Kabanata 29

121 4 0
                                    

Kabanata 29

NAPAKUNOT ang noo ni Marcus nang wala ni isa sa mga tao sa apartment ang sumalubong sa kanya. Pagkatapos din niyang mag-empake ay nagpahatid kaagad siya sa pier pauwi ng Maynila.

"Nate? Rome?" Nang walang marinig na tugon ay dumiretso siya sa entertainment room. Una niyang nakita si Jerome. Akmang tatawagin niya ang lalaki nang marinig ang pagbanggit ng isang pamilyar na tinig sa pangalan niya.

"He'll never forgive me, Chad. Hindi lamang siya ang nasaktan ng dahil sa akin kundi maging si Joanne. Oh, God! It's all my fault. I'm sorry."

Hindi siya nagkakamali na tinig iyon ng kanyang ina. At umiiyak ito. Why was she crying? And why was she in the Philippines in the first place? At anong kasalanan ang tinutukoy nito?

"What you did to them three years ago was indeed unforgivable. Mahal nila ang isa't isa at wala kang karapatan para hadlangan ang pagmamahalang iyon. Pero tapos na, eh. Hindi na natin maibabalik pa ang oras. Ang magagawa mo na lamang ay itama ang mali mo," ani Chad.

"Sa palagay mo ba ay hindi ko naisip 'yan sa loob ng dalawang taon, Chad? Gusto ko nang aminin kay Mac na forge ang documents na ibinigay ng kaibigan kong detective sa kanya sa pakiusap ko pero natatakot akong anihin ang galit niya!"

Tila itinulos siya sa kinatatayuan nang marinig ang winikang iyon ng kanyang ina. Kay bilis ng tibok ng puso niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig. All these years that he tormented himself thinking that Joanne was married was not true?

"Kaya sabihin mo na ang totoo, Chad! Nasasaktan na rin si Joanne ngayon dahil sa maling-akala ni Mac!" narinig niyang ani naman ng isang tinig ng babae. Si Quinzel. Akala ko ba'y nasa Korea ito?

"Bakit ako? Ikaw na lang kung gusto mo. O si Manager Prince!"

"Ako na ang gumawa ng paraan para magsolo sila sa Haengbok Isle kaya pass na ako dito." Hindi na siya nagtaka na nandito rin sa Pilipinas si Manager Prince.

"Ano ang dapat kong malaman?" aniya sa mapanganib na tinig.

Matalim ang tinging ibinigay niya sa mga tao sa silid puwera kay Missy.

"Mac—"

"And what are you doing here, Quinzel? You called me yesterday while crying saying that Manager Yun had left you alone at Korea!"

Ngumiwi ang babae. "Mac—"

Hindi niya pinatapos ang babae sa pagsasalita at galit na binalingan ang kanyang ina. "What did you do?" Halos magtagis na ang kanyang bagang sa galit na nararamdaman.

Napatingin siya sa mga tao na nasa silid. Nahagip nang paningin niya ang ilang monitors sa entertainment room. On the said monitors were videos of the different places in the rest house at Haengbok Isle.

"I became selfish, Mac. Noong nalaman kong gusto mong balikan si Joanne ay nataranta ako. I want you to meet your father at naisip kong kapag iniwan mo kaagad ang Idol world dahil kay Joanne ay lalong liliit ang tsansa na makilala mo siya. For years I carried the guilt knowing that I was the one who hurted you most.

"Pinaimbestigahan ko nang totoo si Joanne at alam kong hindi siya kasal kay Chad at coincidence na kamukha nila ang pamangkin nila. I told my friend detective to forge all the documents in favor of me. Noong nabuo na ang pamilya natin, natakot akong aminin ang katotohanan sa 'yo dahil natakot akong anihin ang galit mo. I'm so sorry, anak," umiiyak na anito. Akmang lalapitan siya nito subalit hindi pa niya makayang mapalapit dito kung kaya't humakbang siya palayo.

Kasabay nang hinampo at galit patungkol sa ina ay bumalot ang hindi matatawarang saya sa puso niya dahil sa katotohanang malaya siyang mahalin si Joanne at malaya din itong mahalin siya.

"Kung may malalaman ka mang lihim sa mga susunod na araw, tandaan mong ginawa ko lang iyon para tulungan ka ngayon, Mac," ani naman ni Manager Prince.

Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang makasama ang babae. There was no more "what ifs" and "if onlys" in his heart right now. Only love.

"Where's Joanne?"

Nagpalitan ng tingin si Chad at Manager Yun.

"If I tell you I love her, will you let her go for her to be with me now?" diretso ang tingin na tanong ni Chad sa kanya.

He thought he saw red when he heard what he had asked. "No. I won't let go of her now that I know she's free. I won't."

Tila napahinga siya nang maluwang nang ngumiti si Chad. "Before you go after her, you may want to listen to me first, Mac," ani Chad sa kanya. Dinala siya nito sa loob ng apartment ni Joanne at dumiretso sila sa mismong silid ng babae.

Napasinghap siya sa nakita. Sa isang gilid ay isang maliit na estante na naglalaman ng mga albums, magazines, at photobook nilang mga Sapphire Blue. Subalit ang naghatid ng init sa puso niya ay ang mga solo posters niya sa kisame ng babae.

"She never did stop loving and supporting you, Mac."

At nang marinig ang winika nito, pakiramdam niya ay ang dami niyang utang at kasalanan kay Joanne.

She deserved everything in the world.

How I love you so much, Jo. Then and now, it's you whom I love. Wait for me. I'm coming for you.

"Make my Tita Joanne happy, Tito Mac," ani Missy sa kanya.

"I plan to do that, Missy. She deserves to be happy."

For all the sacrifices Joanne made. For him.

Seven Years Of Love (KRY Trilogy #1) (Published under PHR)Where stories live. Discover now