27

340 26 8
                                    

TWENTY-SEVEN


Ang senaryong iyon ay naging dahilan upang mas lalo pa akong humanga sa lalaking pinakasalan ko.

Muli kong pinisil ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa akin. Bahagya kong nilapit ang sarili sakanya at idinantay ang libreng kamay sa braso nito, sinusubukang iparating rito na nandito ako sa tabi niya dahil alam ko kung gaano kahirap sakanya ang buksan ang usapin na ito lalong lalo na sa mga anak.

Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa amin hanggang sa tuluyan na itong basagin ni Harson.

"If Hissey wants it, Dad..."

Hindi ko mabasa ang iniisip ni Harson dahil normal lamang ang reaksiyon niya nang sagutin ang tanong ng Daddy niya. Bahagyang lumingon lamang ito sa kapatid.

Hindi ko mapigilang humanga kay Harson, sa edad niya ay nagagawa niya ng konsiderahin ang nararamdaman ng kapatid niya.

Hindi ko sigurado kung gusto niya ba o hindi na makasama ang tunay niyang ina dahil walang bakas ng hinanakit at galit sa tono ng boses niya ang namamayani lamang na emosyon dito ay ang kagustuhang malaman ang nararamdaman ni Hissey, ng kapatid niya.

Napakatalinong bata.

Dumako naman ang tingin namin kay Hissey na nananahimik lamang habang kagat-kagat, nilalaro ng ngipin ang ibabang labi niya.

Nang bahagyang itong lumingon sa gawi ko ay binigyan ko siya ng magaang ngiti.

"Is it possible, Daddy?" pabulong na tanong niya kay Harvin, tila nagaalinlangan.

Nakagat ko ang labi. Napabaling ako kay Harvin kaya napansin ko kung paano bahagyang umigting ang panga nito dahil sa tanong ng anak.

"Do you want it?" malumanay na tanong ni Harvin.

"It's fine with me po, if she wants to come. She's still our mother after all."

Nang dahil sa kasagutan ng mga bata ay mas lalong lumalim ang paghanga ko sa ama nila, kay Harvin. Mas lalo kong napagtanto kung gaano kabuting ama si Harvin sa mga anak na napalaki niya ng mabubuting bata ang mga ito.

Sa kabila ng katotohanang siya lamang mag-isa ang magulang na nag-aruga at nagtaguyod sa mga ito, nagawa pa din ni Harvin na ibigay sa mga bata hindi lamang ang mga luho at pangangailangan ng mga ito ngunit naibigay niya din ang sapat na pagmamahal at atensyon.

Base pa lamang sa kung paanong mag-isip ang mga bata, kung gaano ka-positibo ang mga ito at kung paanong walang galit at poot na namuhay sa dibdib ng mga ito ay mapapatunayan na kung paano nagawang mapunan ni Harvin ng maayos ang pagiging magulang niya sa mga anak, kung paano hindi siya nagkulang sa mga ito. Pakiramdam ko pa nga ay sobra-sobra pa nga ang nagawa niyang maibigay sa mga anak niya.

"Sinubukan mo bang itanim sa isip ng mga anak mo na magalit sila sa Mommy nila? Sinabi mo na kaya iniwan sila ng Mommy nila ay dahil hindi sila mahal nito?" tanong ko sakanya habang nakahiga na kami parehas sa kama.

Bahagyang nangunot ang noo ni Harvin, napaisip sa tanong ko, "I never did..." usal nito habang tila inaalala pa rin ang mga sinabi niya sa mga anak, "The last time we've talk about their mom, the last time they actually asked about her, I told them that she's working for the sake of us. But I never really did say bad things about her, even when I'm furiously mad at her for leaving us, especially them."

Hinaplos ko ng marahan ang mga panga nito nang mapansin ko ang pag-igting nito, "Dahil doon, Harvin." Nakangiting saad ko, "Bukod sa nagawa mong bigyan sila ng sapat na pagmamahal at atensyon ay hindi mo din hinayaang magtanim sila ng sama ng loob sa ina nila."

hire as their momOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz