-15- Favor

87.2K 2.3K 300
                                    

-15- FAVOR

"Sure!"

Napahinga ako ng maluwag sa isinagot sa akin ni Carlene. I asked her out to have a coffee with me in this late evening. Sa isang coffee shop malapit sa kanila ko siya dinala at kahit na disi-oras na ng gabi ay pumayag naman siyang sumama sa akin.

"Thank you," I replied with a smile before I sipped through my cafe' latte'.

"Dati ko pa nga silang pine-pair up e. I just stopped when I found out that, you know, Blue is into me."

"Pa'no mo matutulungan si Yasmin?"

I asked her to become the bridge for Yasmin and Blue. Seeing Yasmin's smile after Blue threw concerns on her made me think of going on with this decision. Kung dati ay gusto kong gisingin sa kahibangan si Yasmin, ngayon ay nagbago na ang ikot ng mundo. Just like what I've thought back in Tagaytay-- 'consider it done, Yasmin.'

"I know Blue very well. Alam ko 'yung mga gusto't ayaw niya sa isang babae. I could make Yasmin his ideal type. I'll start it with her transformation," she said with her voice full of enjoyment. "Perhaps, I will play the role of a fairy godmother to her."

Akala ko ay magiging mahirap na hingian ng pabor si Carlene lalo na't involved dito si Blue. Pero mukhang magiging enjoy pa siya sa gagawin niya. Napahinga ako ng maluwag. Good thing it is.

"Kaunting ayos lang sa kanya, tapos 'yung proper etiquette at way of speaking niya, magiging successful din tayo." Huminto siya at humilig sa mesa kaharap ko. "Pero Alex, bakit mo 'to gustong gawin?"

Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro, gusto ko lang talagang maging tunay na masaya na si Yasmin.

"Dahil kaibigan niya ako and I just want her to be happy," I answered straight into her eyes.

"I see," she smiled as she nodded her head. "Akala ko, may gusto ka sa kanya."

"Ako? May gusto sa kanya?" Is she insane?

"Oo, hindi ba?"

Naningkit ang mga mata ko sa tanong niya. Si Yasmin? Gusto ko? Okay, siguro oo, gusto ko siya pero hindi bilang babae. Hinahangaan ko siya bilang tao dahil matapang siya.

"She's my friend. 'Yun lang 'yon," mariin na sagot ko at ngumiti siya sa akin ng nakakaloko. "Carlene, parang kapatid nalang ang tingin ko sa kanya."

"Talaga ba?"

Huminga ako ng malalim at napailing nalang ng ulo sa kakulitan niya. Kaibigan ko lang talaga si Yasmin. Yun lang yun. Siya na nga rin naman ang nagsabi na hindi niya ako magugustuhan. Saan pa patungo ito? Syempre hanggang pagiging 'kaibigan' lang.

"Okay, chill. Anyways, back to the topic, naeexcite ako sa role ko sa kanya. I can't believe we'll be friends again. Kailan ako magsisimula?"

"When do you want?"

"Bukas!" She clapped her hands in excitement while giggling like a kid. Napangiti nalang ako sa ginawa niyang iyon. Mukhang magiging madali lang para sa amin ito. "Pero, Alex..."

"Hmm?"

"Should we tell Yasmin about this plan?"

Sumandal ako sa backrest ng inuupuan ko bago ako umiling. No, she shouldn't know about it. "It's gonna be a secret for the both of us, Carlene."

"Okay," she bit her lip while nodding her head. "Kung sabagay, baka maging conflict kapag nalaman niya. She will feel manipulated by us to think na friends niya tayo."

I smiled mentally at her assumption. No, it's not that she'll get mad by that. Ang akin lang, ilang beses ko siyang pinangaralan na tigilan na si Blue pero ano 'tong ako pa ang tumutulong sa kanya para mapalapit silang dalawa ngayon?

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon