Napatigil ako sa ginagawa ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at bumungad si Chase sa harap ko. Hindi pa ako nakakapag salita ng bigla siyang may hinagis na brown envelope sa harap ko.

Napatingin ako sa envelope na nasa sahig tsaka ko binalik ang tingin ko kay Chase.

"Open it and see it for yourself." malamig na bungad niya sa'kin.

Hindi ko pa napupulot ang envelope ng may biglang humatak sa buhok ko.

"You woman! You're a cheater!" Galit na galit na salubong sa'kin ng mama ni Chase.

Sinubukan nilang awatin pero hindi niya pa rin binibitawan ang buhok ko.

"Ilang buwan palang kayong kasal ng anak ko pero niloloko mo na siya! Ano bang ginawa niya sa'yo para ganituhin mo siya!? Ano bang kasalanan ng anak ko sa'yo!" Pagsigaw niya sa'kin.

Binitawan niya ang buhok ko at nanatili siyang nakatayo sa harap ko. Magsasalita na sana ako pero isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko.

"That's not enough for what you've done." malamig na sabi niya sa'kin at tuluyang umalis sa harap ko.

Dahan-dahan akong  lumingon sa kanila at nakita ko ang malamig na tingin sa'kin ni Chase. Nabaling ang atensyon ko sa brown envelope na nasa sahig kaya dahan-dahan ko 'yong pinulot at binuksan.

Halos manlamig ang buong katawan ko ng makita ang nilalaman ng brown envelope.

This is can't be..

Muli akong napatingin sa pamilya ni Chase na nakatitig lang sa'kin at binalik ko ang tingin ko sa mga litratong hawak ko.

"K-kanino galing 'to?" Halos mautal-utal kong tanong sa kanila.

"Hindi na importante kung kanino galing. Ang mahalaga lang dito ay ang katotohanan." malamig na sagot sa'kin ni Chase.

Mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan ang dalawang kamay niya pero binitawan niya ito agad.

"Chase, please listen to me, let me explain." naiiyak kong sagot sa kanya.

"Explain? So that is true?" Seryosong tanong niya sa'kin.

"Ipapaliwanag ko sa'yo lahat mula sa umpisa, please pakinggan mo ak-" napatigil ako sa sasabihin ko ng bigla niyang kinuha ang envelope at ang mga litrato at binato yun.

"Ano pa bang ipapaliwanag mo dito!? Ano pa ba ang dapat kong marinig galing sa'yo!?" Pagsigaw niya sa harap ko.

"Hayaan mo muna akong magpaliwanag, please.." Pagmamakaawa ko sa kanya habang nakaluhod sa harap niya.

"Sapat na 'yang mga litratong yan para paalisin kita rito sa pamamahay ko." walang emosyon niyang sagot.

Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa kanya at nakatingin lang siya sa labas ng bintana.

"Tumayo ka diyan at kunin mo na lahat ng gamit mo at umalis ka dito sa bahay ko." wala pa ring emosyon na dagdag niya.

"Please, don't do this to me. Let me explain." pagmamakaawa ko sa kanya.

"Aalis ka ng kusa o kakaladkarin kita palabas."

Sandali pa akong nakaluhod sa harap niya at patuloy pa rin sa pag-iyak. Bigla nalang akong napaangat ng tingin ng maglakad ang nanay niya papasok sa cabinet ko para kunin ang mga gamit ko kasabay nun ay ang paghawak ni Chase sa braso ko at kinaladkad ako palabas.

Sinubukan siyang awatin ng papa niya at ng ate niya pero hindi siya nagpapigil.

"Hey Nicholas, bitawan mo si Athena, nasasaktan siya!" Pagsigaw ng Ate niya pero hindi siya nakinig.

Dali-dali niyang binuksan ang gate at tinulak ako papalabas dahilan para matumba ako. Kasabay ng pagbagsak ko sa semento ay ang paghagis sa'kin ng mga damit ko.

"Leave, don't you dare to come back again because from now on I don't wanna see your face anymore." huling sabi niya bago niya isara ang gate.

Sinubukan akong lapitan ng ate niya pero pinigilan siya ng mama niya. Nang tuluyan nilang masara ang gate ay naiwan akong mag-isa rito sa labas.

Nilabas ko ang telepono ko at una kong tinawagan si Nathalia.

{Hello? Athena? Napatawag ka.} bungad niya sa kabilang linya.

"P-pwede mo ba akong s-sunduin." naiiyak na sagot ko sa kanya.

{Teka, umiiyak ka ba? Anong nangyari? Nasaan ka?}  Sunod-sunod na tanong niya.

"Pinalayas ako ni Chase." naiiyak ko pa ring sagot sa kanya.

{Ano? Bakit?} Nag-aalala niyang tanong.

"Tsaka ko nalang sasabihin sa'yo, pwede mo ba akong sunduin ngayon?" Halos mautal-utal kong tanong sa kanya.

{Sige sige, hintayin mo ako diyan, papunta na ako.}

Agad niyang binaba ang tawag kaya nanatili akong nakaupo sa gilid habang yakap-yakap ang sarili ko.

Ilang oras pa ang hinintay ko at nakita kong may humintong sasakyan sa harap ko at nakita ko na lumabas si Elisse at agad niya akong nilapitan.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalala niyang tanong sa'kin.

Umiling lang ako bilang sagot kaya mabilis siyang tumayo at isa-isa niyang pinulot ang mga damit ko at nilagay sa bag, matapos yun ay nilagay niya ito sa loob ng sasakyan at binalikan ako.

"Halika na, tsaka mo na sabihin sa'kin ang nangyari. Umuwi muna tayo." ? malumanay niyang sabi.

Dahan-dahan niya akong inalalayan at maingat na pinasakay sa kotse niya. Nang makapasok ako ay sumilip ako sa bintana ngunit nabigo akong makita siya dahil sarado na rin ang ilaw.

Pagpasok ni Elisse ay nagsimula na siyang magmaneho paalis sa tapat ng bahay ni Chase.

---

Pledges Of PredilectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon