16

381 24 34
                                    


SIXTEEN






"Oh my! This is it besh, ikakasal ka na!" ma-dramang usal ni Jackiee. Tinatakpan niya pa ang bibig gamit ang kamay.

"Ang OA naman, girl..." natatawang turan ko kay Jackiee. Napanguso naman ang babae.

"Uy, tama na ang mga chika. Labas na! Excited na ako..."

Napailing ako nang bagamat ang ganda ganda ng pagkakaayos ay walang pakundangang nagtata-talon si Kyren.

Lumabas na nga kami nang kwarto, nakaayos na sila maging ako.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa.. o malungkot. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko at hindi ko alam kung ano bang dapat mangibabaw.

Natutuwa ako dahil... matutupad na ang isang pangarap ko, ayon ang makasal. Siguro naman halos lahat ng babae nangangarap na ma-kasal kaso lang may parte sa akin na nalulungkot kasi alam kong... hindi totoo ito, galing lamang sa kasunduan.

Pero kahit na... susubukan ko pa ding i-treasure ito dahil bagamat hindi talaga ito totoo pero totoong magpapa-kasal kami sa simbahan, sa harap ng Diyos.

Hindi ko namalayan dahil sa pagiisip ay nakalapit na pala sa akin si Nanay. Marahang sinapo niya ang mukha ko at tila naiiyak na tinitigan.

"Anak, ang ganda mo." namamanghang turan niya. Nagsimula ng tumulo ang luha niya, " Ang bilis ng panahon... parang dati lamang ay nasa bisig pa kita at hinehele tapos ngayon... ikakasal ka na."

Marahang hinaplos niya ng kanyang hinlalaki ang pisngi ko. Naramdaman ko din ang pangingilid ng luha ko.

"Mama naman, e." Ngumuso ako, "Husag mo kong pa-iyakin, masisira ang make up ko."

Bahagyang natawa naman si Nanay sa sinabi ko. Yinakap niya ako at ginantihan ko naman ito.

"Ate, Nanay! Tama na ang drama niyong dalawa. Tara na sa simbahan..." aya sa amin ni Valerie. Natatawang kumalas naman kami ni Nanay sa yakapan. Nakipag-picture ang kaibigan ko kay Nanay kaya bahagyang nalayo ito sa akin. Tinabihan naman ako ni Valerie at umangkla sa akin.

"Ate.."

"O?"

"Masaya ako para sa'yo.." Napangiti naman ako at tila may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya, "Naiinggit ako."

Biglang nawala ang ngiti sa labi ko, kunot ang noong binaba ko ang tingin sa kapatid.

"H-Hoy, anong naiinggit? Aba mag-aral ka munang ma---"

"Oo na, oo na. Itong si ate parang sinabing naiinggit lang. Hindi ko naman sinabing gusto ko ng magpa-kasal."

Naka-ngusong bumitaw sa pagkaka-angkla sa akin ang kapatid ko, dahil sa biglaang niyang galaw ay muntikan pa akong ma-out of balance.

"Shemay ka!" singhal ko sa kapatid. Natatawang nag-peace lang ito sa akin.

Muling humawak sa akin si Valerie at inalalayan na ako palabas. Bumungad sa amin ang kotseng sasakyan ko papunta sa simbahan.

"Tara na dito, Van..." aya sa akin ni Nanay. Si Nanay ang magiging kasama ko sa loob habang ang ibang abay ay pumunta na sa kanya-kanyang kotse na maghahatid din sakanila sa simbahan.

••

"Ready ka na ba, Van?"

Pumapalakpak pa si Jackiee. Mukhang excited na excited siya habang ako ay tila mahimatay na sa kaba.

hire as their momWhere stories live. Discover now