HALAGA (One Shot)

77 2 0
                                    

"Ui ! " bati ni Mike kay Caitlin 

"Oh ? " sagot ni Caitlin 

"Oh ?! Anung nangyari sa mata mo ? Ba't namamaga ?! " gulat na sabi ni Mike

"Wala 'yan . Puyat lang masyadong madaming ginawa kagabi " iwas na paliwanag ni Caitlin

" Puyat o Umiyak ? " tanong ni Mike

. . . 

" Si JM na naman ba ? " dagdag ni Mike

"Hindi noh ! Hindi si JM , Ano ka ba ! . Nagpraktis lang ako ng Drama Act namin kagabi kaya ganyan mata ko " sagot ni Caitlin 

" Puyat , nagpraktis . . Ano pang palusot mo ? . Kahit Boyfriend mo si JM 'wag mong kakalimutang nandito lang ako, UTOL mo ! :) " sabi ni Mike ."Tanda mo pa 'to ?" sabi ni Mike sabay pakita ng pictures nila ni Caitlin nung bata pa sila .

" Hahaha  ! ! Ano naman yan ! " biglang napatawa si Caitlin 

"Oh yan yung picture nung birthday ko yung nadapa ako sa mismong cake ko ! haha grabe ang tanga ko niyan ! hahhaa" kwento ni Mike 

Habang si Caitlin tuloy sa pagtawa . 

Alam ko na sa kabila ng mga ngiti at tawa ni Cait . . . Nahihirapan pa din siya sa dami ng problemang binibigay ni JM sa kanya . . - MIKE

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

" Mike ! ! Gimik tayo mamaya ?! " yaya ni JM kay Mike

" Wala ba kayong date ni Caitlin mamaya ? Tulad ng dati ? " tanong ni Mike

" Sos . Hayaan mo siya . Nakakabanas na yung babaeng yun eh . Tawag ng tawag sa bahay , tinatadtad ako ng text , tas punta ng punta sa bahay . Nakakairita na din ! " banas na sabi ni JM

" Pre . . Nakalimot ka ata . . BOYFRIEND ka niya di ba ? " sagot ni Mike

" Anong ibig mong sabihin ? Eh ang tagal na nga namin eh . Binigyan ko siya ng chocolates at roses nung valentines, hindi ba boyfriend ang tawag dun !? " maangas na sabi ni JM

" Valentines ?! Eh last year pa yun eh ! Loko ka ba ? Ang BOYFRIEND hindi lamang 'yan salita kundi gawa ? Relasyon ! Ang BOYFRIEND ay yung taong hindi iniiwan ang GIRLFRIEND niyang umiiyak ! " payo ni Mike 

" Kasalanan naman niya yun eh ." sabi ni JM

" Try mo minsan ibalik yung dati mong trato sa kanya . Samahan mo siya,Ihatid mo at higit sa lahat . Pre tantanan mo na ang pambababae ! " sagot ni Mike 

"Dami mong alam ! ! 'Kaw na kaya maging BOYFRIEND niya ! Tsk kung ayaw mong gumimik 'di 'wag ! ! " inis na sabi ni JM

Pero sana nga . Kung okay lang, kung pwede lang sana , ako na nga lang ang BOYFRIEND niya. - MIKE

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Girl ! ! ! " hiyaw ni Shane papunta kay Caitlin

" Oh ? " pagtataka ni Caitlin

" Si JM . . .at si LEA . . " sabi ni Shane with hingal factor

" Anong meron ? " tanong ni Caitlin

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

" Grabe bagay si Lea at si JM noh ?" / " Grabe ! Ang seksi at ganda ni Lea ! "/ " Alam ko may gf si Jm eh ! "/ "Ah ? Pero bakit ganyan his flirting Lea ?" / "Alam ko hindi na niya mahal yung gf nya eh" " tamang bulungan lang ng mga tao . 

Biglang hinalikan ni JM si Lea sa harap ng mga tao . 

And yes . . Nakita yun ni Caitlin . . 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Walkout si Caitlin . Iyak siya ng iyak .

