74

52 7 2
                                    

˚✧₊⁎⁺˳✧༚˚✧₊⁎⁺˳✧༚
𝗦𝗢𝗢𝗕𝗜𝗡 (𝗽𝗮𝗿𝗲𝗻)
˚✧₊⁎⁺˳✧༚˚✧₊⁎⁺˳✧༚

walang awa kong sunod-sunod na pinagsusuntok si Sunghae, nakahiga sya ngayon habang nakapatong ako sakanya.

Marami nang tao ang nakaipon sa paligid namin, eto namang si conyo boy hindi ko pinagbigyan nang chansang umatake.

"PUTANGINA MO!"Sigaw ko, suntok uli.

"SABI MO DI MO LOLOKOHIN SI HARAH! BAKET MERON KANG KALAHIKANG IBA HA?"Suntok na naman, Halos mawalan na nang malay si Sunghae dahil sa kakasuntok ko

Bigla nya akong sinipa sya tyan dahilan para maalis ako sa pagkakapatong sakanya at napahiga ako sa sahig, May mga taong imbes na awatin kami ay nagawa pang irecord nyawa

pero ayos lang, wag nyo kong awatin papatayin ko tong lalaking toh dahil nga sabi ko diba? susungalngalin ko yan pag sinaktan nya si Harah.

nagawa ko paring makatayo habang hawak-hawak tyan ko.

Nadugo na ilong nya habang punong puno ng pasa yung maputi nyang mukha.

"B—bakit mo niloloko si Harah?"Nanginginig ako sa galit.

"Bakit ka nangengealam? Naging kayo ba?"Ininis nya lang ako lalo, susuntokin ko na sana kaso naunahan nya na ako eh.

Asa sahig uli ako, napahawak ako sa labi ko at may nahawakang dugo.

"Wag ka ngang feelingero, Wala namang nararamdaman para sayo si Harah eh.. Eto na rin ganti ko."Tawa nya, chos marunong nang magtagalog ang gago ah.

"Oh diba double kill? Dinare lang naman ako ng mga kaibigan ko na jowain yung hindot na yon eh, masasaktan ko kayong pareho! AHAHAHAHA! Bakit naman ako magkakagusto sa isang babaeng tulad nya?"

Don ako napuno, mabilis akong tumayo tsaka tinira tyan nya, sinipa ko sya sa alaga nya sabay sakal sakanya gamit ng collar ng sarili nyang damit.

"Pwede din naman kitang suboan ng lupa pero masyado naman akong mabait para don."Bulong ko sa tenga nya sabay sapok ulit sa mukha nya.

Nagkakagulo na kami dito pero wala paring umaawat, pati yung mga tao sa loob ng restaurant nakinood na rin akala mo asa sine.

"Hoy! Excuse me nga daw po— Aray ko po Kuya!"May narinig akong pamilyar na boses ng babae sa distansya, hindi ko nalang yon pinansin chaka pinagpatuloy ang pagbugbog sarado kay Sunghae na walang kalaban-laban sakin.

"Ano ba nangya— SUNGHAE!"Sumigaw yung babaeng yon, tinulak nya ako papalayo.

Hinaplos nya mukha ni Sunghae na puro pasa at dugo tsaka nilingon ako, feeling ko pumilipit tyan ko sa nakita ko.

"H—Harah.."Bulong ko, tumayo sya tsaka mabilis na lumapit sakin.

Sinampal nya ako nang malakas, nagulat ako pati ang mga tao sa paligid namin, Hinawakan ko pisngi ko na may malalaking mata.

"Bakit mo sya sinaktan?"

"H—Ha? paanong hindi ko yan sasaktan eh—"

Sampal part 2.

"Eh ano?"

"Niloloko ka lang naman nyan! nakita ko syang may kasamang iba!"

Nawala yung galit sa mga mata nya tsaka nya nilipat ang paningin nya sa jowa nyang nakahiga parin.

"Totoo ba yung sinasabi nya?"

"hinde! wag ka maniwala dyan! sinisiraan nya lang tayo eh dahil baliw na baliw yan sayo!"

"HARAH WAG KA NGANG MAKINIG DYAN! AKO NA NAKAKITA SA KAGAGUHAN NYAN AKO NA MISMO ANG NAGSASABI EH!"

"Nagsisinungaling lang yan!"

"Bat naman ako magsisinungaling kay Harah?"

Laughtrip, nagsinungaling na nga ako sakanya dati eh

"Diba ganon ginawa mo? nagsinungaling ka kay Harah? inuto mo sya tas anong nangyari? naging kami! kasalanan mo yan tas ikaw pa ngayon ang galit? HAHAHA, hayop ka pre!"

"Harah wag ka makinig dyan, sabi ko sayo sakin ka maniwala!"

"Sakin ka maniwala Harah, ako boypren mo diba?"

"Wag kang magpakauto jan—"

"Ilang buwan tayong hindi nagusap sa gantong paraan pa tayo magkikita uli?"

Napatahimik ako sa sinabi nya.

"Soobin hindi lang kita nagustohan pabalik naging ganyan ka na."Mapait syang ngumiti saken.

"Sorry! Hindi kita type eh! Kaibigan lang tingin ko sayo dati! Sorry na! Pero kung talagang mahal mo ako, respetuhin mo mga desisyon ko!"

Ha?

Ano daw?

Anong pinapalabas nito??

"Wag mong saktan ang taong mahal ko, porket hindi ikaw yung nagustohan ko!"

??????

"Alam kong selos ka pero wag mong hayaang kontrollin ka ng emotions mo."

Ah.

Akala nya binugbog ko si Sunghae dahil selos ako sa kung ano meron sakanila.

"Harah, Alam mo namang wala sakin ang mambugbog nalang bigla ng walang karason-rason."Bulong ko.

"Napaka-uto mo talaga, kahit kailan."Ngumiti nalang ako tsaka kusang nagwalk-out, sumiksik pa ako sa crowd para lang makalabas ako.

Kinuha ko ang binitawan ko kaninang pinapabili ni Beomgyu at tuluyan nang umalis sa scenario habang paluha na.




•••

𝗛𝗔𝗖𝗞𝗘𝗗 : soobinWhere stories live. Discover now