14

85 1 0
                                    


ANNE'S POV

Dalawang araw na ang makalipas matapos kaming pumunta ni Min Ho sa Korea. Wala kaming pasok ngayon kaya napag isipan kong pumunta mall para bumili ng lulutuin mamayang gabi.

Papalabas na ako ng bahay ng makarinig ako ng kaluskos kaya hinanap ko kung saan nanggaling iyon.

Napadpad na ako sa likod na parte ng bahay namin ngunit hindi ko parin mahanap kaya bumalik na ako sa harap para sumakay ng kotse.

Papalapit na ako sa kotse ng makita ko ang isang repleksyon ng babae na kamukha ko sa bintana ng sasakyan ko kaya napaharap ako.

"Surprise!"  Maikli niyang sabi at may hinampas sa akin at agad akong nawalan ng malay.





Nagising ako sa madilim na kwarto at mukha itong abandonado. Nilibot ko ang aking mga mata at doon ko nakita ang kamukhang kamukha kong babae.

"Hi?"  Awkward niyang sabi at ngumiti sa akin. Kinilabutan ako dahil sa ginawa niyang iyon.

"Si-sin-sino ka!?"  Tinapangan ko ang loob ko para tanungin iyon. Naglakad siya papalapit sa akin at tiningnan ako.

"Hi I'm Trina but Anne Marielle Kennocha Lee na mamaya" nagulat ako sa pag amin niyang iyon.

"Trina nababaliw kana ba?! Bat ka nagpapalit ng mukha? Anong problema mo? Please tama na to!"  Mahaba kong sabi ngunit tumawa lang siya. Hindi ko siya ma lapitan dahil nakagapos ang kamay at paa ko sa silya.

"3 hours left, susurpresahin kana naman ni Min Ho ng kasal pero d niya alam ako na pala ang pakakasalan niya"  masaya niyang sabi at umikot ikot pa na parang batang tuwang tuwa.

"Please tama na to Trina"  pagmamakaawa ko sakanya habang naiiyak na.

"Goodbye forever Anne"  huli niyang sabi at tumakbo na para lumabas. Naiwan ako dito sa kwartong abandonado na tanging siwang lang ng bintana ang nag mistulang ilaw.

"Tulong!!!!!!"  Malakas kong sigaw ilang beses akong sumigaw ng makarinig ako ng ungol.

"Hmmmm"  kilala ko ang boses na iyon.

"Shaina!?"  Sigaw ko. Hindi ko pa makita ang kanyang mukha base sa aking pandinig ay malayo siya sa akin.

"Anne?"  Tawag niya sa akin. Sumigaw ako at narinig kong pinilit niyang lumapit sa akin. Gaya ko ay nakatali rin siya.

"Sha ayokong ikasal si Trina sa asawa ko"  panimulang sabi ko habang umiiyak.

"Gaga wag kang umiyak ang panget mo"  mayabang niyang sabi. Maya maya ay eksperto niyang inangat ang paa niya at may nakatagong kutsilyo doon. Hiniwa niya ang mga tali para maputol iyon at agad na sinunod ang mga nakagapos sa akin.

"Kung tatanungin mo ako kung bakit hindi ko pa kanina ginawa to ang sagot don ay baka kasi kapag nalaman ni Trina na may plano ako baka paglayuin tayo"  pag explain ni Shaina habang naglalakad kami palabas.

"We only have 30 mins para maka punta sa simbahan"  anunsyo niya kaya naiyak ako.

Hindi pwede

"Min Ho"  bulong ko habang umaagos ang mga luha ko.

Vrooommmm!!!! Vroommmmm!!!!

Napabalikwas ako ng marinig ko iyon. Nakita ko si Shine na naka sakay na doon.

"Gaga hindi ka makakarating sa simbahan kung iiyak kalang diyan sakay na!"  Malakas niyang sabi kaya tumakbo ako at umangkas saka pinaharurot niya iyon.









































To be continued........

FINDING THE CEO'S LOST WIFE   •COMPLETED• (Flower Series #2)Where stories live. Discover now