Chapter 9

28 2 0
                                    

#LoveAndAffectionChapter9

Love and Affection

CHAPTER 9


"Ang ganda mo, Bhie..." Manghang saad sa akin ng make-up artist habang ako naman ay nakapikit.

I smiled at him. "Thank you, po."

"Hindi, Bhie.. Kahit wala kang make-up ang ganda mo pa rin. Natural beauty, pak na pak. Kaaingit naman."

Tumawa ako nang mahina at hindi na muling nagsalita pa.

"Open na, Bhie."

Mula sa pagkapikit ay minulat ko ang aking mata. Pagkamulat ko ay isang babae ang bumungad sa akin. Tinignan ko ang sarili mula sa salamin. Ang ganda ko ngayon. Bagay na bagay sa akin ang make-up. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

"Ayusin ko na ang hair mo. Anong gusto mong hairstyle? May naisipan ka ba?" Tanong niya sa akin. Inaayos niya ang gamit na nakapatong sa lamesa.

Nandito ako ngayon sa hotel kung saan gaganapin ang graduation ball namin. Ayokong mahassle kung sa bahay pa ako mag-aayos kaya rito na lang. Medyo malayo ang bahay dito sa hotel kaya napagisipan ko na lang na magcheck-in at bukas pa uuwi sa amin. Nakakapagod kasi pag-uuwi pa ako mamaya after ng ball. Nakakahiyang magpasundo kay Mang Danny, baka tulog na 'yon bago pa kami matapos.

"I-curl na lang po siguro..."

Tumango siya, "Okay, Bhie."

Sinimulan na niyang kulotin ang buhok ko. Hindi rin nagtagal ay natapos na siya.

"Hmm, bagay sa'yo pero parang may kulang." Bulong niya. Umalis siya mula sa likod ko at nagtungo sa mga bag na dala niya. May hinalungkat siya roon. Ako naman ay sinundan siya ng tingin.

"Ay, buti at nadala ko 'to." Aniya

Naglakad siya pabalik at may inilagay sa ulo ko. Isang flower crown. Inayos niya ito sa pagkalagay sa itaas ng ulo ko.

"Perfect! Bagay sa theme ninyo, Bhie." Nakangiting saad niya at proud na proud sa ginawa. "Mukha kang si ano.. si Sleeping Beauty. Tama! Sleeping Beauty ang vibes natin for today."

I chuckled, "Thank you, po."

"Sige na, Bhie. Pumasok ka na sa banyo at magpalit."

Tinanguan ko siya at sinunod ang kanyang sinabi. Kinuha ko ang paper bag sa gilid at pumasok sa loob ng banyo.


After ng graduation rites, umuwi muna kami ni Bradley saglit sa bahay para kunin ang ilan kong gamit na dadalhin sa hotel. Sabay kaming nag-lunch sa isang restaurant at nilibre niya ako. Ayaw ko sana kasi ako dapat ang manglilibre sa kanya pero hindi siya pumayag. Pagkatapos noon ay pumunta kami sa mall kung saan ko binili ang gown at kinuha ito.

"Send me a picture habang suot mo 'yan."

Nilingon ko si Bradley na kasalukuyang nagmamaneho. Papunta na kami sa hotel.

"Sure, no problem." Sagot ko.

Tumango siya habang nakatingin sa daan. Nilingon niya ako saglit at nginitian.

"Kahit ano siguro ang ipapasuot sa'yo, babagay pa rin."

I chuckled. "I know."

Si Nathan ang nagpili nito... Akalain mo 'yon, ang ganda ng taste niya.

Umiling na lamang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho.


Naglalakad ako ngayon patungo sa elevator. Nasa 8th floor ako ng hotel habang ang reception area ng gradball namin ay nasa 2nd floor naman. Itinaas ko ng konti ang gown na suot kasi medyo naaapakan ko ito kada hakbang ko. Huminto ako sa tapat ng elevator at hinintay itong bumukas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love And AffectionWhere stories live. Discover now