As possible ay gusto na lang niyang mamuhay ng tahimik. Nangako na rin naman kasi sa kanya ang binata na hindi na ito magpapakita sa kanya. Mukhang tinotoo naman nito ang sinabi dahil hindi na rin naman ito nag-pakita sa kanya na ipinag-pasalamat niya. Hanggang sa kasalukuyan kasi ay hindi niya pa rin ito kayang harapin dahil sa nalaman niyang nangyari sa kanilang relasyon noon.





Wala sa sariling napakapa siya sa daliri niya. Wala doon ang wedding ring nila ni Dranreb. Gusto niyang malaman kung nasaan na ang singsing. Pero wala na dapat siyang paki-alam doon dahil wala na rin namang halaga sa kanya ang binata.





Inaamin niya na ibayong kasiyahan ang naidulot nito sa kanya. Pero at the same time ay ito din ang dahilan kung bakit nasaktan siya at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ding nasasaktan.






Malalim siyang napa-buntong hininga at sinabi sa sarili na kapag handa na siyang harapin ulit ang binata ay magfi-file na siya ng annulment. Gusto niya na putulin na ang lahat ng bagay na nag-uugnay sa kanila ng binata.





Pag-pasok niya sa hotel ay binabati siya ng lahat ng impleyadong nakaka-salubong niya. Isang simpleng ngiti at pag-tango lang naman ang isinusukli niya sa mga ito. Kilala na rin siya ng halos lahat ng impleyado ng hotel. Pero mamaya ay magkakaroon pa rin ng pormal na pagtitipon para ipakilala siya sa lahat bilang bagong presidente.





Taas-noo siyang pumasok sa loob ng elevator para puntahan ang ama niya sa opisina nito. Kahit siya na ang mamamahala sa hotel ay hindi niya pa din pinagalaw ang opisina ng ama niya. May opisina siya na talagang ipinasadya para sa kanya.





Nakadama pa siya ng pagkailang dahil pakiramdam niya ay lahat ng tao sa hotel ay naka-masid sa kanya. But she reminds herself na wala siyang dapat ikailang. She is Kenedy Sylvestre at mula sa araw na iyon ay siya na ang presidente ng kompanya nila.





Nang makita ng ama ang pagdating niya ay kaagad itong nag-anunsyo na pumunta na ang lahat ng empleyado ng hotel sa lugar na gaganapan ng pagtitipon.







Sandali lang din ang oras na ginugol nila para sa pagpapakilala sa kanya dahil may mga trabahong naka-atang sa mga empleyado nila.





Sa araw na iyon din ay ipinatawag niya ang lahat ng head of staff nila para kausapin ang mga ito. Lagpas nang ala-una ng hapon ng matapos ang mga meetings na dinaluhan niya kaya naramdaman na niya ang pag-kulo ng tiyan niya.





Sinulyapan niya ang secretary niya para magpa-handa sana ng pagkain niya pero abala ito sa mga reports na ipinapagawa niya dito.





Tumayo na lang siya sa kina-uupuang swivel chair bago isinara ang laptop na nasa harap niya. She needs to eat her lunch first dahil mahihirapan siyang mag-trabaho habang kumakalam ang sikmura niya. Gusto niya sanang ayain ang secretary niya pero mas mabuting maiwan ito sa office niya lalo na at office hour. Naisip niya na padadalhan na lang niya ito ng pagkain doon.






Dumiretso siya sa isang restaurant sa hotel nila para doon na kumain. Kaagad naman na lumapit sa kanya ang isang waiter at binigyan siya ng menu. Nang maibigay niya dito ang order niya ay magalang na itong nag-paalam. Hindi naman nag-tagal at dumating na ang order niya. Inaya niyang kumain ang dalawang bodyguards niya pero kumain na daw ito habang nasa meeting siya.




Habang kumakain siya ay aksidente siyang napa-sulyap sa isang direksyon at napakunot ang noo niya ng makita si Dranreb na nandoon din sa restaurant at kumakain. May kasama itong babae at mukhang masaya ang mga itong nag-uusap.






The President's DaughterWhere stories live. Discover now