-17-

140K 2.8K 135
                                    

***17***


February na. Ang bilis ng panahon. 6 months going 7 na kami ni Fatima as a couple. We're very happy together. Syempre, normal lang sa magkarelasyon ang away. Pero, sa aming dalawa, hindi namin pinapatapos ang isang araw na hindi kami nagkakabati. We also had our dates every month. Once a month lang naman cinecelebrate ang monthsary diba? So yeah, we often go to mall para mamasyal kaming dalawa. Sa loob ng 6 months, I must say Fatima Grace influenced me a lot. Every Sunday, sinasama niya ako pag nagsisimba silang buong pamilya. She would scold me kapag mabilis uminit ang ulo ko sa mga taong nakapaligid sa amin. Being with Fatima is like having a therapy.


"Alex, anong oras na?" Tanong sa akin ni Fatima sabay inom niya sa malamig na bottled water na hawak niya.

Sinilip ko naman saglit ang QWERTY phone ko. Parehas kami ng phone ni Fatima. Actually, couple phone yung niregalo ko sa kanya nung first monthsary namin. "2:30PM."

She eyed me with her rounded eyes, "Halaaaa~ Kailangan pala nating pumunta sa Chelae's." She was talking about Chelae's boutique. "Susukatin ko kasi yung gown ko for the prom. Baka may aberya kasi. You know, the fittings and such."

Tumango-tango naman ako. Next week na kasi ang JS Prom kaya ipinag-aalala niya ang susuotin niyang gown. Actually, dun din ako nagpagawa ng Tux ko para well-partnered sa susuotin na gown ni Fatima.

"Tara, punta na tayo dun?"

She pouted and shook her head gently. "Paano yung booth natin? Nag-excuse lang tayo para magbreak tapos tatakasan natin? Unfair."

"Sus, dami nating kaklase dun. Hindi naman mawawalan ng tao dun."

Actually, ngayon ang Valentines Day. Kaya eto, busy ang buong school campus para sa isang malaking fair. Open to the public ito kaya maraming tao ang pumapasok. Sa section namin na-assign ang marriage booth. Yung iba naman, may radio jock kuno wherein pwede kang magrequest ng songs at idedicate sa crush or girlfriend/boyfriend nila, meron ding mini-carnival dito, at kung ano-ano pa at ang total na kikitain ay mapupunta sa good cause. Bale, free-day ng buong E.H.A ngayon kaya pwede kaming lumabas whenever we want to.

"Hmm, huwag na! Mamaya nalang hapon. 8PM pa naman magsasara yung boutique eh," hinawakan ako ni Fatima sa kamay ko. Naramdaman ko tuloy na sobrang lamig ng palad niya.

"Ang lamig naman ng kamay mo..."

She giggled, "Nagyeyelo pa yung mineral water eh."

"Ubuhin ka nyan eh." Tumingin ako sa paligid. Habang tumatagal, lalong dumadami ang mga outsiders. Meron pang mga taga-ibang schools. "Ano, tara na? Katamad naman dito eh."

"Babalik pa tayo?"

I eyed her, smiling. "Nah, after going to boutique, we'll go straight to the mall."

"Bakit?"

Napasimangot ako sabay bitaw sa kamay niya. "Hindi na kita nakakasama ng matagal. Paano naman kasi, bakit ka pa sumasali-sali sa cotillion na yan?"

Cotillion. Sumali siya dun para sa JS Prom. She's not a dancer-type pero sumali pa rin siya. Reason? Dahil, sinabihan siya ng adviser namin na mababa raw ang E.C.A grades niya (Extra Curricular Activities).

"Eh, alam mo naman na diba?" Nagpout pa siya. "Eh 'di dapat sumali ka rin, para tayo ang partner."

I gawked. "Hindi nga kasi ako marunong sumayaw. Tsk! Gagawin ko lang kahiya-hiya ang sarili ko sa Prom."

Bumungisngis na naman siya. "Madali lang naman yun eh! You don't have to sway your hips. Ako nga, paa lang ang ginagamit ko at pati syempre, kamay..."

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon