Chapter 26

2.2K 78 23
                                    

Chapter 26




Kinabukasan ay nagising si Dranreb na nakapatong na sa kanya ang asawa niya. Mahimbing ang tulog nito habang nakabaon ang mukha sa leeg niya. Gusto niyang sabihin dito na asawa niya ito pero natatakot siya na maka-apekto iyon sa kalagayan niya.




Malalim siyang napabuntong hininga bago pumikit at dinama ang masarap na pakiramdam na kapiling niya ang babaeng matagal niyang pinangulilaan. Lalo niyang hinigpitan ang pagkaka-yakap dito at hinalikan ito sa noo.




Malungkot niyang tinitigan ang nahihimbing na asawa at nakadama siya ng panghihiyanang. Kung hindi sana sila nagkahiwalay ay sana ang magandang mukha nito ang namumulatan niya tuwing umaga. At sigurado siya na sa mga oras na iyon ay may anak na sana sila. Lalo siyang nalungkot dahil sa naisip. Ang daming tanong na naglalaro sa isip niya. Pero alam niya na hindi pa iyon ang panahon para mag-usisa siya. Hindi ngayon na ganun ang kalagayan ng asawa niya.





Nang makita niya na alas sais na ng umaga ay maingat siyang bumangon para hindi magising ang asawa niya. Bahagya pa siyang natawa ng umungol ito na parang ayaw bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.





Ipinapangako niya sa sarili na kukunin niya ulit ito sa ama nito. Itatama niya ang mali at aayusin ang gusot sa kanila ni Kenedy.




Pinuntahan niya ang mayordoma ng bahay at sinabi niya dito na ipaghanda sila ng pagkain na babaunin nila sa pamamasyal. Tinapos niya ang lahat ng trabaho niya kahapon dahil gusto niya na ang mga susunod na araw niya ay ibigay niya sa asawa. Matapos niyang utusan ang mayordoma ay pumanhik na siya silid. Nang makita niya na mahimbing pa ring natutulog ang asawa niya ay dumiretso sa bathroom para maligo. Matapos niyang maligo at makapag-bihis ay humiga siya sa tabi ng asawa niya.





Sobrang sarap nitong pag-masdan. Kahit saang banda ito tingnan ay maganda pa din ito. Nang magmulat ito ng mga mata ay mabilis niya itong pinatakan ng halik sa labi. Mukhang inaantok pa ito dahil hindi man lang ito nag-protesta sa ginawa niya. Bagkus ay lumapit pa ito sa kanya at yinakap siya.





Sa sandaling naramdaman niya ang init ng katawan nito ay alam niya na mahal pa din siya ng asawa. Sa isiping iyon ay malawak siyang napangiti. Mas lalo siyang naging pursigido na kunin ulit ito sa ama nito.









SOBRANG sarap ng tulog ni Kenedy to the point na ayaw na muna niyang bumangon. Niyakap niya ang katabing unan para matulog ulit. Pero mabilis na nawala ang antok niya ng maramdaman na gumagalaw ang unan na yakap niya. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya na hindi unan ang yakap niya. Mabilis siyang nag-angat ng tingin at nagtagpo ang mga mata nila ni Dranreb.




Nakangiti ito sa kanya at hindi siya nakapaghanda ng halikan siya nito sa mga labi niya. Sa sobrang gulat niya ay nanlaki lang ang mga mata niya habang magkadikit ang mga labi nila ng binata.




Hindi niya maintindihan kung bakit gustong-gusto niya ang ganoong pakiramdam. Nag-simulang gumalaw ang mga labi ng binata at ng maramdaman niya na nagiging malikot ang dila nito ay mabilis niya itong naitulak sa kahihiyan.





Wala sa sariling ibinaon niya ang mukha sa leeg nito dahil sa nangyari. Fresh from the shower ang binata samantalang siya ay bagong gising at hindi pa man lang nagto-toothbrush.




Nang marinig niya ang pagtawa ni Dranreb ay itinulak niya ito bago umalis sa kinahihigaan. Tiningnan niya ito ng masama bago mabilis na dumiretso sa bathroom. Shit! Bakit siya nakikipag-halikan early in the morning na hindi pa man lang siya nag-aayos.




The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon