Chapter 3

79 5 6
                                    

Pangatlo

"Hindi ba tayo hahanapin?" Bulong ko kay Edison.

Siyempre umalis kami sa kalagitnaan ng event. This event is for us kaya malamang magtataka ang mga guest kung nasaan na kami.

"Ang Mc na ang bahala sa kanila"

Tumango ako at hindi na nagsalita. Pumasok kami sa isang pribadong kwarto malapit lang sa event hall. May pahabang mesa doon na mukhang inilagay para talaga kumasiya kaming lahat.

Si Edison ang umupo sa gitna habang ako sa gilid niya. Isang lalaki na mukhang nasa 40s na ang nasa harap ko. Kaniya-kaniyang hanap ng puwesto ang mga kasama namin. Ilang minuto ang namayaning katahimikan sa amin kahit na nakaupo na silang lahat.

Nararamdaman ko ang tensiyon sa boung kwarto. Inaasahan ko na ang ganitong tagpo lalo na at hindi naman bukod sa kaalaman ko na marami ang tumututol sa akin bilang asawa niya.

"We are happy that you decided to settle down, Edison" panimula ng isang babaeng nasa late 30s na.

"Pero masiyado pa atang maaga para bigyan mo na siya ng kapangyarihan sa organisasyong ito. Kailangan niya munang pagaralan kung paano tumakbo ang organisasyon, Edison"

Hindi na ako nagulat na kung magusap sila ay parang wala lang ako dito. They really oppose the idea of me, ruling the organization. Ayaw nilang ikasal si Edison, ayaw nilang magkaroon siya ng tagapagmana. Gusto nila ang kapangyarihan ni Edison ay sa kanila lang, siguro para madaling makuha. They know that Edison has his last will at malaki ang tiyansang saan ibibigay ni Edison iyon.

Ayaw din nilang makialam ako dahil alam kong tingin nila ay hindi ko kaya. Hindi ko rin ang pamamalakad ng organisasyong ito and some don't like kasi ayaw lang nila.

"I've already trained her. Limang taon niyang pinag-aralan kung paano gumalaw ang organisasyon, tingin ko'y sapat na iyon"

"She's too young!" Sabi ni Mr. Sanchez. He owns a bank company.

"Baka nakakalimutan mo kung ilang taon ka noong pumasok sa organisasyon, Mr. Jimenez"

Matigas ang pagkakasabi ni Edison. Natahimik si Mr. Jimenez, mukhang naalala niya ang sinabi ni Edison.

"Then what position you will give to her, Edison?"

Kung hindi ako nagkakamali ay si Ms. Perez ang nagtatanong. She's in her 40s but she didn't get married. Kapag sakim ka sa pera gusto mong sa iyo lang ang pera mo.

"She will handle our volt. She will be the incharge of our every transaction but don't worry I won't let her handle the important one. She will only handle the basic transaction"

Ang Gambogee organization ay grupo ng mayayamang tao. May kaniya-kaniya silang businesses at ang Gambogee ang nagpapalago nito. Gambogee is not just an organization but also a company. Dito itinatago ang lahat ng slush fund account ng mga taong naririto. Hindi rin sila nagbabayad ng tamang buwis and that's what they call the basic transaction, bilhin ang pabor ng mga pulitiko.

Edison never mention what is this importan transaction. Simula noong ikinasal na kami nilinaw niya ang mga basic transaction lamang ang papakealam ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng importanteng mga transaksiyon at hindi ko na inalam pa. I know my boundaries and when he said don't, I won't.

"How can we guarantee that she won't handle the bigger transaction" si Mrs. Perez.

"Kilala niyo akong lahat. Ayokong nagkakamali lalo na at importante. Napagusapan na rin namin ito" nilingon ako ni Edison, ang kaniyang tingin ay nagtatanong kung naiintindihan ko.

Last Section: Venomous LoveWhere stories live. Discover now