Chapter 16

2.1K 83 19
                                    

CHAPTER 16

HANGGANG sa makarating sila sa bahay ay hindi pa rin siya makapag-salita sa nangyari. Inilapag siya nito sa silid niya at inutusan ang katulong na kumuha ng tubig.



Nakatayo lang si Dalton sa isang tabi ng humahangos na dumating sa silid niya ang ina nito. Bakas sa mukha nito ang sobrang pag-aalala.



"Kenedy, are you okay? I heard what happened to you." Sabi nito na mabilis lumapit sa kanya. Umupo ito sa gilid ng kama niya at hinaplos ang mukha niya na parang binabasa sa mga mata niya kung maayos lang ba siya.



Imbes na magsalita ay pinili na lang niyang yakapin ang ginang. Namumula ang mukhang ibinaon niya sa dibdib nito. Gusto niyang umiyak hindi dahil sa nangyari sa kanya kanina sa barn kundi dahil sa pagmamahal at pag-aalala na ipinakita nito sa kanya. Somehow ay nakikita niya sa tita Stella niya ang namayapa niyang ina.



Sa piling ng tita Stella niya ay naramdaman niya ulit ang pagmamahal ng isang ina na matagal niyang pinangulilaan. Hinigpitan niya lalo ang yakap sa butihing ginang. God knows how she really wanted that kind of warm tight hugs. Matagal na siyang nangungulila sa pag-aaruga ng isang ina. Yung pakiramdam na may yayakapin siya pagdating sa bahay. Yung pakiramdam na may pagsasabihan siya kapag may lalaking nanakit sa kanya. How she wish that she can tell to her tita Stella na nasaktan siya ng anak nito at hanggang sa kasalukuyan ay nasasaktan pa din siya.



Sobrang comfortable siya sa bisig ng tita Stella niya kaya hindi na niya namalayan na tuluyan na siyang hinila ng antok. Ang malambing na paghagod ng ginang sa buhok niya ay nakatulong para kumalma siya sa sakit na nararamdaman.


"She already felt asleep 'Ma" kahit sobrang antok na siya ay narinig niya pa ring sabi ni Dranreb sa ina. Hindi ito umalis sa kinatatayuan at pinagmamasdan lamang sila ng ina nito.


"Keep quiet son, my daughter needs to rest. Mag-uusap tayo mamaya kung bakit mo hinayaan na mangyari ito kay Kenedy." Mahinang sabi ng tita Stella niya na ikinangiti niya.



My daughter. Parang hinaplos ang puso niya dahil sa mga katagang iyon.


Ilang sandali na namayani ang katahimikan sa loob ng silid. Maya maya ay narinig niya ang mga yapak ni Dranreb papalapit sa kinaroroonan niya.


Naramdaman niya ang mainit na pagdantay ng  labi nito sa noo niya. Pero sa sobrang antok na nararamdaman niya ay hindi na niya napagtuonan iyon ng pansin.


"Please take care of her Mom. Pupunta muna ako sa farm. I'll make sure na hindi na ito mangyayari." Narinig niyang sabi ni Dranreb bago siya tuluyang makatulog.




Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog pero pagkagising niya ay wala na ang tita Stella niya sa tabi niya.



Mayamaya ay bumukas ang silid niya at pumasok si Dranreb. Kung anong suot nito kanina at yun pa din ang suot nito ngayon. Kita niya sa hitsura nito na pagod ito. Mukhang doon ito dumiretso sa silid niya pagkagaling nito sa hacienda.




"Nakapag-pahinga ka ba ng maayos?" Tanong nito.



"I want to go home na. Ayaw ko na dito." Nakayukong sabi niya dito imbes na sagutin ang tanong nito.
        


Natigilan ito sa sinabi niya at ilang sandaling hindi  naka-imik.
   

 
Kung ang puso niya lang ang masusunod ay gusto na niyang mag-stay doon forever. Pero kailangan na niyang lumayo para mailayo rin ang sarili sa sobrang sakit na maaari niya pang maranasan.



The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon