10

499 33 4
                                    

TEN




"Nanay..."

Hindi ako makapaniwala. Nasa harapan ko ngayon si Nanay, ang kanina ko pa gustong makausap, siya ang bumungad sa akin pagkabukas na pagbukas ko ng gate.

Tila nawala na parang bula ang bigat na dinadala ko sa dibdib ko kanina pa lalo na nang ngumiti sa akin si Nanay.

Napalingon ako sa likod ko, at nakatayo doon si Harvin. Prenteng nakapamulsa lamang ito, pinapanood kami. Nang magtama ang mata namin ay binigyan ako nito ng tipid na ngiti at isinenyas sa akin sila Nanay kaya muli kong binaling ang atensyon sa Nanay ko.

"Nanay..." usal ko at yumakap dito, "Akala ko hindi ko kayo makakasama ngayong pasko," madamdaming turan ko, "Akala ko din galit kayo sa akin kasi hindi kayo kanina pa ako naghihintay ng reply niyo, hindi niyo din sinasagot ang tawag ko."

"Ano ka ba, sister. Syempre surprise kasi!" pagsingit ni Vincy.

Kumpleto silang lahat. Nandito din ang mga kapatid ko. 

"Ate hindi ba tayo papasok, nangangalay na ako o..." birong sabi naman ni Vince.

Nanlaki ang mata ko at kaagad ng kumalas ng yakap kay Nanay. Lumapit ako kay Vince at kinuha ko ang medyo mabigat na bag na bitbit nito.

"Hay nako, bakit ba nagbubuhat maayos ba ang pakiramdam mo?" nagaalalang tanong ko.

"Ako na ate." pagbawi nito sa bag, "Nakalipas na 'yung isang linggo nu'ng inatake ako, maayos na ako ngayon." Nagkakamot ng batok na sabi nito.

"Ayos na 'yan, ate." si Val, minasahe niya pa ng kaunti ang likod ni Vince, "Ako ang nurse niyan."

Napatingin naman ako kay Nanay nang tapikin niya ng bahagya ang likuran ko. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Tara na, ahm.." Tumingin ako saglit kay Harvin upang manghingi ng permiso, "pasok na kayo."

Nagbigay na ako ng daan para makapasok sila. Habang papasok si Nanay ay sinalubong ito ni Harvin.  Nang makalapit ay kaagad itong nagmano sa ina ko.

"Harvin, iho." bati ni Nanay kay Harvin, "Salamat sa pag-imbita sa'min dito."

"No problem with that, nay." sabi nito kay Nanay. Bahagyang tumingin sakin, "It's for Van. You're her family so you must be included in our Christmas celebration."

Naramdaman ko ang pagiinit ng pisngi at bahagyang paglaki ng mata dahil sa tinuran niya sa harap ng Nanay ko.

"Ay, ang ganda.." bulong sakin ni Vicente. Naramdaman ko pa ang pagkurot nito sa tagiliran ko. Napayuko na lang at nakagat ang ibabang labi.

Matapos ang batian ay pinapasok na sila ni Harvin. Pinauna namin sila at mahuhuli kaming dalawa sa paglalakad.

"Ahm, salamat a..." usal ko.

Bumaling naman siya sa akin at mahinang tumawa sa baritanong boses.

"I want to surprise you so I told them not to answer your messages even your calls." pagamin niya.

Napanguso naman ako. Siya pala ang may kasalanan sa pagkabagabag ko buong araw. Pero ayos lang...  maganda ang surpresang inihanda niya.

"Kaya pala.." mahinang wika ko at pabirong umiling-iling na kunyari'y dismayado. Napangisi naman siya, "Pero... salamat pa din."

Walang talagang mapagsidlan ang tuwa ko ngayon. Masaya akong hindi nabali ang tradisyon namin at magkakasama pa din kami ngayong pasko ng pamilya ko.

Nginitian niya lamang ako, "Let's go inside." aya niya. Tumango naman ako. Akmang maglalakad na ako papasok ngunit kaagad akong napatigil nang hawakan niya ang braso ko, "Wait..."

hire as their momWhere stories live. Discover now