"AAHH!" Pinikit ko nalang ang mga mata ko at hinintay ang pagbagsak ko sa sahig. Hinintay kong lumapat ang katawan sa ibaba at makaramdam ng sakit pero wala. One thing I'm sure about is that, someone's catched me. I felt hands wrapped arround my waist so I opened my eyes.

"Ayos ka lang, Haven?" I saw Max under me. He's the one who catched me. Kaya pala hindi ako nakaramdam ng kahit anong sakit dahil sa ginawa niya.

"Ayos ka lang, Chairman?"

Inalalayan ako ni Shane sa pagtayo at nakitang nakapalibot ang mga tao sa akin, nag-aalala. Kung wala si Max, baka nabagok na ang ulo ko.

"I'm okay. Thanks for the concern. Balik na tayo sa trabaho." Sabi ko sa kanila.

"Magpahinga ka na muna, Haven. Ayos ka lang ba?" Lumapit si Max sa akin at in-exam-in ang katawan ko kung may galos ba o wala.

"Ayos lang ako, Max. Ikaw? Hindi ka ba nasaktan?" Pag-aalala ko.

"Hindi, Haven. Ikaw lang naman ang inaalala ko eh. Buti nalang at okay ka lang."

"Mag-miryenda muna tayo."

Luminga-linga ako baka sakaling may nakalimutan akong makita kahit hindi ko naman alam kung ano iyon. Tama ba ang narinig ko kanina? Narito si Senyorito Kier? Pero nasaan siya? Wala namang kahit anong bakas na pumunta siya dito, nagkakamali lang ata ako.

"Buti nalang at nasalo ka ni pareng Max, Chairman."

"Ang galing ng ginawa mo, pre! Ang bilis mong tumakbo!"

"Ayos ka lang ba talaga, Chairman?"

They were talking as we started taking our snacks.

"Ayos lang kaya si Senyorito?" Mabilis bumaling ang atensyon ko kay Shane dahil sa sinabi niya. I heard it right and clear.

"Oo nga noh? Buti nalang mabilis kumilos si Senyorito, kung hindi, baka nadaganan itong dalawa ng hagdanan."

My heart raced. My heart raced because of fear.

"Chairman, saan ka pupunta?"

Hindi ko na nilingon ang mga kasamahan ko at nagpatuloy na ako sa paglalakad palabas ng court at pumara ng tricycle.

Hindi ako nagkamali. Andoon siya kanina and I heard what he said.

"Careful, Haven." Bakas sa pag-aalala sa boses niya. Pero bakit umalis nalang siya bigla?

Bumaba ako sa harapan ng Hacienda nila. Hindi ko alam kung bakit dinala ako dito ng mga paa ko, hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa utak ko para pumunta dito. I want to thank him for saving me and Max, pati narin sa dinala niyang mga pagkain.

"Hi Miss!" Bati sa akin ng dalawang security guards at pinapasok ako.

"Hi!nandito ba si Senyorito Kier?"

"Ah, opo ma'am. Nasa loob, kakaalis nga lang eh, bumalik kaagad. Pasok ka."

"Sige, salamat po."

Pumasok ako sa loob ng mansyon para hanapin si Senyorito, hindi na rin ako nag-abala pang punain ulit ang buong bahay.

Where is he?

"Ate, nasaan po si Senyorito Kier?"

"Ikaw pala, Chairman! Nasa likod po, mukhang dadalawin ulit si Lacey. Baka maabutan niyo pa."

Lacey? Dadalawin niya ulit ang girlfriend niya? Haisht! Bahala na nga!

Pumunta ako sa likod ng bahay pero hindi ko pa rin siya makita. Lumabas ako ng bakuran at natanaw ang isang lalaking nakatalikod habang nakapameywang. Ramdam ko ang malalim niyang paghinga dahil sa pagtaas-baba ng matikas at malapad niyang likod.

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant