellphone.

Ilang segundo lamang ay pinagbubulungan na siya ng mga estudyante. He's wondering why, pero binalewala niya na lamang ito dahil ganyan naman sila palagi.

Unnatural BeautyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