Simula

882 31 8
                                    

Simula

NAPABUGA ng hangin si Manager Prince Yun habang nakatingin sa kanyang mga alagang nag-e-ensayo ng sayaw at pagkanta sa loob ng studio. Habang tinitingnan ang mga ito, hindi niya maiwasang maalala ang unang araw na nakilala at nakasama niya ang mga lalaking ito. Binatilyo pa lamang ang mga ito noon pero ngayon ay mga nasa hustong edad na ang mga ito.

Ang bilis lumipas ng panahon.

Sa loob ng pitong taon na pagsabak ng mga lalaking ito sa magulong mundo ng entertainment na kung saan ang naunang dalawang taon ay ginugol sa mga workshops at classes, masasabi niyang malayo na ang narating ng mga ito. Dapat siyang maging masaya para sa mga alaga subalit hindi iyon ang nararamdaman niya.

Dahil alam niya ang tunay na nararamdaman ng mga alaga niya.

Ngumiti man ang mga ito araw-araw, alam niyang sa likod niyon ay may natatagong sakit at pait. Lalo na sa bunso ng grupo. Sa tingin niya ay ito ang may pinaka-itinatagong galit sa lahat. Galit dahil...

"Manager..." anang isang tinig sa wikang Koreano.

Binalingan niya ang narinig na nagsalita. Isa iyon sa mga assistant dito sa Summit Entertainment.

"Yes?" sagot niya sa ganoon din wika. Ang nakakausap lamang niya sa wikang Ingles at Tagalog ay ang mga alaga niya at ilang miyembro ng staff.

Naaalala pa niya kung bakit ang labintatlong lalaking ito ang pinili niya noon na bumuo ng isang grupo sa dinami-dami ng taong nag-audition noon. Bukod sa angking talento, pare-parehas kasi silang nanggaling sa iisang bansa—sa Pilipinas. Kaya naman kaya nilang magsalita sa wikang Tagalog at Ingles.

"Somebody wants to talk to you, Manager."

Sumunod siya dito nang tumalikod na ito. Pagkapasok nila sa loob ng kanyang opisina ay kaagad na tumayo ang pigurang nandoon.

"I'm an awful person, Prince. It was my fault why he's bitter for so long."

Inalalayan niya ang kausap nang bigla itong gumewang sa pagkakatayo. Pinaupo niya ito sa sofa at inabutan ng tubig. Dire-diretso nitong isiniwalat sa kanya ang ginawa nito noon—ang sinasabi nitong kasalanan nito sa isa niyang alaga.

"I want him to be happy, too, Prince. Help me correct my wrong doings. He deserves to be happy."

Kaagad na pumasok sa isipan niya ang isang ideya. What he wanted to do would be uncalled for but this was what he thought best to do right now. He knew someone who could help him regarding this plan. And that person would surely help him.

Nang makaalis ang kausap ay tinanggal niya sa pagkakasusi ng ibabang drawer sa mesa niya. Mula roon ay inilabas niya ang isang brown envelope. Binasa niya ang isang impormasyon doon at i-d-nial ang numerong nandodoon.

"Good afternoon, Richard..."

Seven Years Of Love (KRY Trilogy #1) (Published under PHR)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora