8

107 2 0
                                    


ANNE'S POV

"Love paki kuha ng coat ko"  narinig kong sigaw ng asawa ko.

Dalawang linggo na ang makalipas ng ikasal kami ni Min Ho.

At

Ngayon rin ang unang araw ng pasukan ko.


"Wait love"  balik na sigaw ko at dali dali kong sinuot ang heels ko saka kinuha ang coat niya at agad na kumaripas ng takbo.

Kung itatanong niyo kung may nangyari ba.

Hehe


Ano bang inexpect niyo? Marupok akong babae.


"Ihahatid kita and susunduin malinaw?"  Ma awtoridad niyang sabi sabay halik sa noo ko.

"Yes my love"  malambing kong tugon at niyakap siya.

Pinagbuksan niya ako ng kotse at sinuotan ng seatbelt at pumunta na rin sa pwesto niya. Maya maya ay pina andar niya na ito at pinaharurot na para makapunta sa aming destinasyon.


Grade 12 na ako TVL student ako ng Colegio De San Jose.

Pagkababa ko ng kotse ay naglakad na ako papunta sa classroom ko. Itinago ko ng maigi ang cellphone ko bawal kasi dito ang cellphone kapag nahuli kang gumagamit eh lagot ka.

"Oh em ge!!!!! Anneeeee!!!!"  Napabalikwas ako ng marinig ko ang boses ni Stephany, close friend ko.

"Grabe yung kasal niyo ha nasa diyaryo "  tukso sa akin ni Steph kaya natawa ako.

"Naku si Min Ho kasi gusto raw ipaglandakan na asawa niya ako"  tugon ko sakanya habang naglalakad kami papasok ng classroom.

"Eh Anne Marielle Kennocha Lee kanaba?"  Tanong niya

"Hmmm mmm"  nakangiti kong tugon kaya sinindot sindot niya ang tagiliran ko. Maya maya ay nandoon na ang subject teacher namin para mag turo ng mga talakayin kaya nakinig na kami.



BREAKTIME

"Ayyy!!! May papi sa baba!!!!"  Narinig kong sigaw ng schoolmate kong bakla ngunit abala ako sa pagsusulat kaya binalewala ko iyon.

"Ay shocks! Gwapo ngiti palang ulam na"  narinig kong sabi ng isang babae.

Mas gwapo ang asawa ko


Nagulat ako ng may umupo sa harap ko kaya dahan dahan kong iniangat ang tingin ko.

"Hi love"  bati niya na may napakatamis na ngiti.

"Love!"  Gulat kong sabi kaya natawa siya

"Dinalhan kita ng snacks at lunch don't worry nagpaalam ako na aakyat ako dito sa classroom niyo. May meeting kasi ako maya maya"  sabi ni Min Ho habang tinatali ang nakalugay na buhok ko.

"Anne siya ba ang asawa mo?" Tanong ng babae kong kaklase. Tanging tango lang ang naisagot ko sakanila at saka ngumiti

"Hintayin mo ako ha? Susunduin kita" masaya niyang sabi at hinalikan ako sa noo sak nagpa alam na.

Ngiti ngiti akong nagsusulat habang kinakain ang tuna sandwich na gawa niya.



LUNCHTIME

"Hay sanaol may taga hatid ng lunch"  parinig ni Stephany sa akin kaya natawa ako.

"Naku d ko ito mauubos share tayo"  masaya kong alok sakanya at pinagsaluhan namin iyon.

"Anne masaya ba ang may asawa?"  Tanong sa akin ni Stephany habang kumakain ng kimchi.

"Sobrang saya! Kapag minumulat ko ang mata ko tuwing umaga ay siya ang nakikita ko. Kasama ko rin siya sa saya,hirap,lungkot, at ginhawa"  tugon ko kay Stephany at tiningnan siya saka ngumiti.








Nasa waiting shed ako ngayon naghihintay Min Ho. Susunduin niya raw kasi ako kaya nag hintay ako rito.

Maya maya pa ay na aninag ko ang sasakyan ni Min Ho kay kumaway ako. Ipinarada niya iyon sa harap ko at agad siyang lumabas na may dalang bouquet ng tulips.

"Flowers for my beautiful wife"  masaya niyang sabi at binigay ang bulaklak sa akin.

"If your mind is aking why tulips because our relationship is perfect, and my love for you is deep"  pagpapaliwanag niya sa akin saka hinalikan ang kamay ko.

Pumasok na ako sa kotse ng mapansin ko ang amoy na iyon.

"Love?" Tawag ko sakanya

"Yes love?"  Tugon niya.



"Bakit amoy pabango ng babae ang sasakyan mo?"



























To be continued......

FINDING THE CEO'S LOST WIFE   •COMPLETED• (Flower Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon