Chapter 17

2.1K 81 26
                                    

After 6 months.



NAPAPATINGIN na lang si Kenedy sa mga pinsan niya na nakikipag-harutan sa kani-kanilang kasintahan. Tatlo ang pinsan niya na doon naka-base sa Canada at sa ilang buwan na pamamalagi niya doon ay halos hindi na sila maghiwa-hiwalay. Masyado itong sabik sa kanya dahil bihira lang sila kung magsama-sama.




Bukas na ang uwi niya sa Pilipinas at may pa-despedida party para sa kanya ang mga ito. Napa-buntong hininga na lang siya at tinungga ang hawak na wine. Mukhang nagpa-despedida party lang ang mga pinsan niya para makasama nito ang mga sarili nitong boyfriend at girlfriend.


Ang ate Nica niya na limang taon ang tanda sa kanya ay inimbitahan ang fiancee nito na si Harold na isang fil-am. Parehas ang mga itong nasa business world kaya naman nag-click sa isa't-isa. Sobrang sweet ng mga ito na para bang hindi na mapaghihiwalay. Ang kikay niya namang pinsan na si Kate ay ganun din sa boyfriend nito na si Clint. Ang alam niya ay may ari ng isang travel agency si Clint habang ang pinsan niya ay nasa modeling industry.



Mabilis na tumayo ang pinsan niyang si Samantha ng may mag-door bell. Sigurado siya na ang boyfriend na nito iyon na kanina pa nito hinihintay.



Kumuha na lang siya ng pizza at kumain. Kung hindi lang siya nahihiya sa mga pinsan niya ay kanina pa siya umalis doon.  Maaga pa ang flight niya at tatawagan niya pa ang ama para sa oras ng arrival niya.




"Guys my boyfriend is already here!" Mabilis siyang nag-angat ng tingin kay Samatha at sinundan ang lalaki na nasa tabi nito. Ngumiti siya dito ng mag-tama ang mga mata nila. Parati naman nila itong nakakasama sa mga lakad nila ng pinsan niya kaya kahit papaano ay palagay na ang loob niya dito.




"I'm with my two cousin is it okay if they will join us?" Tanong ng boyfriend ni Samantha na si Klyde. Isa itong Pilipino pero doon na ipinanganak at lumaki sa Canada.



Mabilis naman na sumang-ayon ang mga kasama niya sa tinuran ni Klyde. Ayon dito ay nasa bar ang mga ito ng mag-text  ang pinsan niya. Ayaw naman nitong tanggihan ang girlfriend sa imbetasyon kaya isinama na lang daw nito ang dalawang pinsan na galing Pilipinas at nagbabakasyon lang doon.



Sumulyap siya sa dalawang lalaki na pinsan diumano ni Klyde. Kapapasok pa lang ng mga ito. Nakatalikod pa ang isang lalaki sa banda nila dahil may kausap ito sa cellphone nito. Habang ang isa ay kausap ang tita Hillary niya na kalalabas pa lang ng bahay.




Naningkit ang mga mata niya at ipinilig ang ulo.



"Dranreb?" Mahinang sabi niya.



Kumabog ng malakas ang puso niya sa isiping nandoon sa Canada ang bodyguard niya na nagpapawala sa kanya sa katinuan.




Pero ng tuluyang humarap sa kanila ang binata ay nakahinga siya ng maluwag. May pagkakaparehas lang ang katawan nito kay Dranreb kaya naipagkamali niya. Pero sa loob ng puso niya ay nadismaya siya na hindi ito ang lalaking mahal niya. Sobra na ang pangungulila niya sa binata lalo na kapag naaalala niya ang nangyari sa airport bago siya umalis.



"Anong akala mo pupuntahan ka niya dito sa Canada? Bakit mahal ka ba?" Mapait siyang napangiti sa sarili niyang tanong.




Nang lumapit sa kanila ang dalawang pinsan ni Klyde at nagpakilala ay wala na dito ang atensyon niya. Lumilipad na ang isip niya sa naiwang binata sa Pilipinas.





Six months of staying in Canada didn't help her at all. It didn't mend her broken heart. Akala niya ay makakatulong sa kanya ang paglayo, pero hindi pala. Dranreb is literally got into her system na kahit anong gawin niya ay hindi na mawawala. Iniiwasan na nga nita ito pero nami-miss niya naman.



The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon