P R O L O G U E

3.9K 127 14
                                    

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago tumingala sa nagniningning na kalangitan. A bitter smile gradually formed upon my lips. How I wish my life would be as free as stars. As colorful as them. Tears quickly escaped from my eyes.

Napayapos ako sa sariling katawan nang biglang lumamig ang simoy ng hangin.

It brushed directly against my skin. Nasa labas ako ngayon ng aming bahay dito sa siyudad ng Las Plovis. Katamtaman lamang ang laki nito.

"Gods, I will gonna freaking miss them." Humihikbing saad ko sa aking sarili.

"And they will miss you too, Kai." Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ng kaibigan kong si Wesley.

Kasing-bilis ng kabayo kong pinunasan ang luha ko na walang tigil sa pagragasa. Kumawala rin ang malungkot niyang ngiti sa labi. Tinabihan niya ako sa pagkakaupo sa malaking bato. Inakbayan pa ako't hagod-hagod ang aking likuran.

"Palagi silang nandito, Kai." He pointed my chest. Sumilay muli ang malungkot niyang ngiti sa labi. Tumingala siya sa kalangitan. "Kung nasaan man sila ngayon, sigurado akong gagabayan ka sa lahat ng landas na tatahakin mo."

I averted my gaze when I heard him saying those words. Ang kaninang mga luha na rumagasa sa aking mata ay mas lalong dinoblehan. That was the words I wanted to hear after everything I've been through.

"You can cry all you want, Kai."

When I heard it, my tears burst out. Naramdaman ko ang pagyapos niya sa akin dahilan para humahagulgol ako ng iyak. I will be forever grateful to Wesley. Kahit na two years ang gap ko sa kaniya, mas mature siya mag-isip kaysa sa akin. He is a friend I always wanted. He will be forever engraved in my heart.

"I didn't even have a chance to tell them I'm gay," I said under my sobs.

Kumawala naman siya sa akin ng yakap dahilan para umatras ang aking mga luha. He then slightly tap my shoulder.

"Bakla ka ng taon, nakalimutan mo na bang pareho tayong closeted?" He laughed. Because of how infectious his laugh was, tumawa na rin ako. "And besides, mukhang alam na rin naman ng mga magulang mo."

After that conversation, namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Pinutol niya iyon sa pamamagitan ng pagtikhim. Muli akong napatingin sa kaniya. This time, a smile full of loyalty was plastered upon his lips.

"Tandaan mo, nandito lang ako palagi, okay?" Tumango ako bilang pagtugon.

"Wesley! Magpaalam ka na kay Kai! Uuwi na tayo!" Pareho kaming napalingon nang bigla naming narinig ang sigaw ng Lola niya.

Sabay kaming tumayo sa pagkakaupo't muli akong tinignan ni Wesley sa mata. He then hugged me tightly. "Tandaan mo 'yong sinabi ko sa 'yo." Muli akong tumango. When he saw my response, he turned his back on me. Tumakbo pa siya papalapit sa kaniyang Lola.

Hinatid ko ng tingin si Wesley at ang Lola niya hanggang sa hindi ko na sila tanaw. Out of the corner of my eyes, I saw my grandma looking at me worriedly. Tinanguhan ko lamang siya at muling umupo sa malaking bato.

Muli na naman akong nagpakawala ng malalim na buntonghininga. Subalit, napaalerto ako nang maramdaman ko na mayroong dalawang matang nagmamasid sa akin. Dumiretso ang mata ko sa gubat na nasa aking harapan.

Sa hindi kalayuan, nakita ko ang pulang mata. I blink twice to confirm what I saw. Pero no'ng kumurap ako ng pangalawang beses, it's gone. I shook my head twice. Tumayo ako sa pagkakaupo't naglakad papunta sa bahay namin.

Habang naglalakad ay kitang-kita sa kinaroroonan ko ang mga taong nakikiramay. I bit my lower lip to restrain myself from bursting in tears. No, stop! I am tired, and my eyes are already swollen! I yelled on the top of my lungs inside of my head.

Nakayuko lamang akong nilagpasan ang mga taong nakiramay sa mga magulang ko. And my eyes went straight to the ground. Nang makapasok ako sa bahay ay nakita kong nandoon din ang mga kamag-anak namin. From both sides.

