5

127 4 0
                                    


LEE MIN HO'S POV

"Siquijor"  pagbasa ko sa papel na sinulatan ko at nilagyan ng ekis ang lugar na iyon.

Saan nga ba kita makikita Anne?

Bakit napaka ilap ng panahon?

Bumalik ako sa reyalidad ng makatanggap ako ng tawag.

"Hi Shaina"  bungad ko.

"Confirmed" maikli niyang sabi na ikinagulat ko.







TRINA'S POV

Nasa mini bar kami ngayon ng kaibigan kong si Ameliah.

"Cheers!"  Masaya kong sabi at ininom ang laman ng baso ko.

"So how's your plan?" Pagtanong ni Ameliah kaya natawa ako at nagsalin ulit ng inumin.

"Well it goes smoothly. Akala ko ay mahihirapan ako sa pag kidnap sa kanya noong ikakasal na sana siya ngunit hindi naman pala. Asang asa sila na makikita nila si Anne pero pakiramdam ko ay hindi na mangyayari iyon. Siguro ay patay na siya dahil sa pagbaril ko sakanya"  mahaba kong pagsasalita at ininom ang sinalin kong alak.

"Nag propose naba si Min Ho sayo?"  Tanong niya kaya napa isip rim ako.

"Siguro soon, kung marerealize niyang hindi na talaga babalik si Anne at hindinh hindi niya na ito makikita pa."  Masaya kong sabi at uminom ulit.

Napakaganda ng planong ito.


Gabi na ako ng makauwi sa bahay nina Min Ho may kaunting liwanag sa labas kaya alam ko parin kong saan ang dapat kong lakaran. Pa gewang gewang na akong nag lakad ng maabot ko ang door knob ng pinto.

Pagka bukas ko ng pinto ay laking gulat ng may humarang sa aking limang pulis.

"Inaaresto ka po namin Trina Montelayo sa salang kidnapping"  maikling sabi ng pulis at agad akong pinosasan.

"No! What's happening Min Ho!"  Tawag ko sa pangalan niya. Nagulat ako ng may itinaas siyang cellphone at plinay ang recording na iyon.

Well it goes smoothly. Akala ko ay mahihirapan ako sa pag kidnap sa kanya noong ikakasal na sana siya ngunit hindi naman pala. Asang asa sila na makikita nila si Anne pero pakiramdam ko ay hindi na mangyayari iyon. Siguro ay patay na siya dahil sa pagbaril ko

"No that's not me!"   Sigaw kong sabi ngunit lumapit sa akin ang babaeng nagngangalang Shaina at Kalila at binigyan ako ng mag asawang sampal.

"Sa oras na malaman namin kung nasaan si Anne at may masamang nangyari sakanya bibigyan kita ng free taste ng impyerno"  banta sa akin ni Shaina.

Tumawa ako ng sobrang lakas kaya nagulat sila.

"Makikita mo pa ba siya?"  Tanong ko sakanila. Dinala na ako ng mga pulis at sinakay sa kanilang sasakyan.









LEE MIN HO'S POV

"Thank you so much Shaina kung hindi dahil sa iyo ay d natin malalaman kong sino ba talaga ang salarin"  pagpapasalamat ko sakanya. Pina andar naman ni Joy ang telebisyon at saktong napunta iyon sa channel ng mga balita.

"Lugar ng Siquijor binaha lima patay walo sugatan!" Pagbasa ni Kalila sa headline.

"Pumunta ako kanina diyan para hanapin si Anne"  pagsasabi ko sakanila. Nagulat nalang kami ng umiyak si Kalila.

"Miss na miss ko na siya. Alam niya bang hindi natuloy ang kasal namin dahil wala siya"  pag iyak niya. Pumunta da tabi niya si Joy at niyakap siya.


"Kausapin natin ang isang residente dito sa Brgy. Malinis ito po si Anne Marielle Kennocha Zamora"  napatingin kaming lahat sa screen ng telebisyon.

"Anne"  mahina kong sabi at lumapit sa screen ng telebisyon.

Ang laki ng ipinayat niya. Humaba na rin ng sobra sobra ang buhok niya.

Walang nag bago

Mas lumala ang pagmamahal ko sakanya.

Hindi ko na namalayang tumutulo na ang mga luha ko.

Narinig ko ang mga hikbi ng kanyang mga kaibigan sa likod ko.



"Lee Min Ho"  tanging banggit ni Anne at umiyak.  Wala na akong pinalampas na oras. Kinuha ko ang mga gamit ko at pumunta sa kotse ko sumunod rin sa akin ang mga kaibigan niya.



"Thank God"  masaya kong sabi at agad na pinaharurot ang sasakyan ko.


























To be continued........

FINDING THE CEO'S LOST WIFE   •COMPLETED• (Flower Series #2)Where stories live. Discover now