𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝚜𝚎𝚟𝚎𝚗

3 1 0
                                    

*Blythe's POV*

Ilang linggo na ang nakalipas simula ng tumira ako kila Mr. And Mrs. Smith. Sobrang bait saakin ni Tita Isabella akala ko masungit ito saakin dahil diba nga ay nakikibelong lang ako sa kanila in short sampid lang ako sa pamamahay nila

Pero hindi nila pinaramdam saakin yun sa katunayan pa nga ay iniispoil pa ako nila Tita Isabella At Tito Clinth isama mo pa si Janella. Iba talaga pag nabuhay ka mayamang pamilya nagagawa mo ang lahat ng gusto mo

*knock* *knock*

Bigla akong nagulat dahil sa katok na yun. Bumukas ang pinto at pumasok dito si Ate gwen

"Blythe gising na naghanda na si Madam Isabella ng almusal para sa inyo..." first day ko ngayon sa school na papasukan ko kaya maaga akong nagising ngayon. Nakita naman na ako ni Ate Gwen na nakaayos na ako

"Ate Gwen kanina pa po ako gising nakaligo na rin po ako, baba na rin po ako maya maya" saad ko dito

"Nakahanda na ba ang mga kakailanganin mo sa school mo?? Komportable ka ba sa uniform mo?? May kailangan ka pa ba?? sabi mo lang saakin" napahagikgik naman ako sa pagka paranoid ni Ate Gwen

"Ano kaba Ate Gwen chill ka lang po, naayos ko na po ang mga kakailanganin ko, komportable po ako sa uniform ko at wala na po akong kailangn. Salamat po sa pag tatanong ate Gwen Hahaha"

"Concern lang ako sayo, sabihin mo lang saakin kung may mangaaway sayo isusumbong ko agad kila Sir at Madam ipapablater agad natin!" Nag pose pa syang may kaboxingan si Ate gwen, doon na talaga ako natawa

Ang swerte ko talaga sa mga kumikop saakin at nagpapasalamat narin ako kay God na hindi masasamang tao ang kumupkop saakin

"Hayy nako Ate Gwen sobra na po pagkaparanoid niyo, magiging okey lang po ang lahat tiwala lang kay God"

"Tama ka dyan, sige na bumaba ka na at ng makakain na kayo ni Janella. Hirap pa naman gisingin ng batang iyon" nagpaalam na ito at umalis na sa kwarto

Napabuntong hininga naman ako pag kaalis ni Ate Gwen

"Sana nga maging maayos ang araw na ito" kinuha ko na ang bag pati ID ko at bumaba na para kumain. Bigla naman akong binungad ni Tita Isabella sa sala at hinagkan ako

"Hello Baby Blythe! Good morning and Happy First day of school" sabay halik saakin sa kaliwang pisngi. Namula naman ako dahil dun, hindi pa ako sanay sa pagiging mabait saakin nilang lahat parang kaylan lang ay nasa daanan lang ako at naglalakad magisa tapos boom ito na ako ngayun!

"Thank you po Tita Isabella kung hindi po sa inyong dalawa ni Tito Clinth hindi po ako makakapasok sa school at hindi po ako nakatira sa lansangan"

"Ang aga aga pinapaiyak mo ako, Don't worry iha, we are just doing what we can for you. We want for you to be a successful woman. Kahit hindi ka namin kadugo ay para ka namin tinuring na anak. Gusto mo ba ampunin ka na lang namin ni Banchieee? Okey lang saamin dahil pinagisapan na rin namin ito matagal na"

Nagulat naman ako sa huling sinabi ni Tita Isabella, malaking bagay na saakin ang pinagaral, binigyan ng damit at pinakain nila ako dito. Sobra sobra na ang tinulong nila saakin hindi ko matatanggap ang huling sinabi nito

"Tita Isabella, sobra sobra na po ang ibinigay niyo saakin. Hindi ko po matatanggap ang hinihiling niyo, sana po maintindihan ninyo. Ayoko na pong dagdagan ang mga sakit niyo saulo" umiling iling naman si Tita at tinitigan ako ng mabuti

"Don't say that hija, unang tapak mo pa lang sa mansion ay hindi ka naging pabigat saamin. Naging makulay pa nga ang mundo naming mag asawa dahil sayo. You are angel that God give to us."

Before the Sunset DownNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