12

109 10 0
                                    

˚✧₊⁎⁺˳✧༚˚✧₊ ⁎⁺˳✧༚
𝗛𝗔𝗥𝗔𝗛.
˚✧₊⁎⁺˳✧༚˚✧₊ ⁎⁺˳✧༚

Matamlay akong lumabas ng school, ayoko pang umuwi pero di ko alam kung anong gagawin ko kasi na-hack yung account ko

"Uy tara Serenitea, nag-aya ako kagahapon diba? Tara!"Aya ni Emiko sakin

"Ah kayo nalang, mag-iice cream nalang ako"Sabi ko, nawala naman yung ngiti ni Emiko sa muka nya

"Ano ba naman yan! Ngayong wala ka nang account sa ROS nag-sosolo ka na?"

"Kayo nalang...Ok na ako."Sabi ko, ngumiti naman si Emiko at tsaka umalis

Huminga naman ako ng malalim at ibinuga rin yong hangin na nilanghap ko

╍╍╍╍╍╍╍

"Ate isa nga pong Vanilla, naka-cone po"Request ko sa babae sa counter

"Ok po..Anything el—"

Hindi nya natapos yung sinasabi nya nang biglang may nambatok sakin

"poCHA—"Tumalikod ako handang manapak ng tao.

"Penge Payb."Asar sakin ng taong higanteng to, Well parehas kaming higante kaya, tinira ko rin sarili ko

"REQUIREMENT BA TALAGANG MAMBATOK KAPAG NAMBUBURAOT?!"Tinulak ko sya at natawa naman 'to

"HOY! ISA PA AH! ANLAKAS TALAGA NG KUTOB KONG IKAW ANG PASIMUNO DON SA ACCOUNT KO SA ROS!"Turo ko sakanya na parang bang hinahamon ko sya

"HINDE NGA AKO YON!"Sagot nya pabalik sakin

"GANON BA KA-SPECIAL YUNG GANTI MO NA KUKUHANIN NG ILANG ARAW ANG ISANG SIMPLENG PATOL SA ISANG BABAE?!"Sigaw ko uli sakanya

"Ma'am I assume you are done ordering, may naghihintay pa po sa likod nyo."Kalabit sakin ng Cashier lady

"Ay sorry po."Nahihiya kong sabi sa babae at tsaka tiningnan ng masama si Soobin.

Naupo ako sa isang sulok at si Soobin naman ay parang aso na sinundan ako dito

"Payb lang naman eh."nag-makawa sya sakin, umirap ako at inilabas ang wallet ko

"ANDALI!"Biglang saway nya sakin, napatigil ako sa pagbunot ng payb

"Tutal naman na nandito na tayo, libre mo nalang ako ng ice cream."Utos nya sakin.

"Kahawig ko ba wallet mo?"Sarkastiko kong sabi sakanya

"Libre mo na kasi ako, sasabihin ko sayo kung sino nag-hack nang account mo, kilala ko eh promise hindi ako yon."Patuloy syang nagmakaawa dahil lang sa sorbetes na ito

Napabuntong-hinga ako at tumayo nalang, ang kulit neto onti nalang maibabato ko na palabad ng mundong ito

╍╍╍╍╍╍╍╍

"Opss!"Tigil ko kay Soobin bago nya madilaan ice cream nya

"Ano? Gutom na ako!"Simangot nya sakin

"Picture muna hehe."Gugutomin ko tong higanteng to

"Gaga, di ba pwedeng deretsong kain na?"Sabi nya sakin, napatawa naman ako sa mga pinagsasabi neto

"Wow ah, Your welcome!"Pagtataray ko sakanya

Pinicturan ko yung Vanilla namin at tsaka nilamon ito

"Oh sino nang nag-hack sa account ko?!"Biglaan kong sigaw sakanya, Sa gulat ay muntik nang mahulog sorbetes nya

"Secret."Asar nya sakin, Inapakan ko naman sya

"Tae to! Sayang pera ko ay!"Nakasimangot kong sabi

"Uto-uto ka naman!"Tinuloy nya ang pagaasar sakin

Sinipa ko naman sya ngayon, dahilan para mapa-aray sya.

"Yan sige, Gayahin mo Shoppee! Mang-Scam ka pa! Kaya ayaw sayo ng crush mo eh."Irap ko, Naptingin naman sya sakin

"Andami-daming pwedeng ipaalala ayun pang bagay na iyon"Sabi nya sakin

"Anong gusto mo? MAY GROUPINGS KAMI SA COMM 3 ANO NA NAGAWA MO? DIBA TAGA SECTION B KA? ANO YUNG LESSON NATIN SA PHSYCH?!"Sarkastiko kong sigaw sakanya

"Eh kung itapon ko tong ice cream na ito sa mukha mo? GRADE 12 PALANG TAYO! COLLEGE NA YAN EH!"Sabi nya sakin

"Edi ikaw na matalino."

"Stating facts, Bobo ka lang talaga."

Muntik ko na syang masaksak gamit ng ice cream cone na ito nung sinabi nya yon

"Amin na nga yan."Inagaw ko yung ice cream mula sakanya pero nanatili iyon sa mga kamay nya

"Charot hehe."Ngisi nya sakin, nagpapakita yung mga dimples nya

"Di bagay sayo mag-Charot parang kang bakla."

"Homophob amp."

Nanginig yung bulsa ko nang tumunog yung phone ko

Nakita ko ang ID number ni Mama

So ayun papauwiin na ako.

•••

𝗛𝗔𝗖𝗞𝗘𝗗 : soobinWhere stories live. Discover now