-21-

113K 2.5K 273
                                    

***21***

Buong summer vacation ay nasa tabi lang ako ni Fatima para alagaan siya. Lumuluwas naman ako ng Maynila once a week para umuwi sa amin pero bumabalik din ako agad. Sa sobrang pag-aalaga ko nga sa kanya ay parang ako na ang pumalit kay Yaya Vera eh. Pabor naman sa kanila yun kasi natututukan naman ang continous na pag-take ng meds ni Fatima.

Dalawang buwan din kaming nag-stay dun sa Tagaytay. Dahil sa bilis ng usad ng araw, hindi na namin namalayan na June na pala. At next week na ang umpisa ng klase. Tinawagan na nga ako ni Dad kagabi. He said that I was already enrolled in school and that I belong to the section one now. Parehas naman kami ni Fatima. Sabi kasi ng Mom niya ay mas mabuting sa section one din siya, para daw mas mahaba ang pahinga pag-dismissal. Sa E.H.A, hindi naman basehan ang grades para masali ka sa star section, kaya hindi na ako nagtaka kung bakit ako napunta dun. Medyo nadismaya lang ako kasi hindi ko na kaklase ang X10. Malamang sa malamang kasi ay mas gugustuhin pa nilang sa section two sila kesa sa section one.

Now we're back to Manila. Hindi muna kami dumiretso pauwi sa kanya-kanya naming bahay. Tita Janice wanted Fatima to be checked-up. Kanina lang ay nakuhanan na ng x-ray si Fatima at ngayon ay nasa loob kami ng clinic ni Dr. Jimenez. Needless to say, he is Dustin's uncle.

"Kamusta po ang condition ng anak ko?" Bungad ni Tita Janice sa doctor pagkaupo na pagkaupo sa swivel chair nito.

Nakatuon lang ang atensyon ko sa envelope na hawak niya. Instinctively, I reached for Fatima's hand. Tumingin naman siya sa akin at nginitian ako ng tipid.

"Good news, Mrs. Eugenio." Nilabas nito ang result ng x-ray mula sa envelope at iniharap niya ito sa amin. "As you notice, konti nalang ang bacteria na bumabalot sa lungs niya. Although, may natitira pang konti," pinaikot nito ang hintuturo niya sa parte ng baga na may konting puti. "Kailangan lang na ituloy-tuloy ang pag-inom ng gamot hanggang sa mawala ng tuluyan ang ubo niya."

Napangiti ako sa narinig kong magandang balita. Kitang-kita ko sa result na konti nalang ang bacteria sa right lung niya. Kumpara sa baga niya two months ago, mas mabuti-buti na ang condition nito.

"I advice you not to exhaust yourself, Fatima. Higit sa lahat, huwag na huwag kang magpapatuyo ng pawis sa likod. Huwag na huwag ka ring maligo kapag basa ng pawis ang likod mo." Nakangiting sabi ni Dr. Jimenez kay Fatima.

"I will po," she replied with a smile. "Hanggang kailan ko po iinumin ang gamot?"

"Hmm, dapat regular kang magpa-check up para sa ganun, dun mo malalaman kung kailan ka mag-i-stop sa pagtake ng meds mo."

We went out of the clinic with a small smile on our lips. Buti nalang ay gumaling na ang condition ni Fatima. Hindi pa nga lang siya talagang magaling, pero mabuti na rin yun... That only means na unti-unting nawawala ang bacteria sa lungs niya. Hindi naman kasi ganun-ganun nalang mawawala yun eh.

Naglalakad kami nina Tita Janice, Yaya Ana, at Fatima sa hallway nang hospital nang makasalubong namin si Toffer. Anong ginagawa nito dito?

"Oy, bakit ka nandito?" Tumigil ako sa paglalakad tapos humarap ako kina Tita Janice na ngayon ay nakahinto rin. "Tita, excuse lang po."

"Sige lang, una na kami sa parking lot."

Tumango naman si Fatima. "Mama, may pupuntahan po pala kami ni Alex. Mauna nalang po kayong umuwi."

"Saan?"

"Mall po..."

Nagpaalam na rin agad sina Tita Janice at Yaya Ana. Buti nalang ay pumayag si Tita Janice na sumama sa akin si Fatima. Sinabi ko kasi sa kanya kanina na gusto siyang makilala ni Ate Alexa. Hindi naman dapat ngayong araw sila magkikita eh kaso masyadong excited itong si Fatima. Naikwento ko kasi sa kanya na mabait ang Ate ko kaya naging interesado siya.

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon