40

72 10 0
                                    

˚✧₊ ⁎⁺˳✧༚˚✧₊ ⁎⁺˳✧༚
𝗛𝗔𝗥𝗔𝗛.
˚✧₊ ⁎⁺˳✧༚˚✧₊ ⁎⁺˳✧༚

Nandidiri kong tinignan ang mga nakasabit na hart hart sa kisame ng school namen, may mga nakadikit na kulay pulang mga hart sa dingding, maski sa locker ko meron.

aba.

Balentayms bukas, oo alam ko yon. Bigay naman kayo ng respeto sa mga walang kadate.

Sino yung tarantadong nag-suggest neto sa Student Council?? Pakisabi sakanya na magkita kami sa kanto.

Lakas ah, kahit san ako mag-punta may mga decorations na pang-Valentines amputa.

"Ano ba toh! Puro Hart Hart! Tangina naman oh! May mga walang kadate din bukas putek!"Sinigawan ko locker ko, Parang tanga lang.

"HUY!"Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Soobin sa tenga ko, Lord akala ko mabibinge na ako.

"ANO?!"Sinigawan ko sya pabalik.

"Napapano ka na ba?! Ganon ka ba kabitter na pati locker mo sinisigawan mo?!"

"Pano pag Oo??"

"Psshhhh, May Sunghae ka naman, lalandi nga ninyo eh."

"Aba Put— Asa france nga yung gago eh! Lonely ako bukas, Mambuburaot na nga lang ako ng Chocolate kena Leya, Haewon & Yeonghee."Pasimangot akong tumalikod tsaka sinarado ang locker ko.

"Buti nga si Yeonghee eh, May nagmamahal sakanya to the point kung saan si Beomgyu fineflex na sya, Kaso di nya ma-acknowledge kasi friend lang ang turing nya kay Gyu...Kalungkot diba? Kung ako si Yeonghee baka jinowa ko na si Beomgyu, Baka nga ngayon eh...Hehe Posible lang naman."Pasimple akong ngumiti.

"Cute din sya...Pogi rin, Pwede naman.."Tumango-tango ako habang nakasimangot sakin si Soobin.

"Ano?! Jojowain mo yung lalaking yun? Mhai ghad Harah, anong klaseng taste ang meron ka sa lalaki?!"Maslalong sumingkit ang mga mata ni Soobin.

"Bakit?! Masama ba? Masaya nga syang kasama eh."Ngumiti uli ako.

"HA?! ANONG PINAGSASABI MO JAN?! IBIG SABIHIN BA NON NAKASAMA MO NA SI GYU NA KAYO LANG DALAWA?! ABA, DAPAT AKO LANG ANG KASAMA MONG LALAKI PAG GUMAGALA! HARAH SINASABI KO SAYO PAG JINOWA MO YON MAY MANGYAYARING MASAMA, DAPAT AKIN KA LANG! AKIN KA LANG! WALANG IBANG AANGKIN SAYO KUNDI AKO TANDAAN MO YAN! PATI SI SUNGHAE OFF-LIMITS YON! PAKEALAM KO KUNG LONELY KA BUKAS?! ANDITO NAMAN AKO EH! REGALUHAN PA NGA KITA NG ISANG TRAK NG BULAKLAK AT CHOCOLATE! MAGRENTA PA NGA AKO NG RESTAURANT PARA LANG MAKAKAIN TAYO! BIBILI AKO NG MILYON-MILYON NA LOBO PARA LANG SAYO BASTA! WAG LANG LUMAPIT SA MGA LALAKI KUNDI SAKIN LANG!"Sunod-sunod ang pagsigaw nya.

Napatigil ako, pati mga nasa paligid namin napatigil din sa mga kanya-kanya nilang ginagawa at tinignan kaming dalawa.

The way he scolded me...Parang....Selos sya?

"HAAAA?"Tinignan ko sya na may mukha na parang tunay na nag-aalala.

Dali-dali nyang tinakpan bibig nya na parang bang may dumulas sa dila nya di dapat ilabas.

"W—Wala kang n—narinig! WALA YON! KALIMUTAN MO YON! KALIMUTAN MO NA RIN ANG PAGUUSAP NATING TOH! WAG MO YONG ISIPIN!"Lumaki bigla mga mata nya & mukhang nagpapanic sya kasi parang mag nasabi sya sakin na di ko dapat malaman.

"Am— Soobi—"Naputulan ako nung bigla syang tumakbo papalayo.

Tinignan ko lang ang kanyang katawan na magwala & tumakbo sa gitna ng hallway na akala mo may tsunaming humahabol sakanya.

"Luh...Napano yun?"Napatanong ako sa sarili ko.

"Kahit nagwala na si Soobin, Kyut parin sya, hehe"

"Hoy! Sher dapat tayo sakanya diba?!"

"Oo nga, tatlo dapat tayo na magshesher kay Soobin."

"Right, Pero bakit parang nagwala sya dahil kay Harah?"

"May sinabi ba sakanya ang Gagang yon?"

"Kabwct talaga, Rinig ko napunta sa Section ni Harah si Soobin tas sabi daw nila pinilit daw ni Harah si Soobin na lumipat ng Section dahil patay na patay sya para sakanya."

"Like Hellooo, Ghorl hindi lang ikaw ang baliw kay Soobin...Daan-daan tayong nagkakagusto sakanya"

"Yah pero I'll make sure sakin sya mafafall"

"Asa ka pa ghorl, Sakin yun mafafall"

"Mafafall sa sahig dahil sa kapangitan mo, obviously maiinlababo sya sakin, Top one ako sa Section namin & maganda pa ako, Saan ka pa?"

"Lawak ng imagination nyo! Sakin sya!"

"Hinde! Ako lang ang may karapatang angkinin sya"

"Shhh~~ Sure ako sya ang future nobyo ko!"

"Sus! Daming alam, amputek! Basta sakin sya!"

Pinakinggan ko lang ang tatlong babae sa tabi-tabi na magagawan kay Soobin, Umirap ako at umalis papuntang Classroom.




•••
Belated Happy Balentayms ebri1 :))
🤍

𝗛𝗔𝗖𝗞𝗘𝗗 : soobinWhere stories live. Discover now