Chapter 7

42 2 0
                                    

#LoveAndAffectionChapter7

Love and Affection

CHAPTER 7


They were right nang sabihin nilang mabilis ang takbo ng panahon. Thursday ngayon at kakatapos lang ng exams namin kahapon. Nakaya kong sagutan lahat kasi nga minor subjects lang ang natira at hindi ito gaanong mahirap unlike noong mga subjects sa first day.

Nandito ako ngayon sa bahay, nakahiga pa rin sa kama. Wala kaming pasok ngayon hanggang bukas. Ika nga nila Ma'am at Sir, magpahinga raw muna kami, so bale apat na araw kaming walang pasok.

Bored ako. Ano kayang magandang gawin today? Mall? Nah, kaka-mall ko pa lang noong Monday...

Shit. Bigla ko tuloy naalala 'yong nangyari. Napapikit ako sabay iling habang mahinang tumawa, pilit iniwaksi ang naalala.

"I need a distraction.." Mahina kong bulong sa sarili't tumayo mula sa pagkakahiga. Kinuha ko ang tuwalya sa gilid at pumasok sa loob ng banyo't nanatili sa loob ng ilang minuto. Pagkatapos kong maligo at maghanda sa sarili ay dinampot ko ang phone na nasa study table ko. Binuksan ko ito at kaagad pumunta sa messages para i-text si Bradley.


To: Bradley

Hey, may pasok kayo today?


Tiningan ko ang oras. It's almost 9 in the morning. Lumabas ako sa kwarto at bumaba. Naglakad ako papuntang dinning room. Si Manang Sesing ang una kong nakita pagkapasok ko. Kasalukuyan siyang nagluluto.

"Manang Sesing, what's our ulam po?" Tanong ko pagkaupo, nakapangalumbaba.

Lumingon saglit si Manang Sesing sa akin at nginitian ako bago ipinagpatuloy ang ginagawa. "Ham at saka itlog, hija. Ininit ko muna kasi kanina pa 'to. Malamig na kung kakainin mo. Masarap kayang kumain kung mainit pa ang pagkain."

Tumango ako sa sinabi niya. Kahit ako, gusto ko rin na mainit pa 'yong pagkain na kinakain ko. Wala lang, mas masarap kasi kapag gano'n.

"Aalis ka ngayon?" Tanong ni Manang Sesing habang hinahanda ang mesa.

Sasagot sana ako nang biglang tumunog ang phone ko, hudyat na may narecieve akong message. Tinignan ko ang phone na nakapatong sa taas ng mesa. Dinampot ko ito at binuksan.


From: Bradley

Wala na kaming pasok now actually but nandito pa kami sa loob ng uni. The guards won't let us out. We still have to wait until lunch. Why?


Napakagat ako ng labi. Nagdadalawang isip kung tutuloy ba ako sa pagpunta kay Bradley o hindi. Nang nakapagdesisyon ay nireplyan ko ang text niya.


To: Bradley

Do you want to get out? I have no class for today so I'm free. Mang Danny can drive me there. Did you bring your car though?


As far as I can remember, pwede silang makalabas ng uni as long as may sundo. But if Bradley brought his car, we can't leave it there. He loves his car too much.

"Si Bradley ba 'yan, Iha?" Tanong ni Manang Sesing sa akin bago umupo sa tapat ko.

Binaba ko ang phone bago sumagot sa kanya, "Ay, opo, Manang."

"Hmm.." Tumatango tango siya, ako naman ay sinumulan na ang pagkain. "Wala ba talagang pag-asa 'yong batang iyon sa iyo, Iha?"

Nabulunan ako nang sabihin iyon ni Manang Sesing, nanlalaking mga mata ko siyang nilingon. Kaagad niya akong pinagsalin ng tubig. Tinanggap ko ito at ininom.

Love And AffectionWhere stories live. Discover now