Their eyes were on me. Dahilan para bumagsak muli ang mata ko sa sahig. Nagmamadali akong nilagpasan sila. Lola even called me, but I just ignored her. Nang makarating ako sa aking kuwarto ay pumasok ako't sinirado ito.

Nanghina ang tuhod kong bumagsak sa sahig. I leaned my back on the door and hugged myself. A river of tears falls upon my eyes. Sabi ko sa sarili ko kanina, ayoko munang umiyak. Pero heto ako ngayon, humahagulgol na naman.

"Ma, Pa . . ." Tawag ko sa kanila habang umiiyak.

Pero mas lalo lang tumindi ang sakit na bitbit ng aking puso. I didn't have the strength to crawl closer to my bed while my tears still flowed unceasingly. Humiga ako't hinayaan na lamang na magpalunod sa mga luha.

Lumingon ako sa bintanang nakabukas. A bitter smile suddenly formed upon my lips. The moon is glowing so beautifully. Ilang minuto kong pinagmasdan ang ganda ng buwan, hanggang sa bumigat na ang talukap ng aking mga mata. Napapikit ako sa bigat nito. While my eyes are closed, naramdaman ko na naman ang mga matang nakamasid sa akin.

Gusto kong imulat ang aking mga mata, pero hinila na ako ng antok.

Eleven days had passed when I lost my parents. And two days had passed when we buried them to say goodbye for the last time. Today, Lola and I will going to Luna Roja. The city where everything is possible, as they say. Taga roon talaga mga magulang ko. Napunta lamang kami rito dahil sa trabaho ni Papa.

Kahit ayaw ko mang umalis ay wala akong ibang magagawa. Si Lola na lang ang meron ako. She wanted to take cares of me. At ang nakakalungkot, maiiwan ko ang best friend kong si Wesley.

"Caelestis Reyan Gehenna!" Napalingon naman ako sa humahangos na si Wesley. Tagaktak pa ang kaniyang pawis.

I give him the time to regain his breath. Seconds later, he throws his death glares at me. Sinapak pa niya ako sa braso dahilan para mapahawak ako rito.

"Ang daya mo." Napakagat ako sa aking ibabang labi nang marinig ko ang unti-unting bumibiyak niyang boses. "Ang daya mo para iwan akong mag-isa. You didn't even told me na aalis ka ngayong araw. Kung hindi lang binanggit ni Lola, hindi ko malalaman." At tuluyan na nga siyang umiyak sa harapan ko.

Mabilisan akong napayakap sa kaniya. He hugged me back. Dahan-dahan na namang bumagsak ang luha ko. I don't want to leave Las Plovis. Nandito lahat ang mga masasaya at pangit na mga alaala. Dito ako lumaki. Dito ako una nadapa at bumangon. Dito ko unang binagsak ang luha ko.

"I'm sorry for leaving you, but―" Hindi niya ako pinatapos sa gusto kong sasabihin.

"I know." Rinig kong iyak niyang sabi. "And I understand. But promise me one thing . . ." Kumawala siya sa aming pagyayakapan. He looked at me straight in the eyes. "Promise me you'll visit me, okay?"

I quickly nodded.

"Text me when you get there. And don't forget, I am always here for you," saad niya habang ako naman ay isang tango lang ang kaya kong isagot.

Naputol lamang ang aming pag-uusap nang tawagin ako ni Lola. I looked at him sadly. Tinulak niya ako. Pero nakatingin lamang ako sa kaniya. Ayaw kong umalis. Ayaw ko siyang iwan. Ayaw kong iwan mag-isa ang tanging kaibigan ko.

Tinulak niya ako muli. Dahil sa ginawa niya, niyakap ko siya muli nang mahigpit. While walking closer to the car, I heard him sobbing. Pumasok ako sa kotse. Nasa shotgun seat si Lola, habang ako naman ay nasa likuran.

The car's engine came back to life. Hanggang sa nilagpasan namin si Wesley. He waved at me, and I waved at him back. My tears never hesitated to escape from my eyes.

"You will be forever my best friend, Wesley."

Fangs of a Half-BloodWhere stories live. Discover now