Prologue

116 5 4
                                    



Sunod-sunod ang ginawa kong pagpapakawala ng bala mula sa hawak na baril. Gumagalaw ang mga target ko at hindi ko alam kung saan tumatama ang bala but I made sure na tatamaan sila.

Ibinaba ko ang baril ng maubos ang bala. Tinanggal ko ang headphone na nasa tenga.

"Mas gumagaling ka na sa pagbaril"

Binalingan ko si Edison na nakaupo sa sofang nasa gilid. Madalas ako sa shooting range na ito at ngayon ay napagdesisyunan ni Edison na sumama sa akin.

"Hindi ba't practice makes it perfect?"

Lumapit ako sa puwesto niya. Iniabot niya ang baso ng juice na agad kong tinanggap.

"Right. I'm not expecting that you'll learn this fast"

Ngumisi siya. I rolled my eyes. This man is insulting me.

"Are you insulting my five years of practice?"

Umupo ako sa tabi niya. This is an exclusive room for the two of us. Nasa labas ang mga tauhan niya. Simula ng ikasal kami ay palagi ng may tauhang nakasunod sa akin. Hindi naman ako umangal it's for safety.

"No. I'm proud of it"

Sumimsim ako sa basi ng juice na hawak. Kumatok ang secretary niya, one way mirror ang kwarto kaya kita ang nasa labas. Pumasok ang kaniyang secretary.

"Here's the document, Sir"

Tumaas ang kilay ko. Tahimik kong tinanaw ang envelope na iniabot ni Parker sa kaniya. Nagpaalam agad si Parker pagkatapos mailahad ang envelope.

"Here"

Mas lalong kumunot ang noo ko. Inilapag ko ang baso sa mes at kinuha ang iniabot niya sa akin.

"Alam kong alam mo na kung ano ang Gambogee pero gusto kong pagaralan mo pa ito and that's the list of members"

Oh. So this is for me huh? Tinanggal ko ang mga papel na nakapaloob sa envelope. Tulad ng sabi niya ay may mga larawan doon at iilang mga mahahalagang bagay na dapat tandaan sa mga taong ito.

"Uuwi tayo ng Pilipinas bukas and I want you to get ready"

Tumango ako habang nakatingin sa mga papel. I was looking at the papers but my mind is wondering somewhere.

Limang taon na ang nakakalipas ng umalis ako sa pilipinas. Limang taon na simula ng ikasal ako kay Edison. Marriage with him isn't that bad though. Mas lalo ko siyang nakilala and I can say he's a good man. He did nothing but to be good to me.

But I can't help but to think about what I've left. Dati sa bawat pagalala ko ng mga alaalang nabuo sa pilipinas ay hindi maiwasang hindi kumirot ang puso ko. Masakit at nanghihinayang ako pero sa pagdaan ng panahon unti-unting nawala ang sakit parang wala na. Parang natural na lang sa akin. Parang sanay na ako at tanggap ko nang wala na.

I won't say na naka- move on na ako kasi hindi ko pa nahaharap ang lalaking una kong minahal but I can say, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin if I didn't choose to be with Edison. Iyon din ang sabi ni Mommy kung dati grabe daw ang pagda-dalawang isip niya kay Edison na kung pwede lang akong itakas ay itatakas niya ako pero ngayon ay parang mamamatay siya pag naghiwalay lang kami.

I kind of use to what we have, to what we are. Hindi naman porke't hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahal ay hindi na kami naga-away. Ilang misunderstanding din ang pinagdaanan namin pero palagi siya ang nagpapakumbaba. He always gives what I want and I'm so thankful that I choose him. I choose his path.

Ngayong uuwi kami ng pilipinas, hindi ko mapigilang hindi kabahan. What if meron pa palang natira? What if nasanay lang ako sa presensiya ni Edison pero hindi ko pa rin pala siya nakakalimutan? What if magulo ang lahat ng plano ko? What if hindi ako magtagumpay?

"Are you ready, Aurelia? This is the start of our bloody fight"

Napatingin ako kay Edison. Tumango ako. Ilang taon kong pinaghandaan ito. Ilang taon kong plinano ang lahat.

Aalamin ko kung ano ba ang Savior. Aalamin ko kung anong nangyari sa Savior. Aalamin ko kung bakit kailangang mamatay ng Mommy ni Rouge. Aalamin ko kung bakit naghirap kami.

Kailangan kong malaman kung bakit nandoon si Daddy ng gabing iyon. Kailangan kong malaman bakit nangyari ang lahat ng nangyari at bakit nawala ang Savior. Pababagsakin ko din ang tatlong pamilyang iyon. Hindi ako titigil hangga't hindi sila gumagapang sa hirap at higit sa lahat aayusin ko ang mali sa Gambogee.

I will kick out those members who wants to eat us. Hindi ko hahayaang magtagumpay ang Savior na lamunim ang Gambogee. I will do everything to put back the things to it's rightful places.

Gambogee is a group of business tycoons, ready to kill for 'wealth'. Diamond was built to strengthen each companies power. Gambogee is a company that secretly does an illegal business and pays higher officials for their security and safety. Gambogee is a company where no one can mess with.

A small cut diamond can cost millions. We are ready to kill for power.

Money controls everything.

Last Section: Venomous LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя