Chapter 3

67 2 2
                                    

#LoveAndAffectionChapter3

Love And Affection

CHAPTER 3


Kinabukasan, nagising ako dahil sa tunog ng aking phone. Napalingon ako sa bintana at nakitang papasikat pa lamang ang araw. Argh.. Sinong nasa tamang pag-iisip ang tatawag nang ganito kaaga? Aabutin ko sana ito nang bigla itong tumigil.

My mind is now wide awake so I have no choice but to get up. I'll just take a nap later, I guess. Nag-inat ako saglit bago tuluyang kinuha ang phone at binuksan ito.

25 missed calls from Tita Carol.

Kumunot ang noo ko. What happened? Ang dami naman yata nito. Ang aga-aga pa ah? I think this is important. Tita wouldn't call me if hindi ito importante. Napaisip ako nang malalim. Why would Tita call? Is this about Bradley? Nang mag-ring ulit ang phone ko ay kaagad kong sinwipe para sagutin ang tawag.

"Hello, Tita. Good morning po."

"Iha.." Sagot niya na may pagkahalong lungkot sa kanyang boses. Mas lalong kumunot ang noo ko, bumangon ako mula sa kama at pinasadahan ng kamay ang aking buhok.

"Yes, Tita. Is there something wrong po?" Tanong ko. Naglakad ako papuntang banyo.

"Iha, si Bradley." Sagot ni Tita sa kabilang linya na naging dahilan kung bakit ako napahinto.

"Po? Bakit po? May nangyari po ba kay Bradley?"

I heard her sigh on the other line, "Si Bradley, nasaksak."

"What?!" Gulat kong tanong. Nabitawan ko ang phone, hindi ko na nagawang damputin ito dahil sa pagmamadaling tumakbo papasok ng banyo para maghilamos. Nang matapos ay pumunta ako sa walk-in-closet at dali-daling dumampot ng hoodie at jeans. Papalabas na sana ako nang makita ang aking phone sa sahig. Kinuha ko ito at nakitang on-going pa ang call namin ni Tita Carol.

"Tita, nandiyan pa ho ba kayo?" Tanong ko na kaagad niya ring sinagot.

"Oo, Iha."

"Nasaan po kayo ngayon?" Kinuha ko ang maliit kong bag at inilagay sa loob ang wallet at iba pang importanteng mga gamit. Tuluyan na akong lumabas ng kwarto at 'di na nagawang magpaalam pa kina Mommy at Daddy.

"Nasa St. Jude's Hospital kami ngayon. Dito siya dinala ng nakakita sa kanya. Dalian mo, Iha. Kanina ka pa niya hinahanap." Sagot niya.

"Papunta na po ako, Tita." Tumango-tangong sagot ko kahit hindi niya ako nakikita.

Binaba ko ang tawag at lumabas na sa bahay. Lumingon ako sa gilid, natagpuan ko si Mang Danny na mukhang kakatapos lang linisan ang kotse. Lakad-takbo ang ginawa ko upang makalapit sa kanya, mukhang narinig niya ang mga yabag ko dahil nilingon niya ang direksyon ko.

"Oh, Empress. Maaga ka yata. May pupuntahan ka? Tamang-tama, kakatapos ko lang dito." Saad ni Mang Danny at iniligpit ang mga gamit panglinis.

"Opo, Mang Danny." Tumango ako, "Sa St. Jude's Hospital po." Binukasan ko ang pinto ng sasakyan at pumasok na.

"Anong gagawin mo doon? May bibisitahin kang kaibigan?" Tanong nito pagkapasok niya sa kotse.

"Pupuntahan ko po si Bradley. Tita Carol called me earlier, nasaksak daw." Nag-alala kong sagot. Pinaandar ni Mang Danny ang kotse at tuluyan na kaming lumisan.

Kaya pala iba ang kutob ko kagabi. Tsk. Dapat talaga hindi ko ito binabalewala eh.

Habang nagb-biyahe kami papuntang hospital, 'di ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba. I know Bradley's alright. He's fine, and he was looking for me kaya alam kong hindi gaanong kalala ang nangyari sa kanya. Pero kahit na, ano bang nangyari at nasaksak siya?

Love And AffectionWhere stories live. Discover now