" Cait ! Cait ! Girl . . Tama na ." pagtatahan ni Shane kay Caitlin

"Hayaan mo na . Thank you nga pala Shane . Alam ko namang wala lang yun kay JM eh . Friends sila ni Lea . Wala yun . Friendly gesture lang . " sabi ni Caitlin habang umiiyak

" Cait ano ka ba !? " sabi ni Shane

" Sanay na ko kay JM at kilala ko siya . Friendly gesture lang yun . Sadyang friendly lang talaga si JM . " sabi ni Cait habang umiiyak pa din parang di naririnig ang sinasabi ni Shane

" Girl ! Ano bang nangyayari sa'yo!? Mahal na mahal mo si JM . . Hindi  . Mali ako . Hindi PAGMAMAHAL yun ! Ka - MARTIRAN ! KaTANGAHAN ! . Ano ka ba girl ? Harap - harapan ka nang sinasaktan . Niloloko ni JM . Narinig mo yung mga sinabi nung mga tao dun kanina ?! " inis na si Shane

" Wala lang yun . Di naman yun totoo eh ! " sabi ni Caitlin

" Girl ! ! ! Kailan ka ba didilat ? ! ! ? Ang LOVE dapat nagbibigay ng INSPIRATION at hindi ng DEPRESSION ! ! Tigilan mo na yang pagpapakatanga para sa kanya ! Maganda ka ! Mabait for sure may mas deserving na naghihintay sa'yo ! but for now it's not JM" sabi ni Shane kay Caitlin

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dumating si Mike habang umiiyak si Caitlin kay Shane .

" Cait " sabi ni Mike

Biglang yumakap si Caitlin kay Mike ng sobrang higpit at umiyak ng sobra . .

" Caitlin . . " sabi ni Mike habang pinapatahan si Caitlin sa kanyang braso

Nakita sila ni JM .

" Hoy ! Mike ! Tarantado ka ! Sinusulot mo ba girlfriend ko !? Kala ko ba MAGKAIBIGAN tayo ! ? " galit na sugod ni JM

" Sinusulot !? Eh loko ka ba ?! Kailan ka naging matinong BOYFRIEND ! ? ! MAGKAIBIGAN ? Oo ! Magkaibigan nga tayo ! ! Kaya nga IPINAUBAYA ko siya sa'yo eh ! ! ! Kaya nga ako NAGPARAYA eh ! Kasi KAIBIGAN kita .!. Kasi alam kong mas MAHAL ka niya ! At oo ! KAibigan mo nga ako kaya hindi ko na hahayaang ganituhin mo siya . Hindi mo kasi alam kung gaano siya kaHALAGA sa 'kin ! "

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

" JM . . . TAMA NA . . AYOKO NA .  . MAHAL NA MAHAL KITA . PERO KUNG GANITO LANG DIN . . . TAMA NA SIGURO . . SOBRA NA EH . SALAMAT SA LAHAT .  " sabi ni Caitlin 

" CAIT ?! . . TSSSK . Sige magsama kayong dalawa ! TSSK . Bahala kayo sa buhay niyo ! ! " sabi ni JM at maangas siyang umalis 

" Cait . " sabi ni Mike

" Salamat . " sabi ni Cait at umalis na siya . . 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

It's been MONTHS . . .

" Hey ! Girl Naks ! BLOOMING ah !? " bati ni Shane kay Caitlin .

" Haha . Always naman akong ganito noh !" sagot naman ni Caitlin

" Alalala . Taas ng CONFIDENCE ! >? haha Aminin mo . Mayron bang SOMEONE ? " tanong ni Shane

" Wala ano ka ba ! " sabi ni Caitlin

" KUNG WALA PWEDE BA KONG MAG - APPLY ? " sabi ng isang lalaki sa likod ni Caitlin

" Whoah ! ! ! MIKE !? " gulat na sabi ni Shane kay Caitlin

~FIN~

:)

A/N

:)

3rd One Shot ko na ! ! Yaaay ! !

Thanks po sa pagbasa :D

- BlueBolpen :) 

HALAGA (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon