Nagkatinginan silang dalawa at may binulong ang isa. Napatango naman ang kasama niya at pinagbuksan ako ng gate.

"Pumasok na po kayo. Kanina pa kayo hinihintay ng kamahalan," saad ng kawal. Sa una ay nagtaka ako ngunit kalaunan ay naglakad nalang ako papasok.

Sinalubong ako ng mga kagamitang napapalamutian ng pilak at ginto pagpasok ko sa loob ng palasyo. Halos kasing-lawak lamang ito ng palasyo ng Winzellia ngunit ang atmospera sa loob ay ibang-iba.

Pinapasok ako sa isang bulwagan. Nakapagtataka lamang dahil iisa lang ang trono rito. Karaniwan kasi ay may isa pang nakalaan para sa reyna.

Nakaupo ang hari sa trono sa gitna ng bulwagan habang nakatalikod mula sa akin ang taong kausap niya. Tumayo ito nang mapansin ang presensya ko. Ngunit napaatras ako nang humarap sa akin ang kasama niya.

Ngumisi si Vincent at naglakad papalapit sa akin. Umatras naman ako hanggang sa mapasandal ako sa isang poste. Inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko at bumulong.

"Paano ba 'yan? Naunahan na kita."

* * *

Naalimpungatan ako dahil sa malamig na sahig na humahalik sa aking balat. Bumangon ako habang hawak ang noo sapagkat masakit pa rin ito mula pagkagising.

Ano ba ang nangyari?

Nanlaki ang mata ko nang makita ang rehas sa harap ko imbis na isang pinto. Agad ko itong pinuntahan at niyugyog.

"Hey, may tao ba dya'n? Pakawalan niyo ako dito," sigaw ko habang sinisilip ang pasilyo sa labas ngunit walang katao-tao.

Pilit kong inalala ang nangyari. The last thing I remember is Vincent whispering something in my ears then something hard hit my head.

"Tulong! Pakawalan niyo ako," sigaw ko habang niyuyugyog ang rehas at nagbabakasakaling mabuksan ito. Heck, anong ginagawa ni Vincent sa Kizea?

"Huwag ka ngang maingay dyaan. Walang makakarinig sa'yo sa labas. At kung mayroon man, paniguradong hindi ka nila tutulungan."

Inilibot ko ng tingin ang paligid upang hanapin ang boses ng babae. Ngayon ko lang napansin na may kasama pala ako sa madilim na kulungang ito.

She's leaning on the wall opposite of my direction. She has a crimson curly hair that you can still clearly see even in the dark. Her porcelain skin is wounded but her bluebell eyes look at me as if I am more pathetic.

Her eyes are blue but as I stare longer in it, I can see nothing but voidness. A dark matter under a pair of blue galaxian orbs, how ironic. She closed her eyes as if tired of looking at my pathetic cowardness.

"S-Sino ka?"

She opened her eyes and looked at the ceiling as if thinking of an answer in a mathematical equation. Napakunot naman ang noo ko. I only asked her for her name.

"What name should I tell you? I have used a dozen of names. Hmm... maybe, you can just call me Lorraine. And you are?" she said and gave me a half smile. But that smile looks like nothing but a forced curve in her lips.

"Eerah."

Bumalik ako sa pagsilip mula sa rehas sa pagbabaka-sakaling may dadaang kahit sino. Narinig ko siyang mahinang tumatawa kaya napatingin ako sa kanya.

She looks at me as if examining my whole self. "Your skin is so fair like it was always bathed in moisturizing milk. You look like a royal girl. So, tell me. What an outsider royal like you doing in a kingdom like Kizea?"

"I... I want to form an alliance with the Kizea against the dark kingdom."

Napakunot ang noo ko nang bigla siyang tumawa. Kibit-balikat akong naghintay hanggang sa mapagod siya kaka-tawa.

Ever AfterWhere stories live. Discover now