-18- All Of A Sudden

73.9K 2.3K 300
                                    

***18***

Para akong tangang nakamasid sa kanya mula sa ikaapat na palapag ng College of Arts and Science. Simula nung makilala ko siya, hindi ko namalayan na nagiging habit ko na ang pagpunta dito. Dahil lang kay Yasmin.

Isang Linggo na ang nakalipas noong aksidente kong nalaman na gusto niya pala ako. Aksidente nga ba iyong maituturing? Hindi ko dapat kinuha ang papel na 'yon. Darn, mas lalo tuloy nagugulo ang isip ko.

With my clasped hands, I continued watching her as she laughed along with her friends. Naiinis ako sa sarili ko. Halos mabaliw na ako kakaisip sa kanya pero siya naman itong mukha namang walang pakielam. Of course, she doesn't give a darn about it. Hindi naman niya alam na alam ko nang may gusto siya sa akin.

Napabuga ako sa hangin at iniyuko ang ulo ko. Nakakairita. Natutuliro na ako. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin gayung wala naman siyang ideya sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Mas mabuti na rin na pinili kong iwasan muna siya. Gusto kong mag-isip muna.

"Yow, dude! Ba't nag-iisa ka dito?"

Nilingon ko ang nagsalita. Nakita kong naglalakad palapit sa akin si Arthur habang nakapamulsa ang kaliwa niyang kamay.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko't ibinalik na naman ang tingin ko sa ibaba. Kay Yasmin.

"Nakita kita mula sa ibaba. Wala akong magawa kaya pinuntahan kita dito." Tumabi siya sa akin at sinundan ng tingin ang tinitignan ko. "Tss, sabi na e. Yun ba 'yung Yasmin? 'Yung mahaba ang buhok?"

"'Yung nakatali ang buhok."

"I see. Laki nang pinagbago. Chicks na ah," komento niya at automatikong bumaling ang tingin ko sa kanya. Tumawa naman siya at bahagyang tinapik pa ang balikat ko. Tss. "Masusugatan ako ng tingin mo, Alexander. Biro lang 'yon."

Hindi na ako nagsalitang muli. Wala ako sa mood makipagkwentuhan sa kanya.

"Alex, kaya kita pinuntahan dito kasi mukha kang tanga mula sa ibaba. Kitang-kita ka kayang dumudungaw dito. Ba't ayaw mong lapitan?"

"Tss." Inalis ko ang tingin ko at tinalikuran ang railings. Sumandal ako at ipinagkrus ang mga braso ko sa dibdib ko. Inaamin ko, napahiya ako sa sinabi niyang yun. Mukha ba talaga akong tanga dito?

"Lapitan mo na. Gusto mo rin e."

Tinignan ko siya ng masama. "Nagpapalipas lang ako ng oras dito, Arthur. Nagkataon lang na nandyan siya nakapwesto kaya akala mo eh tinitignan ko siya."

"Pucha, tantanan mo nga ako sa palusot mong 'yan, De Silva," natatawang niyang sagot na siyang nagpasama lalo ng tingin ko sa kanya. "Sa edad nating 'to, nagpapatweetums ka pa?"

"G*go."

"At saka sa lahat ng building, dito ka pa talaga laging nagpapalipas ng oras ah! Whoa, nandun ang building natin, Alex." Tumuro pa siya sa bandang kaliwa namin. "Baka nakakalimutan mo, hindi natin building ito. Araw-araw ka nalang nandito at 'wag mong i-deny dahil lagi kitang nakikita ka."

I glared at him before I glanced back again on the ground floor. But I frowned when Yasmin was not there anymore.

"Ayun oh, nagtapon lang ng basura. Kalma, dude." Arthur tapped my shoulder that made my irritation rise up.

"Arthur, tantanan mo nga muna ako."

Ngumiti lang siya sa akin ng nakakaloko habang umiiling-iling pa. "Halata naman kasing may gusto ka sa kanya e. Ba't mo pa pinapahirapan ang sarili mo? 'Wag mong sabihing natotorpe ka?"

"Hindi ako natotorpe. Naguguluhan pa lang ako," mabilis kong sagot.

"Naguguluhan saan?"

Umupo ako sa sahig at isinandal ang likod ko sa pader. Napasapo ako sa noo ko at alam kong ramdam ni Arthur na nafufrustrate ako.

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon