6

125 5 0
                                    


ANNE'S POV

Pagkatapos akong kausapin ng dalawang reporter ay naupo ako sa maliit na silya na kaharap ay ang napaka lawak na dagat. Nagulat nalang kami ng binaha kami ng sobra sobra buti ay nasagip namin ang iba naming mga kapit bahay ngunit ang iba ay hindi na.

"May papaparating na yate!!!!!" Nagulat ako sa boses ng lalaki kaya napatingin ako sa dagat. Halos marinig ko ang tibok ng puso ko habang papalapit na sila nakita ko ang mga kaibigan kong umiiyak kaya napa luha ako ng wala sa oras.

"Anne!!!!!!" Sigaw ni Shaina at tumakbo sa akin saka niyakap ako ng sobrang higpit sumunod rin sakanya si Joy at si Kalila na umiiyak na rin. Hindi ko alam at hindi ko maipaliwanag kung gaano ako ngayon kasaya.

"Min Ho" pag banggit ko sa pangalan niya at tumakbo ako sakanya saka niyakap siya ng mahigpit.

"I miss you so much" umiiyak niyang sabi habang nakayakap sa akin.

"Si Trina?" Hindi ko maitago ang takot sa boses ko ng maalala ko ang babaeng iyon.

"Nakakulong na siya wala ng mangyayaring masama" pagkausap sa akin ni Min Ho at hinalikan ang noo ko.

"I love you Anne please marry me" nagulat ako sa mga sinabi niya.

Sa bawat oras na hindi ko siya nakikita ay alam ko na sa sarili ko na may namumuo ng pagmamahal dito sa puso ko.

"Mahal mo ako?" Paninigurado ko sakanya. Tanging tango lang ang isinagot niya sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Let's fix this things muna. Gusto kong mapatayuan ng mga disenteng bahay ang mga naninirahan dito at mabigyan sila ng maayos na buhay" sabi ko kay Min Ho

"I'll call Trevon siya na ang bahala sa lahat." Kaswal niyang sabi at kinuha ang cellphone saka nagtipa doon.

"Goddd Anne ang laki ng ipinayat mo" hindi makapaniwalang sabi ni Joy

"Naku na miss niyo lang ako" pagbibiro ko sakanila

"Alam mo bang postponed ang kasal ni Kalila at Kyla dahil hindi kapa nakikita? Ganon ka namin ka mahal halos masuyod na ni Min Ho ang buong Pilipinas para mahanap kalang halos d na makatulog yang soon to be husband mo" mahabang sabi ni Shaina sa akin kaya napangiti ako.

Nagulat nalang kami ng dumating ang ibang tauhan ni Min Ho na may mga dalang pagkain para sa mga tao may mga nagbigay rin ng mga damit at kumot. Pansamantala silang mamalagi raw sa covered gym aasikasuhin raw ang paglipat nila sa kalapit naming subdivision at si Min Ho na raw at ang mga kasama niya ang bahala doon.

"Anne?" Pagtawag sa akin ni Min Ho. Narito na kami ngayon naka sakay sa yate at nakasandal ako sa kanyang balikat sabay naming tintingnan ang mga bituin sa kalangitan.

"Hmmm?" Tamad kong tugon

"Pakasal tayo bukas ha?" Malambing niyang sabi kaya napangiti ako dahil doon.

"Mukhang malakas tama mo sa akin ah" biro kong sabi sakanya

Tiningnan niya ako mata sa mata nagulat nalang ako ng may tumulong mga luha kaya pinunasan ko iyon.

"Hindi ko na kayang mawala kapa" seryoso niyang sabi kaya naiyak ako.

"I love you soon to be Mrs. Lee" malambing niyang sabi at siniil ako ng halik.

"I love you too Mr. Lee" tugon ko ng magkahiwalay ang aming mga labi.















To be continued......

FINDING THE CEO'S LOST WIFE   •COMPLETED• (Flower Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon