1

307 6 0
                                    


ANNE'S POV

"1 cheesy mushroom pizza 2 Kalila bomb pizza and 3 cucumber melon juice yan na po lahat sir?" This is a busy day. Tanging tango lang ang tinugon ng lalakeng customer na nasa harap ko.

"2,359 sir" masaya kong sabi.

I'm Anne Marielle Kennocha Zamora owner of Anne's Pizza Shop.

Ibinigay ko na sa isang assistant ang order at pumunta muna sa aking pwesto para sagutin ang tawag na nagmula sa telepono.

"Hi Anne's Pizza Shop how may I help you?" Maganda at kaswal kong bungad.

"Hi this is from Lee's Company my boss says na gusto niya raw maka tikim ng pizza niyo" sagot ng babae sa kabilang linya.

May katabi kasi kaming kompanya na sobrang laki hindi naman literal na magkatabi. Ang bali balita raw ay napaka strikto at seryoso ng may ari nun. Siguro ay 80 pataas na o kaya ay byudo na.

"Oh sige mam padadalhan ko po kayo diyan ng mga specialty ng shops." Masaya kong sabi. Binaba ko na rin ang telepono at naghanda ng dadalhin ko sa kompanya.

"Cassey ikaw muna bahala dito ha ihahatid ko lang itong order ng Lee's Company" pagpapaliwanag ko.

"Sige po boss areglado" masaya niyang sabi saka nginitian ako.

Naglalakad ako ngayon papunta sa kompanyang iyon. Tagaktak ang pawis ko.

Dinadama ko rin ang simoy ng hangin habang naglalakad papikit pikit pa ako at kumakanta pa.

"Iwww kala mo kagandahan boses" narinig kong sabi kaya napamulat ako ng mga mata ko. Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Iwwww kala mo kagandahan yung mukha kung manlait" maarte kong sabi then I flipped my hair saka nag lakad.

"Hi good morning from Anne's Pizza Shop po" kaswal kong sabi sa mga guard. Maya maya ay pinapasok rin ako.

Nalula ako dahil sa ganda ng loob nito. Matte black iyon at may mga ginto rin.

"Hi you must be the delivery girl" maarteng sabi ng babae saka tumalikod. Sinundan kunaman siya kung saan siya pumunta.

Kala mo maganda

Daig pa rainbow dahil sa kulay niya sa mukha.

"Pasok!" Ma awtoridad niyang sabi kaya pumasok ako.

Napakaganda rin ng opisinang ito. Tumungo ako sa mesang malaki at doon ko nakita kung sinong nagmamay ari non.

"Lee Min Ho, CEO" pagbasa ko doon.

"Naku ang gwapo ng pangalan siguro ay byudo nato. May asawa kaya ang matandang hukluban na ito?" Tanong ko sa aking sarili habang tinitingnan ang parihabang gamit na iyon.

"Ehem!" Napabalikwas ako ng marinig ko iyon.

"Hi ikaw siguro ang janitor. Sige mag linis ka muna. Ang tagal kasi ng CEO niyo siguro ay ugod ugod na yung maglakad" sabi ko habang naka upo sa upuan.

LEE MIN HO'S POV

Tiningnan ko ang babaeng ito na nasa opisina ko. I'm craving for pizza right now!!!

Napagkamalan pa akong janitor!?

"Who are you?" Seryoso kong tanong sa babaeng ito.

"I'm Anne Marielle Kennocha Zamora owner ako ng Anne's Pizza Shop nagpa deliver kasi dito yung babae tapos may sinundan akong rainbow na babae tapos iniwan ako dito. Tawagin mo nga yung CEO niyo jusko ang tagal niya nanggigigil na ako." Inis niyang sabi habang pinapahiran ang pawis niya. Natawa ako sa inasta niya siguro ay hindi niya alam na ako ang may ari ng kompanyang ito.

"Where's the pizza?" Tanong ko. Agad niya naman nilagay iyon sa mesa ko kaya binuksan ko iyon at kinain.

"Hoy gago! Kahit gwapo ka wala kang karapatan na kainin ang hindi sa iyo" bigla niyang sabi kaya binitawan ko ang isang slice ng pizza at tumingin sa kanya.

"Alam mo ba kung sino ako?" Seryoso kong sabi sakanya.

"Oo , ikaw yung janitor dito bakit may angal ka?" Maangas niyang tugon.

Naalala ko sakanya yung napapanaginipan kong babae noong na coma ako.

Nangako akong papakasalan ko siya.

"I am Lee Min Ho" pagpapakilala ko ngunit natawa siya ng sobrang lakas.

"Hahahahahahahahahahaha grabe yang saltik mo ha sige sabihin munalang sa CEO niyo na utang yun babush!" Mabilis niyang sabi saka umalis.

"Fuck! Bat ayaw niyang maniwala?" Tanong ko sa sarili ko habang kumakagat ng pizza. Naalala kunaman ang mukha ng babaeng iyon.

Palagi ko itong nakikita noong nagka coma ako. Anim na buwan akong nagka coma dahil sa aksidenteng natamo ko. Mula noong nagising ako ay sinuyod ko na ang buong mundo para mahanap ang babaeng nakikita ko noong mangyari sa akin iyon.

"Ikaw na ba iyon Anne?" Tanong ko sa sarili.























To be continued.....

FINDING THE CEO'S LOST WIFE   •COMPLETED• (Flower Series #2)Where stories live. Discover now